Roman
Tatlong linggo mula ng ipakilala ako ng aking "Papa" sa mga executives ng asosasyon. Napadali ang pagkakataon ko na mailagay sa posisyon. Nakuha ko ang loob ng mga share holders at pabor sa kanila na ilagay ako bilang operations manager ng hotel. Ito ang ikaanim sa pinakamataas na posiyon na ibinigay sa akin.
Malaking factor ang naimbag ko sa nakaraang meeting dahil sa mga idea na ibinigay ko sa kanila para sa darating Ad confference na pangungunahan ko.
Napakabilis ng tatlong Linggo at mapapadali para sa akin na makuha ko ang hiling ni Don Iñego.
Kahit tapat kong ginagampanan ang aking tungkulin ay nakamatyag pa rin ako sa mga maaaring sumira ng aking mga plano.
Nariyan si Atty. Simeon at alam ko na siya ang mata ni Don Juancho na nag-eespiya sa bawat kilos ko.Ito ang unang araw ko bilang Operations Manager. Naipakilala na ako sa mga tauhan ng hotel at magiliw nila akong tinanggap lalo pa ng malaman nila na "ama" ko si Don Iñego.
May sarili akong opisina at isang sekreterya. Gaya ng aking posisyon ng nasa amerika pa ako ay bunga ito ng taong gumagamit sa akin. Ang pagkakaiba lang ay ay ginamit ko ang aking katawan noon para umangat at ngayon naman ay ang aking layuning mabawi ang dapat sa akin.
Kung gaano kabilis ang mga araw na dumaan ay napakabagal naman para sa akin sa tuwing naalala ko ang aking anak na si Thirdy. Kay tagal ko na siyang hindi nakikita at nakakausap. Masyado akong abala at okupado ng mga trabahong pinapagawa sa akin ni Don Iñego.
Napakarami niyang pag-aari na kailangan puntahan ng personal. Mga tauhan na kailangang makilala. Mga politiko na kailangan kausapin at mga proyektong pangungunahan. Hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas noong wala pa ako.
Nakakaramdam ako ng pagod sa mga naiisip ko kung gaano siya kaabala ng mag-isa. Kasama pa nito ang hinanakit niya kay Don Juancho.
Pareho nga kami ng dinaranas ngayon.Nais niyang ibalik ang pagkatao ng nakaraang kaibigan, at ako para sa kinabukasang makasama ang anak.
"Titiisin kong di muna kita makita anak ko dahil kailangan."
Ilang palapag lang ang pagitan natin ngayon at parang langit at lupa ang nararamdaman ko. Ayaw tayong bigyan ng pagkakataon na magkasabay sa elevator o masilip ka man lang kasama si Arch Angelo.
Sa dami ng mga papeles na nakuha ko para pag-aralan ay hindi ko na nakuhang magtanghalian. Sa una akala ko maayos ang mga data na nabasa ko. Iba sa mga papeles ni Don Iñego sa mga nakuha ko dito.Marami akong nadiskubre discrepancy sa dalawang mga kopya at hindi tugma ang mga datos.
Hindi ako mapakali kayat ang mga nakilala kong share holders ay aking tinawagan at hiningian ng kopya ng kanilang corporation capital stock income. Ipinadala nila sa aking e-mail at binasa ko isa-isa.
May panlalamang na nangyayari sa asosasyon ang nadiskubre ko.
Para makasiguro ay kumuha ako ng nakaraang kopya sa accounting department ng mga nakaraang record ni Don Juancho.
Maging ang dokumento na natatanggap ng ulo ng korporasyon ay mali-mali din ang data.
Ilang taon na palang binabawasan ang kani-kanilang mga shares. Hindi ako mapakali. Masusi kong pinag-aralan ang lahat at maging ang ibang mga holders ay binabawasan din. Napakaraming pagtatakip na sa mga nababawas na hindi tugma sa ilang mga papeles.
Inabot na ako ng gabi sa aking mga nadiskubre at pagtutugma ngunit malimali ang lumalabas sa mga dokumento. Kulang sa supporting documents ang mga donasyon ibinibigay nila sa kawanggawa.
Ang salaping lumabas ay walang dokumento ng pagtanggap at kung saan ito napupunta.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Aktuelle LiteraturGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...