Chapter 6-

6.1K 39 1
                                    

"Nasan na ba si Brando, di pa ba nag teteks.. Putang ina, mag gagabi na, pano natin masasagawa plano kung wala pa sya" tanong ni Dan kay Ram.

"Eh ewan. di pa nag teteks, kailangan ba talaga nating gawin to?" tanong ni Ram.

"Ano? naduduwag ka na?umuurong na ba yang bayag mo?" galit na tanong ni Dan.

"Dan..tol.. chill.. Ram.. eto. . puff ka muna para marelax ka" ika naman ni Clay sabay abot ng naka roll na weeds sa binata..

"A-ayaw ko..wala akong sa mood" pagtanggi ni Ram. Napakamot ng ulo si Dan sa narinig.

"Pag sabihan mo nga yan, baka masikmuraan ko ng wala sa oras yan, asar" ika ni Dan sabay galit at padabog na tumayo at lumakad palayo kila Ram.

"Hooy.. Raymart. . Si Kaloy ang pinaka gwapo at bida sa lahat ng lalaki na nandito ngayon sa bahay ng syota ko, sumangayon ka na sa plano na pabagsakin natin sya para wala ng hinahangaaan ang mga babae natin at tayo na lang ang makita nila." paliwanag ni Clay.. Hindi nag salita si Ram.

" gusto mo ba na habang buhay na lang mayroong pinaka magaling sa buhay ng syota mo? ni Aira? at kanina, ano yun? pumapayag ka lang na yakapin nya ng solo yung syota mo, napaka tanga mo.." sabi pa nito.

"Tuloy ang plano mamaya. hindi mo kelangang maduwag, heto hithitin mo na .. baka maabutan pa nila tayo dito" sabi ni Clay. inabot ang marijuana kay Ram, tinanggap ito ng binata ngunit hindi sinindihan. Sa likod ng bahay nila Tanya ay tila paraiso dahil sa isang malawak na garden ng bulaklak na nandoon..

" tanda mo pa ba yung batang tinulungan mo noong binugbog ng mga 4th year student?"Tanong ni Aira, magkasama silang naglalakad ngayon ni Kaloy na tila magkasintahan.

"Makakalimutan ko ba yun e awang awa ka dun sa bata... grabe.. napaka maawain mo sa mga taong di mo naman kilala" sabi ni Kaloy..

"Eh ganun talaga ako..mabait" ngumiti pa si Aira habang pinagmamalaki ang sarili.. Sumilay ulit ang set ng mga brace nya.. Napangiti na din si Kaloy. Katahimikan..

"Bakit nga ngumunguso kanina" tanong ni Aira na pumutol sa katahimikan. Napatawa si Kaloy..at sa unang beses ay nasaksihan ng dalaga ang pag bublush ng siga nyang kaibigan.

"Uy... grabe nag bublush ka" panunukso ng dalaga..

"Ha..-ah- ano a-anong nag bublush..ro-rosy cheeks ako noh" sagot ng binata at napakamot pa sa sobrang pagkahiya.. Katahimikan ulit..

"So bakit mo nga ako gustong halikan kanina" tanong muli ni Aira.

"Wa- ..wa-wala..di ko alam.. unang beses kasi natin naging sobrang lapit ng ganun kanina" sagot ng binata.

"So akala mo makaka score ka din sakin? haha grabe ka uy.. may boypren ako at loyal ako" sagot ng dalaga at tumawa..

"Kapal neto..ikaw tong mahigpit ang yakap sakin" balik ni Kaloy. Ang dalaga naman ang nag blush..

"Ha- uh... hin-hindi ah" putol putol na sagot ng dalaga..

"Nag blush sya" panunukso ni Kaloy at parehas sila nag tawanan. At sa muling pagtatama ng mga mata nila ay muling tumigil ang oras.. Nagngitian lang ang dalawa.. Muli,inayos ng dalaga ang buhok ng binata..

"Sabi sayo e mag ayos ka lang ng sarili mo at pwedeng pwede ka ng isabay sa mga katulad nila Dan" sabi ni Aira. Hindi sumagot si Kaloy.. bagkus ngumuso sya ulit..

"Ano.." tila nahihiya pa si Aira.. Ngumuso ulit ang binata..

"Tang inang to, ang kulit,, may boypren ako.. " sagot ni Aira.. Pero sadyang makulit ang binata at hindi sya tinigilan sa kakanguso.. Napakagat sa pang ibabang labi nya ang dalaga..at sa isang iglap ay mabilis nyang sinugod ang labi ng binata.. Smack ..oo smack lang..isang mabilis na pagdampi ng labi nya sa labi ng binata na nagpamulagat sa mata ni Kaloy.. At dahil matangkad ang binata sa dalaga, kailangan pang tumingkayad ng dalaga para maabot ang labi ng binata. Sa pagkalas ng mga labi nila ay muli nyang nasilayan ang pagkagat ng lower lip ng dalag asa labi nito.. Ngumiti si Kaloy.. Katahimikan..
"Ano?" tanong ng dalaga dahil hindi sya tinitigilan ng titig ng binata.

BARKADA [FULL BOOK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon