Book 2 Chapter 6-

1.9K 19 10
                                    

Ilang minuto ding hinintay ni Kaloy si Ella na lumabas.. At matinding kasiyahan ang naramdaman nya ng makitang lumabas na sila Jen.. Inayos ni Kaloy ang buhok nya.. ang sarili.. Inamoy pa ang hininga ..

"Jen" tawag nya sa dalaga ng malapit na ito sa kanya..

"Uy. .Kaloy" bati ni Jen sa kanya at agad lumapit dito..

Nilibot ni Kaloy ang mata para icheck kung kasama ni Jen si Ella pero wala ito..

"Si Mika?" tanong nya..

"Ah kanina pa lumabas..nagmamadali nga e..di na kami hinintay" biro ng dalaga..

Natatawa pa ito habang minamasdan ang reaksyon ni Kaloy..

"Ganun" tila nalungkot ang binata..

"Ah sige..bukas na lang siguro" sabi ni to kay Jen at bagsak ang balikat na nagpaalam..

"Uhhhhhmp" ganun na lang ang gulat nya ng pagharap nya para umalis ay nasa harap nya ang nagtatawang si Ella..

Pero ang mas kinagulat nya ay ang halos kahibla na lang na buhok na lapit ng mga labi nila.. Muntikan na .. Muntikan ng magtama ang mga labi nila ..Maging si Ella ay nagulat sa nangyari, Unti unting sumeryoso ang nakangiting mukha ng dalaga..

Hinawakan pa ni Kaloy ang dalaga.. Niyakap para hindi ito matumba.. at sa isang mabilis na pang yayari ay hindi napigilan ng binata ang lahat ..Kinabig nya ang dalaga at sadyang hinalikan ito.. Mabilis ..walang nagawa si Ella..

"Yiiiiiiiieeeeee" kantyawan ng mga nakakita.

Para sa kanila, aksidente ang lahat.. pero iba kay Kaloy.. Hindi nya alam.. nawala sya sa sa katinuan..Ayaw nya ng nangyari lalo ng bumalik sya sa pag iisip.. Kasalanan ito.

Niloloko nya si Aira.. Mahal nya ang dalaga at hindi pwede itong nangyayari lalo't ikatlong araw pa lang ng pasukan ..at ikatlong araw pa lang nilang magkakilala ni Ella..

Bumilis ang tibok ng puso nya.. Pakiramdam nya ay wala silang kasama sa paligid.. silang dalawa lang ng dalaga.. Hindi.. namimiss lang nya si Aira... naaalala lang nya ito.. at nakikita nya ang nobya sa babaeng nasa harap nya..

"Magparamdam ka na please.. "Bulong ni Kaloy sa sarili na tila kinakausap si Aira.

"Baka mahulog ako at unti unti kitang makalimutan" sabi pa nya ...

"Plaaaaak" isang malakas na sampal ang gumising kay Kaloy.

"Anong-" hindi na natapos ni Kaloy ang sasabihin ng magsalita si Ella..

"Bastos" galit na angas nito at umalis sa harap ng binata..

"Ayyy" ika ni Jen...

"Sundan mo" ika ng kaibigan ni Ella kay Kaloy..

"Huh" tanong ng binata.. mukhang hindi maintindihan ng lahat ng nasa paligid nya na may nobya sya.. at parang itinutulak pa sya ng mga ito na gumawa ng kasalanan ... napaisip si Kaloy.. kung may nobya nga naman sya ..nasan ito?

Hinakbang nya ang paa.. "Bahala na" bulong nya at sinundan ang dalagang sumampal sa kanya..

"Aira" sigaw ni Kaloy .. agad nyang hinawakan ang bibig nya ng maalala na hindi si Aira ang hinahabol nya..

"Tang ina"Bulong ng binata..

"Mika" sigaw nya ulit at mabilis na tumakbo palapit sa dalaga.

"Huy ..saglit lang .."Ika nya ng makalapit sa dalaga,,

"Sorry" sabi ng binata ng huminto ang dalaga.. Kitang kita nya ang ekspresyon sa mukha ni Ella na punong puno ng pagkagulat..

"Sorry ..." ulit ng binata..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon