Roman
Hindi namalayan ni Arch Angelo ang aking paggising. Malalim ang kaniyang tulog kaya madali akong nakabangon sa pagkakahiga. Isinuot ko ang aking panloob. Nagtungo sa banyo at isang bathrobe ang pansamantalang isinuot upang takpan ang aking kahubaran.
Matapos magbawas sa banyo ay nagtungo ako sa labas ng silid upang kumuha ng maiinom na tubig.
Hindi aakalaing nasa hotel ako dahil parang malaking bahay lang ang loob ng dilid.
May kusina, sala, veranda,entertainment room, at maliit na play room. Hindi na ako magtataka kung may silid din ang tatlong katulong dito.
Nakaamoy ako ng nilulutong bacon.
Tama ang aking hinala at ang kusinera ay nasa maliit na kusina na nagluluto kasama ang isang yaya ni Thirdy."Good morning sir, baka gusto nyo na pong kumain."
Paanyaya nila sa akin ng makita akong papalapit sa kanila.
Gumanti ako ng bati at humingi ng maiinom.
Nakahain sa food counter ang mga bacon at french toast na bagong luto. Nakiusap ako na ipaghanda ang bata ng agahan kung maari at ihahatid ko sa kaniyang kwarto. Tumalima naman ang yaya at madali niyang nailagay sa tray ang agahan para sa anak ko.
Tulog pa si Thirdy ng silipin ko sa nakaiwang na pinto.
Dahan dahan akong pumasok at inilapag sa side table ang pagkain.
Dahan dahan akong umupo sa kaniyang tabi.Tahimik kong pinagmasdan muli mukha ng aking pinakamamahal na anak habang natutulog.
Madami akong gustong itanong at malaman tungkol sa kaniya.
"Ano gusto mo paglaki?'
"Marunong ka na bang magbike?"
"Ano ang paborito mong pagkain?"
"Nalulungkot ka bang wala na ang Mama mo?"
"Madalas ka bang pinagagalitan dito?"Madali lang sa kaniyang masasagot ang mgat tanong.
Ngunit hirap akong itanong ang mga ito dahil maiingit lang ako sa mga unang nakasaksi ng isilang ka..
Hindi ko na napigilan ang aking sarili,hinawakan ko ang kaniyang kamay at haplusin ang kaniyang manipis na palad,ang mala porselanang mga na daliri, ang mga kuko, dinama ko ang dugong pumipintig sa kaniyang pulso.
"Nabuhay ka dahil sa pagmamahal ko sa Nanay mo. Dalawang beses naman akong pinatay ng inagaw kayo sa akin..."
Nagising ang anak ko.
Tahimik na nag-inat pa ng mga kamay at paa kasabay ng isang nakakatuwang hikab. Nakabawi na siya ng pagod kagabi. Napakaganda mo talagang pagmasadan anak ko.
Dumilat siya, nakita niya ako na nakatitig sa kaniya. Sinusuma ang kapaligiran kung sikat na ang bagong araw. Muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.
Gusto kong umiyak at yakapin siya."Good morning Uncle Roman!"
Hindi ako nakakilos dahil sa inilapit niya ang kaniyang kamay na hawak ko sa kaniyang pisngi at inipit sa hinihigaang unan.
Gusto pa niyang matulog marahil...
Sa tuwa ko ay hinalikan ko siya sa pisngi.
"Bangon na po kayo señorito. Pinagdalhan ko po kayo ng agahan."
Bulong ko sa kaniyang tainga.
Dumilat siya na parang nag-iisip pa kung babangon o hindi.
Muli ko siyang hinalikan sa pisngi dahil sa panggigil. Nawala na ang kaniyang antok at pinagbigyan na ako sa aking pangungulit na siya ay bumangon na.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Narrativa generaleGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...