Chapter 4 Alibughang Anak

5.6K 179 4
                                    

Arch Angelo

Himbing na natutulog si Thirdy habang pinagmamasadan ko ang maamo niyang mukha.

Tahimik at ingat akong binabantayan ang aking pamangkin.

Tatlong buwan na rin ang nakakaraan ng muli akong bumalik at magpakita. Kung hindi pa namatay ang aking kakambal ay tuluyan na sigurong binura na ng papa ang pagiging Monleon ko.

"Ikaw lang ang binalikan ko Thirdy...
Ikaw lang ang pakay ko na mailayo sa Papa. Bata ka pa at ayaw kong pati ikaw ay paikutin niya sa kaniyang palad."

Bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasadan ko ang musmos niyang mukha habang himbing sa pagtulog.

Ganitong edad rin na magsimulang makita ko ang tunay na anyo ng Papa.

Isang estrikto at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Manipulador ng damdamin at siya lang ang tama sa lahat. Batas sa Papa ang lahat ng kaniyang naisin,sabihin, sa pamilya o negosyo. Isang manhid na halimaw kung ilalarawan.

Di man pisikal na saktan ako noon ay nakadama naman ako ng kakaibang takot dito.

Mula noon ay kay mama ako napalapit,di gaya ng kapatid ko na sunod-sunuran sa aming Papa.

Matigas lang talaga ang ulo ko kaya ayaw niya sa akin.

Kanlungan ko ang mama sa tuwing pagagalitan ako ng papa sa tuwing hindi ako sumusunod sa kaniyang mga gusto.

Masakit sa akin ang mga parinig na kakaiba ako sa aking kakambal.

Si Michael Angelo na mabait at masunurin.

Na ang kabaitan ng isang bata ay nakikita sa pagsunod sa gusto ng ama.

"Tumayo ka ng maayos,magasalita ka ng maayos,kumilos ka ng maayos.magbasa ka ng maayos,mag-aral ng maayos."

Mga salitang pwede kong tanggapin noon kung walang karugtong na pagkukumpara sa kapatid.

Sa loob ng tatlong buwan mula ng ako ay bumalik, apat na beses pa lang kaming nagkita at nagkaharap. Kaswal sa harapan ng bata. Ngunit alam kong kapwa lang kami napipilitan na magkita dahil kay Thirdy.

Kung wala siguro si Thirdy paniguradong nabingi na naman ako sa paghahambing sa aking kapatid.

''Nawala na ang anak ko..."

Mga salitang narinig ko kay Papa bago ilibing ang aking kakambal.

"Nauna pa pala ako namatay sa iyo Michael...at ang Papa ang pumatay sa akin."

Ito ang bulong ko sa aking sarili habang nagluluksa noon.

Iyln ang araw na mabatid ko na talagang matayog na pader ang nakaharang sa pagitan naming mag-ama.

Wala na akong balak na sirain ito para magkalapit kami sa isat-isa

Wala na akong amor sa matandang yun.

Namatay na ang dalawang tangi kong kakampi.

Namatay ang Mama sa kalungkutan at ang kapatid ko naman sa insidente. Ang tanging rason ko na lang sa pagbabalik ay gabayan ang pamangkin ko.

Ilalayo ko sa mahigpit na hawak ng Papa.

Oo at isinilang kaming mayaman ngunit ang lahat ay kailangan pang paghirapan kung may kailangan.

7 taon pa lang ay nagbabasa na ako ng editorial ng isang pahayagan araw- araw upang sauluhin at ibalita sa harap ng papa bago kumain ng agahan.

Walang memoryadong balita, walang agahan kakainin.

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon