Atty. Simeon
"Hindi ko alam kung bakit kailangan magkaroon ng emergency meeting. Ang nakakabuwisit pa nito ay si Roman pa ang nagpatawag sa akin.
Kabago-bago lang niyang nailagay sa posisyon at talagang nagpapalapad ng papel."Sinadya kong bagalan ang patungo sa conference room. Kung kaya niyang mang-abala, pwes kaya ko rin.
Iritado akong nakarating doon sa harap ng pinto at pumasok ako. Nabigla ako dahil nandoon ang mga lahat ng Officer ng asosasyon. Maging ang Chief Executive Officer ay nakupo sa kabisera ng lamesa ng pagpupulong.
Si Don Juancho.
"Senior Juancho ano ho ginagawa ninyo dito?"
Ang pagtataka ko dahil hindi naman pupunta ang matanda sa mga ganitong emergency kung ako ang pinatawag.
"Yan din ang gusto ko malaman at bakit mo ako pinatawag Simeon?"
Ako ang nagpatawag ng meeting na ito? Naguguluhan ako.
"Don Juancho nagkakamali kayo. hindi ho ako ang nagpatawag sa pagpupulong na ito."
Nagsimulang magbulungan ang mga nakaupong executives at maging sila ay inakalang ako ang nagpatawag.
Magpapaliwanag ako ng biglang bumukas ang pinto sa likuran ko.
Nilingon ko ang dumating at si Roman pala iyon kasama ang kaniyang sekretarya."Ipagpaumanhin ninyo ang huli kong pagdating, Don Juancho ako po ang nagpatawag ng emergency meeting na ito."
Namula ako sa galit dahil sa kapangahasan ng anak ni Don Iñego.
Ngunit si Don Juancho na ang kumastigo sa kaniya."Puñeta! Sino ka para ipatawag ako!"
Natahimik kami dahil oras na magmura ang matanda ay paniguradong may matatanggal sa trabaho. Sa pagkakataong ito si Roman na ang inaasahan kong matatanggal.
"Muli ang aking paghingi ng paumanhin. Ginagawa ko lamang ang trabaho ko."
Ang kapal talaga ng apog mo Roman. Ni hindi ka man lang nakadama ng takot sa kaharap mo.
"At kasama ba sa trabaho mo ang panloloko mo na si Simeon ang nagpatawag ng meeting na ito."
Hah! Huli ka na! Pati ako ay gagamitin mo pa sa kalokohan mo.
"Pasensya muli Don Juancho. Maliit na bagay lang po ang pagsisinungaling ko kumpara sa tauhan nyo na matagal na kayong niloloko."
Ano ibig sibihin nito?
Anong panloloko?
Kinabahan ako sa kaniyang sinasabi."Señor ang abogado mo ay matagal ng ninanakawan ang inyong negosyo!
Sira ulong baguhan at ginagawan ako ng tsismis.
" Mag-ingat ka Roman sa mga pinaparatang mo baka edemanda kita. Hindi mo ako kilala. Isa akong Olivarez!"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang namatay ang ilaw at gumana ang projector na pinaandar ng kasama niyang sekretarya.
Isang usapan ang pinalabas. Sa isang kwarto at naroon ang ilang mga tauhan ko sa finance office.
Narinig ko ang diskusyon nila.
"Matagal ng dinadaya ni Atty. Simeon ang mga finance statement ng hotel sir Roman. Dagdag-bawas ang kalimitang pinagagawa niya. Yung ibang pinapasok niyang benificiary ng donation natin noong nakaraang bagyo, bogus yun sir. Hinokus-pokus niya lang yun at pinasa sa amin ang report para pirmahan. Yung pera na nakukuha niya, sa katulong nilang account nakadeposito. Pero ang totoo kay attorney yun.'
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...