Masayang nagkantahan ang lahat… Ilang oras ang lumipas at dumating din si Brando at Clay.. Nag inom ang mga lalaki.. Sila Tanya , Reggie, Sam at Mutya nama’y nagpapalitan sa pagkanta.. Maging si Kaloy ay napakanta din nila..
“Minsan sa may kalayaan tayo’y nagkatagpuan, may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay, sa ilalim ng iisang bubong, mga sekretong ibinubulong, kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungo” Lahat ay nakikisabay sa pag kanta ni Kaloy.. Naalala tuloy nila na ito ang theme song ng Tropang Pasaway.. Masaya ang lahat.. si Reggie ay napaluha sa naalala …Ang mga pinag daanan nila, Napaka memorable nitong kantang ito… at sobrang tatag ng pagkakaibigan nila…
“Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari, kahit na anong gawin, lahat ng bagay ay merong hangganan, dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon, di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan, ngunit kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan, dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan”
“Hwooooooooo” hiyawan ang lahat ng matapos ang kanta.. Unti Unting dumilim.. Maingay na ang lahat.. Dumating si Kris at Jema kasama si Angel.. Kani kanyang ingay na naman ang lahat.. sa maiksing oras ay nakalimutan ni Kaloy si Aira.. Inenjoy ang sarili .. ngunit di nagtagal ay naramdaman nya muli ang sakit.
“Enjoy the last night” sigaw ni Dan..
“Bukas.. workaholic na naman lahat” sumigaw din si Sam habang yakap si Angel..
“Para sa tropang pasaway.” sigaw ni Tanya at nag yaya ng cheers..
“”Cheers” sigaw ng lahat.. Nakitango lang si Kaloy.. Pinilit nyang itago ang lungkot para wala ng mag alala sa kanya …Hindi buong araw e kailangan nyang pag isipin ang lahat sa nararamdaman nya.. Tama sila..Bukas may kani kanyang buhay na naman sila. At ano ng mangyayari sa kanya?? Matapos ang sakit na gawa ni Aira. di nya alam.. Napahimas sa noo ang binata.. Si Aira ..Si Aira. .Hindi maalis sa isip nya ang dalaga.
“Aira…” sigaw ni Reggie..
“Sis” sigaw ni Tanya…
“Uyyyyy” kani kanyang sigawan atlalong umingay ang lahat.. Tumingin si Kaloy sa pinagmulan ng ingay.. Si Aira.. Nanlaki ang mata ng binata.. Nandito si Aira.. ang ganda ganda ng dalaga.. napangiti sya .. namiss nya ang dalaga…di nya maitatanggi .namiss nya ito… Pero ganun na lang ang inis nya ng makitang kasunod nito ang Kano..
“Hi Tanya… Reggie” bati nito. Nagulat pa ang binata… kilala ng Kano si Reggie at Tanya… Kinabahan si Kaloy.. Bumilis ang tibok ng puso nya.. Hindi nya alam.. Matapos ang nangyari ay hindi pa nya ata kayang harapin si Aira.. Isinubsob na lang nya ang ulo sa mesa.. Ayaw nyang makita na magkasama ang dalawa.. Kunwari nag Nap sya..
“William.. this is Envy. You can call her Mutya” narinig nya ang boses ni Aira.. Lalo syang kinabhan.. namiss nya ang boses ng dalaga..
“This is her boyfriend Dan, this is Sam., Angel, Kris, Jema” sabi pa ng dalaga.. Kinabhan si Kaloy… lahat ata e pinapakilala ng dalaga.. Ngunit laking pasalamat nya ng hindi sya banggitin ni Aira.. Laking pasalamat na unti unting naging daan para mas masaktan sya. .Ibig sabihin. Hindi sya pinansin ni Aira.. Natanong tuloy nya ang sarili nya.. May halaga pa ba sya sa dalaga?
“William ..that over there sleeping is Kaloy, the one you’d met on the Hospital” narinig ni Kaloy na si Reggie na ang nagpakilala sa kanya..
“Sino sya Aira..bagong tropa” ika ni Clay.. Napahinto si Aira.. Suminghap ang dalaga… Ngumiti.. Pinili na ngumiti..
“Everyone ..this is William.. my Fiance” sabi ng dalaga.. Pumatak ang luha sa mata ni Kaloy… Gusto na nyang umalis sa kinauupuan nya ng oras nayon..pero mahahalata sya at magiging inconsiderate sya kung gagawin nya yun.Pero sobrang sakit na talaga..