Arch Angelo
"Uncle Arch, let's go na! Uncle Roman is waiting!'
Talaga naman ang batang ito at di makapaghintay. Nakakatuwa at kahit kanina sa paggising lang niya nakasama si Roman ay nakagiliwan niya ito ng sobra.
Nagmamadali tuloy akong magbihis at nasa lobby na pala si Roman na naghihintay
.
Excited na excited ang pamangkin ko ng hinawakan pa ang kamay ko at hilahin patungo sa harap ng elevator upang makasakay at makababa sa lobby."Uncle Arch nagugutom na si Uncle Roman!"
Tatawa-tawa ako ng bumukas ang pinto at hilahing muli sa pagmamadali.
Sa loob ay sinigurado ko pa kung ayos ang aking pananamit.
Sinipat kung maayos ang buhok maging ang aking mga ngipin. Napatingin ako kay Thirdy na pinapanood pala ako sa aking ginagawang pagche-check sa sarili."Yes?"
Tanong ko kay Thirdy.
"Uncle Arch, gwapo ka na so don't be concious."
Para akong napahiyang napatawa sa sinabi ng pamangkin ko.
Hindi naman ako ganito kung maexcite dati.
Hindi ako sensitive sa kung ano ba ang makikita sa akin.
Hindi ko alam at sa isiping may naghihintay sa ibaba ng hotel ay nais kong presentable ako at walang kapintasan sa mga mata ni Roman.Ewan ko ba sa sarili ko.
Akala ko ay one night stand lang ang mangyayari at tapos na.
Pero ng makita ko kung gaano siya nilapitan at niyakap ni Thirdy ay nag-iba ang pagtingin ko sa kaniya.Malambing ang pamangkin ko.
Bindi siya nahihiyang ipakita ang kaniyang pagmamahal sa amin.
Pero di gaya ng ginagawa niya kay Roman.
Nandoon agad ang pagtitiwala at pagkagiliw niya.Ngayon ko lang nakita sa mga mata Thirdy ang kasiyahan na dapat ay naroroon noon pa bilang isang bata.
Kakaiba ka Roman at ang pamangkin ko ay naakit ng iyong presensya.
Ang personalidad mo ay parang batubalaning nakakahila ng damdamin.
Parang ang daling umibig sa iyo...
Umiibig na nga ata ako sa iyo..
Kaba ng pananabik ang aking nararamdaman ng nakalapag na kami sa lobby at bumukas ang pinto ng elevator.
Kakaiba ang bigat ng aking dibdib.
Kaligayahan ang aking nadarama ng makita ko siyang prenteng nakaupo sa waiting lounge.Isang imahe na angat sa iba.
Ang nakakahawa niyang ngiti ng makita niya kami.
Ang kaba ko ay lalong bumilis.
Shit naman!
Ano ba Arch, bakit ka ba nagkakaganyan?Bulong ko sa aking sarili.
"Uncle!!!"
Sigaw ni Thirdy ng makita niya si Roman.
Talagang kakaiba ka Roman at patakbo pang lumapit sa iyo ang bata. .
Maging ang pagbati niya ng halik sa iyong mga labi ay nagagawa niya na hindi ko naranasan sa pamangkin ko noong nagka-isip siya.
Ano nga ba meron ka at naiinlove kaming magtiyo sa iyo?
"Naghintay ka ba ng matagal?"
Pagtatakip ko sa aking nararamdaman.
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaluhod mula sa pagkakayakap sa bata at nakipagkamay sa akin.
Napakadisente talaga niya na kahit may nangyari sa amin kagabi ay di siya nagpahalata sa mga nakakakita sa amin ngayon.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...