Margott
Bumukas ang pinto ng sasakayan sa tapat ng mansion ng mga Monleon.
Bumaba mula sa driver seats ang isang napakagandang modelo.Nagbukas ang pinto at sinalubong siya ng isa sa mga maid ng masion. Binati siya ng kasambahay ngunit ni hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang o gantihan ng pagbati ang katulong at derederecho itong nagtungo sa loob ng 3 story mansion.
Alam niya ang pasikot-sikot dito. Inakyat niya ang hagdan patungo sa ikalawang palapag. Ilang pinto ang dinaanan niya hanggang sa makarating sa dulo.
Ito ang library/office ng mansion.
Dito nagaganap ang lahat ng transaction ni Don Juancho.Ngunit hindi ang matandang Don ang pakay ni Margott kundi ang kaniyang papa. Si Atty. Simeon Olivarez.
Ang kanang kamay at abugado ng pamilya Monleon."Papa..."
Parang batang musmos kung bumati si Margott sa amang abala sa pagbabasa ng ilang papeles.
Agad namang huminto ang matandang binati, itinigil ang mga ginagawa. Parang prinsesa kung ituring ni Atty. Simeon ang anak na tumawag.
Humalik ang dalaga sa magkabilang pisngi ng amang lumapit.
Nakasimangot pa ito ng pinaupo ng kaniyang papa."Ija, hindi bat sabi ko sa iyo na busy ang papa."
"E kasi naman papa, nakakabore na dito sa pilipinas. Ang saya-saya ko na sa new york bakit mo pa ko pinauwi dito kung lagi lang ako sa bahay. Nakakainis ka naman e."
Maktol ng ng babae sa ama na sinabayan pa ng pagpadyak ng paa sa pagkakaupo.
Tumayo muli ang ama, umupo sa tapat na silyang kinauupuan ng dalaga at inamo ang kaniyang anak.
"Naku ang prinsesa ko. Kaya nga kita pinauwi kasi gusto kitang makita. Natatakot ako na baka kung ano na ang nangyayari sa iyo sa Amerika. Dito mababantayan kita at madali ko maibibigay ang mga gusto mo."
"Papa naman e! Boring na dito sa pilipinas! Ano naman gagawin ko dito! Most of my friends nandoon na sa new york. Wala na ako kilala dito. Theres nothing new here! Nakakasawa!"
Ganito ka-spoiled si Margott kaya ganito ang kilos nito pagkaharap ang ama lalo na kung sa ganitong pagkakataon na sila lang dalawa ang magkaharap. Kabaligtaran kungbkaharap ay ibang tao na akala mo isang binibini.
"Ngayon magiging busy ka na. Alam mo ba na bumalik na ang kakambal ni Michael Angelo?"
Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig na balita. Kilala niya ang kambal ngunit di pa niya ito lubusang kilala dahil nasa amerika siya noon.
Tanging sa larawan lang at pahayagan niya nababalitaan si Michael Angelo na sikat na race car driver. Sa namayapang Monleon una siyang nagkagusto.
Binalak pa nga nilang mag-ama na i-set up siya noon sa isang blind date ngunit napurnada naman dahil pinakaslan agad ang babaing nabuntis nito.
Sa inis ng dalaga sa kaniyang lihim na pag-ibig ay nagtungo ito sa amerika upang ipagpatuloy ang pagmomodelo.
Kilala rin niya si Arch Angelo sa kwento ng ama. Mas nagkaroon siya ng interes dito dahil sa pagiging black sheep sa pamilya.
"I like him, nakakachallenge..."
Naala pa niya ang sinabi niya ng minsang ikuwento ng papa niya kung paano ito magwala sa isang bar sa kalasingan at kung paano ito lumaban sa ama ng sigawan.
"Natahimik ka na?"
"Of course not Papa! Nabigla lang ako na bumalik na ang black sheep ng mansion."
![](https://img.wattpad.com/cover/105819324-288-k197956.jpg)
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Ficción GeneralGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...