Chapter 8-

5.1K 34 0
                                    

Matapos kumain ay naiwan si Tanya at Mutya para impisin ang kinainan nila sa lamesa. Si Aira naman at Kaloy ang nakatoka sa pwesto nila..

"Mutya, nakita kong nakangiti kanina si Clay nung bago sila umalis, parang masama ang kutob ko, ayaw ko ng ngumingit yun ng ganon" sabi ni Tanya kay Mutya.

"Ano?? anong ngiti? grabe naman pagka pranning mo.. ngumiti lang e" sagot ni Mutya..

"Eh basta.. parang masama ang kutob ko" sagot ni Tanya..

"Happy birthday bhe.. i love you" bati ni Brando kay Reggie.. Napangiti naman ang bakla sa narinig, nangilid ang luha nya..

"I love you too bhe.. naalala mo talaga noh.. hindi na ng masyadong napapansin nung iba na birthday ko e.. "Ika ng bakla at niyakap ng mahigpit ang lalaki.

"Ano ka ba bhe..pede ko bang makalimutan yun?" sabi ng binata at yumakap na din.

"Nga pala bhe... malapit na naman tuition namin.. may naitabi ka na ba?" tanong ng nakayakap ng binata sa bakla..

"Ah syempre naman bhe.. pero bhe ..this time tapusin mo na to ha.. baka mamaya malaman ko na nagastos mo na naman yung binibigay ko sayo..wala na akong naitatabi para sa sarili ko.para sa atin.. kita mo nga wala ako halos handa ngayong birthday ko,kasi naman si mudra mo, ngayon pa din nakisabay ng sakit" sabi ng bakla..

"Oo bhe..last na to,,at matataas ang grade ko..nakita mo naman mga exam ko di ba" sabi ni Brando.

"Ayyyy... galing galing ng asawa ko ah, kiss ko nga" rekwes ni Reggie.. agad naman syang binigyan ng smack na halik ng binata.

"Hmmm mamaya na yung matagal bhe,maraming tao dito oh.baka mainggit sila at malibugan sa gagawin natin" biro ni Brando..

"Ayyyy.. ang landi landi ng asawa ko ...ang pogi pogi pa.." landi ni Reggie at humiga pa sa hita ng binata.

"Ako na dito Kaloy.. sige na punta ka na kila Kris.." sabi ni Aira sa binata.. Magkasama sila ngayon na nag iimpis ng kinainan..

"Tinataboy mo na ako?" ika ng binata.. Ngumiti lang si Aira..

"Grabe sya.. taboy na agad, bahala ka nga,dalhin mo yang ibang pinggan.. ako mag sasabon ikaw na magbanlaw.." sabi ng dalaga..

"Yess maaam" sagot naman ng binata at sabay na silang tumungo sa ligpitan.. Ganun na lang ang gulat ng dalawa ng makitang nandun din si Tanya at Mutya sa ligpitan para maghugas ng pinagkainan..

"Aira.. Kaloy.." bati ni Tanya sa dalawa.. Agad namang kinabhan si Mutya sa narinig na pangalan.. Lumiksi bigla ang kilos nya.. Gusto nyang matapos na agad ang pagliligpit, ayaw nyang magkaron sila ng oras na magkasama ni Kaloy... Maging si Aira ay natense sa sitwasyon..dati naman silang nagkakasama sama nila Mutya at Tanya at walang ganitong awkward na sitwasyon pero bakit nung nandito na si Kaloy ay nagbago na ang lahat.. parang may harang.

"Tanya..Mutya.. ako na jan.. uyyy Kaloy sunod ka na din dun, ako na maiwan dito" sabi ni Aira habang pinipilit na ibalik sa dati ang dating pagsasamahan nilang apat na walang halong ka awkwardan. Katahimikan..Walang nag sasalita.. tunog lang ng nagbabanggaan na pinggan at kutsara ang ingay..

"Anong ikaw na ..tutulungan kita ..andami nyan oh" sabi ni Kaloy kay Aira..

"Kami na dito samin sis..mabilis lang to tas kayo na" sagot naman ni Mutya... Tiningnan nya si Aira, at iniwas ang mga mata sa binata.. Hindi nya pa din matingnan si Kaloy.. Napangiti naman si Tanya sa sitwasyon ng tatlo, nakaisip sya ng paraan, tutal wala din naman syang gagawin..
"Ahh..kayo na bahala jan.. baka hinahanap na ako ni Clay.. Kaloy..tulungan mo yang dalawa..gudluck" ika ni Tanya at malanding tumawa..

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon