Lulan ng isang taxi si Roman patungo ng Maynila. Pitong na taon na rin siyang nawala sa pilipinas ng mangibang bansa at makipagsapalaran sa America.
Pitong taon siyang lumayo upang makalimot sa kaniyang kasintahang si Mia Rosa na nagtaksil sa kaniya at ipagpalit sa isang mayamang binata.
Isang Monleon ang umagaw sa kaniyang pangarap na magkaroon ng isang tahimik at masayang buhay sa piling ng kaniyang mahal na nobya.
Kasabay ng pagtulo ng kaniyang pawis ang luhang pumatak sa kaniyang mga mata kasabay ng mga alaalang pinagsamahan nila noon ni Mia.
"Pangako hindi tayo magkakahiwalay."
Isang sumpaan nilang dalawa noon at nagplano ng isang payak na kasal.
Yumuko siya at tinakpan ng kaniyang mga kamay ang mga mata upang ikubli ang sakit na nararamdamang pagsisinungaling at pagtataksil ni Mia Rosa.
Para na rin siyang pinatay sa ginawang paglayo ng walang paalam ng babae.
Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang galit at kirot sa puso sa ginawang kataksilan ng babae.
Kung pwede lang kalimutan ang nakaraan ay matagal na niyang nagawa. Ngunit ang multuhin siya ng nakaraan nila ni Mia Rosa ang bumuhay para bumangon at lumaban.
Pitong taon siyang nagtrabaho bilang balasador ng baraha sa mga casino ng Las Vegas sa Amerika at pinalad na maging Manager doon dahil sa sipag,katalinuhan at "diskarte".
Kung naghintay lamang si Mia Rosa, naibigay na sana niya ang pangarap ng isang magandang buhay.
Ngunit binigo siya ng kaniyang pag-ibig at tinalikuran na lang ng basta basta.
Ulila si Roman sa magulang at tanging tiyuhing pari ang naging suporta niya para mabuhay. Lumaking mahirap ngunit mayaman sa pangarap na makaahon sa kinagisnang buhay.
Dahil sa pangarap na iyon ay iniwan niya ang siyudad ng Tagbilaran at pansamantalang lumayo sa kasintahan upang mag-aral sa isa sa pinaka sikat na paaralan ng Cebu. Matalino si Roman kayat nakapagtapos siya ng Business management bilang scholar.
Sa kaniyang pagtatapos, akala niya ay ito na ang unang hakbang para sa katuparan ng kaniyang mga plano para sa sarili at para sa babaeng naghihintay sa kaniya.
Kabaligtaran ng siya ay bumalik.
Iniwan na siya ng kaniyang nobya at sumama pamaynila ng alukin itong maging isang sekretarya.
Nasilaw si Mia Rosa ng mapanghalinang kwento ng buhay Maynila at yaman ng lalaking nakilala.
Ilang linggo na pala siyang niloloko nito kahit noong nakakapagbakasyon siya sa piling ng kasintahan.
Balita niya ay pinakasalan ng isang lalaking umagaw sa kaniyang mahal na kasintahan.
Sa kanilang baryo ay may kaya ang pamilya ni Mia Rosa na nagmamay-ari ng isang maliit resort sa Isla ng Panglao.Dahil isang ulila at mahirap ay tutol sa kaniya ang mga magulang ng babae kayat nagsumikap siya,nagtapos ng kolehiyo upang patunayang kaya niyang buhayin at bumuo ng pamilya.
Ngunit huli na pala ang lahat.
Wala na si Mia Rosa."Isang buwan ng buntis si Mia ng umalis siya dito.Roman sa iyo ang batang dinadala niya."
Lihim na kwento sa kaniya ng pinakamalapit na kaibigan ni Mia Rosa.
Dalawang linggo lang nagkakilala sina Mia Rosa at ng lalaki.Binilang niya ang araw ng huling nagsiping sila at napagtanto niyang kaniya nga ang dinadala nito.
Nagbalak siyang bawiin si Mia Rosa subalit kahit anong impormasyon kung saan siya nagtungo ay ipinagkait sa kaniya ng mga magulang ni Mia. Ang tanging alam niya ay mayaman ang umagaw sa babaeng pinakamamahal. Walang laban ang diploma laban sa isang Monleon na nagmamay-ari ng Monleon Tower Hotel sa Makati.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...