"As we stroll along together, Holding hands, walking all alone, So in love are we two, That we don't know what to do, So in love.. So much in love... So in love... So much in love..." Tunay na nakaka praning daw ang ligaya na dala ng tunay na pag ibig. Hindi mo pansin ang lahat kapag nagmamahalan kayo ng taong mahal mo.. Wala kang pakialam sa iba, at sa mundo, dahil di mo naman kelangan ang kahit na sino, kayo lang ng partner mo sapat na.. Oo... sapat na... Magka holding hands si Ella at ang kanyang nobyo na naglalakad.. Tila singtamis ng unang pag ibig ng dalaga ang pakiramdam, napaka gwapo at macho ng nobyo nya.. Kinikilig pa rin sya sa unang araw na nag tama ang mata nila..
"Kumusta pag tuturo mo?" tanong ng binata sa kanya habang inaalalayan sya pasakay ng kotse..
"Ok naman mahal.. mababait naman ata mga estudyante ko ngayon" sagot ng nakangiting dalaga. Si Ella.. Limang taon ang nakalipas at heto't nananatili pa din ang kagandahan ... Seksi pa din... at lalo pa atang gumanda. Binuksan ng binata ang kotse at pinasakay si Ella. Tinitigan lang sya ng dalaga..
"Ang aga mo atang nag out sa trabaho mo mahal" ika ng dalaga.. Ngumiti lang ang nobyo nya.
"Eh di ba sabi ko araw araw kita susunduin" sagot nito .. Kinilig si Ella.. Napansin naman ito ng binata na nasa likod ng kotse kaya nagsalita ito..
"Kinikilig ka padin Ate..grabe..may kilig ka pa pala sa katawan" ika ni Jonas.. Bakas sa mukha ng binata ang pagbabago.. lumaki ang katawan nito at tinubuan ng makapal na bigote na naging signature looks na nya.. Napatawa ang nobyo ni Ella sa narinig.
"Yung mga estudyante ko ang kukulit ..grabe
..tatanda ako ng maaga dito" ika pa ng binata..
"Tyagaan ..nasa dugo nyo ata ang pagtuturo..dapat mahaba ang pasensya nyo" ika ng nobyo ni Ella.. Napangiti si Ella.. Di pa din nagbago ang binata.. Kung ano sya ng nakaraang taon ..ay ganun pa din sya ngayon..
"Kuya kain muna tayo sa labas..nagugutom ako" sabi ni Jonas.
"Kayo bahala..sige.." sagot ng binata . Tiningnan sya ni Ella.. Ngumiti ang dalaga at naisip na sobrang swerte nya.
"Ayyyyyyyyy , Sisss" mahabang tili ng bakla.. Agad namang lumabas si Tanya na nagbibihis pa ng pantaas kasama ni Clay na nakahubad din..
"Mga walangya" sumbat ng bakla sa dalawa ng makita ang ayos nila.. Kapwa na patawa si Clay at Tanya...
"Di na ba kayo makapaghintay... ikakasal na kayo, ilang araw na lang ..hay saka na kayo mag ano" ika ng bakla
"Mama.. si Bakla, she's drowning me" ika ng apat na taong babae na agad tumakbo payakap sa mama nito..
"Aba.. aba.. kita mo to..huling huli ko nga na nagtatampisaw ka sa pool..pano kung malunod ka" ika ng bakla na pinandilatan ang bata..
"Mama...she's a monster" ika ng bata at humikbi.. Napatawa si Clay..
"Hoy Reggie. .wag mong takutin yung bata.. kita mo ...monster ang tawag sayo,mukha ka kasing monster" ika ni Clay.
"Hoy.. Mr-" tiningnan ni Reggie si Clay at nag isip ng ipang lalait sa binata pero napalunok sya ng makita ang abs nito.. Nagbawi sya ng tingin..
"At least SHE ang tawag nya sakin" malanding sabi ni Reggie at umirap sa bata..
"Ikaw talaga..kaya nagiging maldita tong anak ko gawa mo e" nakangiti si Tanya na kinarga ang bata.
"Hayaan mo sya baby.. Mama will kill the monster if he hurt you" sabi ni Tanya sa bata..
"Tandaan mo anak.. He sya not She.. He is for boy... She is for girl and si bakla ay ano?" tanong ni Tanya sa anak..