Chapter 20-

2.6K 32 10
                                    

Isang matindi at napakapait na katotohanan.. Bakit kapag broken hearted ka ay tila lahat ng Sad Song ay pakiramdam mo ay kinompose o ginawa para sayo?

“Heto na naman ako, Nag-aabang ng bago sa istorya ko Paulit-ulit na lang Paulit-ulit na lang.” Nakaupo si Kaloy ngayon sa bench sa harap ng hospital, tahimik ang binata, tulala, hindi pa din maka get over sa nangyari.. Paulit ulit nyang nakikita ang sarili na kasama si Aira ilang minuto lang..Ang simoy ng mabango nitong buhok na pabalik balik sa isip nya.. Ang ngiti nito na tila walang katumbas na kaligayahan ang hatid sa kanya.. Daig pa nya ang namatayan..Kung alam lang sana nya na ganito ang kasasapitan ng lahat? Sana’y hindi na nya pinatagal at ngayon mismo ay dinala na nya si Aira sa simbahan..

“Heto na naman ako, Tinitignan sa’n nagkamali ang puso ko, Parang walang katapusan Walang katapusan.” Bakit nga ba?? Bakit di nya alam?? Bakit may ganon?? Nag umpisang mag halo halo ang emosoyon sa isip at puso ng binata.

“Napaka daya mo naman e” tila baliw sya na kinakausap ang sarili.

“Bakit ngayon pa kelangan mangyari nito” sabi pa nya..

“Kahit pilitin pa’ng sarili Ibigin kang mali, Ako’y Mali Ako’y Mali” Mali?? Mali nga ba .. Nag umpisang manuot ang sakit sa puso nya.. Gusto nyang lumaban. Pero sapat na ba ang isang araw na pag mamahalan nila ni Aira para ipag laban nya? Nasasaktan sya.. Gusto nyang lumayo sa hospital para mawala sa isip ang lahat. Ang gutom nya kanina ay napawi ng sakit sa dibdib nya.. Ayaw din naman nyang umalis dahil umaaasa pa din sya na sana’y lumabas ang dalaga.. Sana mag paliwanag ito. Di naman sya magagalit.. Pero sana lang

..Para at least may dahilan sya para lumaban.. Kahit alam nyang wala syang laban..

“Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan Umiiyak na lang palagi, Gusto ko nang lumisan.”

“Putang ina mo Sarah, putang ina mo Piolo” sabi nya ng marinig ang kanta.. Tiningnan nya ang Hospital. Pinahid ang unang luha na pumatak. Alam nyang hindi ito ang huling luha na pupunasin nya.. Pero masyado ng maraming nangyari. Gusto na nyang mag pahinga.. Tumayo sya sa kinauupuan.. Kinapa ang wallet, may dalawang daan pa syang naitabi… Pwede syang humanap ng sasakyan at umuwi na .. At ano? mag drama.. Hinakbang nya ang paa ..Wala sya sa sarili.. Kung san sya dalhin nito ay di nya alam. Basta isa lang ang gusto nya.. Ang lumayo sa Hospital. Hindi na nya mahihintay si Aira.. Naisip nyang wala ng dapat ipaliwanag ang dalaga.. Para saan pa?

“Sis..” sigaw ni Reggie kay Tanya.. Katatapos maligo ng dalaga,naka tapis lang ito ng tuwalya,basa ang buhok, at papasok na sa kwarto ng makitang pagod na pagod na tumakbo papasok ng bahay nya ang bakla.

“Oh bakla.. para kang hinahabol ng limang rapist ah” biro ni Tanya…

“Ay wish ko lang “Landi ng bakla at nagtilian sila..

“Ayyyy teka .ang landi landi mo..bakit ba?? anong sadya mo” tanong ng dalaga.

“May problema” lumungkot ang mukha ni Reggie..

“Hmmm” napamungot si Tanya sa narinig..

“Di na natapos.. pwede bang bukas na lang yan?? naligo na ko oh, saka wala pa tayong tulog” sagot nito..

“Hayy.. pag namatay ka mag sawa ka sa tulog..grabe ka..” biro ng bakla.. Kinatok naman ni Tanya ang pintuan nya ng tatlong beses.

“Grabe ka ..marami pa akong kakaining ano

..pinapatay mo na ako agad” sagot nito.

“Kakaining ano?” tanong ng bakla at ngumiti.

“Ang libog libog mo” sabi pa nito.. Kumindat lang ang dalaga..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon