Chapter 28 Ang Pagsilang sa Isang Dragon

3.4K 175 17
                                    

Huling araw ng pagluluksa sa labi ng isang mabuting kaibigan.

Tahimik na nakaupo sa isang pribadong silid si Roman kung saan nakahimlay ang labi ni Don Iñego. Tanging kasama niya sa kaniyang likuran ang ilang mga nakaupong piling tao rin upang samahan siya sa huling araw at paglilibing sa matanda.

Naroroon ang matapat na driver na si mang Federico,ang sikat na couturier na si Arwen Santillan, ang head officer ng isang security agency, at si Mr. Jeriker na isang share holder ng Monleon tower. Bukod sa kanila ay ang abogado ni Don Iñego na roon din para sa mga huling kahilingan ng namatay.

Tahimik silang lahat sa paghihintay ng oras ng paghahatid sa huling hantungan ng matanda.

Tumayo ang abugado sa gilid ng bahaging paanan ng kabaong at nagsalita.

"Isang pakikiramay ang nais kong ipaabot sa mga naiwan ni Don Iñego lalo na sa iyo Roman. Ayon sa kahilingan ng matanda ipinaabot niya ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng ginawa mo noong nabubuhay pa siya."

Nakadama ng pangungulila si Roman dahil sa isang kaibigan niya ang kaniyang ililibing. Sa maikling panahon ng kanilang pagkakailala ay maituturing na niyang ama si Don Iñego.

"Señor Roman nais kong mapanood mo ang isang video documentation na iniwan ni Don Iñego para sa inyo."

Pagpapatuloy ng abogado.

Awtomatikong bumaba ang isang projector screen sa ibabaw ng kabaong at isa isang namatay ang mga ilaw. Kinabahan si Roman dahil hindi niya inaakala na may ganito palang programa na mangyayari sa huling araw ng pagluluksa.

Tahimik ang lahat ng magtagpo ang liwanag na lumabas mula sa projector na tumama sa screen at makita nila ang matanda. Kuha ito bago pa ito mamatay.

Kamakailan lang ito kinunan dahil sa maaliwalas at malakas tingnan ang matanda sa bago nitong gupit na buhok at ahit na balbas. Lumabas talaga ang pagka-hispanic look nito at halatang hindi purong pilipino ang nasirang De la Vega.

Nagsimula ang video.

Sa simula ay natawa pa ang mga saksi dahil halata sa matanda na hindi sanay humarap sa camera at panay ang ayos nito sa sarili at tanong sa abogadong nasa likod ng video camera.
Natahimik sila ng magsimulang magsalita ang matanda.

"Kung mapapanood ninyo ito ay paniguradong patay na ako...
Sa mga matapat kong kaibigan ay ipagpaumanhin ninyo at hanggang dito lang ang hangganan ng aking buhay. Masaya ako dahil sa nagampanan ko na ang misyon ko sa mundong ito ng walang halong pagsisisi dahil kailangan at nararapat.
Huwag kayong malungkot kung ako ay wala na dahil lahat tayo ay darating sa kamatayan. Huwag kayong iiyak dahil ayaw ko at nais kong lahat kayo ay masaya sa aking paglisan dahil kung dumating ang araw na ako ay kunin na ng maykapal ay nagampanan ko na ang misyon ko.
Narito ang aking huling habilin.
Sa iyo Roman, nangako ako sa iyo na ang tanging maibibigay ko lamang ay ang aking pagtitiwala.
Pasensya na...
Ngunit ang pagtitiwalang iiwan ko sa iyo ay ang lahat ng aking mga ari-arian kasama dito ang mga lupain, mansion, mga negosyo at salapi na maaiiwan ko.
Huwag kang matakot.
Ang lahat ng ito ay nakapangalan na sa iyo.
Ang mga taong kasama mo ngayon ay kasama sa mga ipagkakatiwala ko para tulungan ka.
Wala na ako bilang iyong kalasag.
Wala na ako subalit iiwan ko sila para maging pakpak mo sa mga gusto mong gawin. Bahala ka na kung ano iyon. Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa aking iiwan. Wala na akong pakialam. Hindi ko hawak ang takbo ng iyong isip. Kung kabaligtaran sa aking inaakala ang pagkakakilala ko sa iyo. Hindi pa rin ako nagsisisi dahil ang tanging pinanghawakan ko upang gawin ang lahat ng ito ay ang makita ko iyong paninidigan. Mabait kang bata Roman at huwag kang makakalimot sa iyong pagkatao dahil kabiguan sa akin kung magkakagayon.
Sa mga piling bisita ko na narito...
Siya si Roman Dela Vega...
Tulungan ninyo siya gaya ng pagtulong ninyo sa akin.
Huwag ninyong itrato siyang iba dahil siya ang kakatawan sa inyong lahat.
Ipinagkakatiwala ko sa inyo ang pangangalaga sa kaniya at kayo ay ipinakakatiwala ko rin sa kaniya.
Salamat sa inyong lahat at kayo ang naging kalakasan ko. Sa abugadong nasa harapan ninyo ang bahalang kumausap sa inyo ayon sa aking kahilingan pagkatapos ninyo akong ilibing. Iiwan ko sa inyo ang mga mensaheng iyon dahil lahat kayo ay malapit sa aking puso. Muli ang lubos na pasasalamat..."

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon