Don Iñego
" Anak mo si...Thirdy?"
Nabigla ako sa kaniyang sinabi.
Tama ang aking pagkakadinig na anak niya si Thirdy.Napatigil siya sa kaniyang ginagawa.
Ibang Roman ang nakikita ko sa aking harapan. Para siyang kandilang nauupos ng umupo sa gilid ng kama."Anak ko si Thirdy Don Iñego! Anak ko siya! Anak ko siya!"
Sigaw niya kasabay ng pagluha at pagtatakip ng kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha.
Maging akoy natigilan dahil sa kaniyang inasta. Akala moy batang inagawan ng laruan si Roman.
"Wala kayong alam sa pinagdaanan ko! Hindi nyo alam ang hirap ko matunton ko lang ang anak ko ng inilayo sa akin! Hanggang ngayon kahit kasama ko na ang anak ko ay pinapatay pa rin ako ng lungkot dahil hindi ko masabi sa kaniya na ako ang tatay niya!
Na ako ang tunay na tatay nya!
Hindi nyo ako maiintindihan dahil wala kayong anak na ninakaw!"Nainis ako sa kaniyang sinabi.
"Sinvergüenza!
Wag mo akong sinisigawan!Patuloy siya sa pag-iyak. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa sa kaniya.
Nagiging mahina si Roman at ang bata ang dahilan ng kaniyang pagsuko sa mga plano ko. Hindi maaring magpatalo siya sa damdamin.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa aking nalaman.
Nawala ang galit ko tungkol sa kaniyang pagkawala ng dalawang araw ng walang paalam.Pinakinggan ko ang kaniyang pag-iyak at mga sumbat sa kaniyang nakaraan. Sisinisi niya ang kaniyang kahirapan, ang kaniyang pagkaulila sa mga magulang, ang pagbebenta ng katawan noon sa america,ang tungkol kay Michael at kay Mia Rosa.
Galit na galit siya sa kay Mia Rosa...
Kay Arch Michael...
Sa kanyang kahirapan..
Sa mundo ...
Nagtatanong kung bakit niya dinanas ang ganitong kapalaran.
" Wala ba akong karapatan lumigaya!!!"
Naawa ako sa kaniya...
Hinintay ko siyang kumalma upang makausap ng maayos.
"Magpaliwanag ka sa akin Roman...ano ang koneksyon mo sa mga Monleon."
Sinabi niya sa akin ang kaniyang nakaraan. Ang lahat tungkol sa kay Mia Rosa at ang pagpapakasal nito kay Michael Angelo.
Ang tungkol sa bata na si Thirdy.Hindi ko alam kung langit nga ang nag-adya na makilala ko siya noon sa amerika at ang muli naming pagkikita.
Kaya pala ganoon na lang kadali sa kaniya na mapapayag ko sa aking kagustuhan na tulungan niya ako laban kay Juancho dahil sa personal niyang mga balak.
Naawa ako kay Roman sa kaniyang kalagayan.
Kaya pala ganoon siya kagiliw sa bata ng makita kong karga niya si thirdy sa party...
Kailangan naming makasiguro kung anak nga niya si Thirdy.
"Ayusin mo ang sarili mo.
Hindi sapat ang lukso ng dugo kung pagbabatayan natin ang mga nalaman mo. Hindi pwede ang nararamdaman lang Roman.
Patay na si Mia Rosa at wala kang katibayan sa mga sinasabi mong anak mo nga si Thirdy."Natigilan siya at tumingin sa akin.
Kalituhan sa kaniya ang aking sinabi dahil tama ako. Hindi laruan na inagaw ang bata sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Fiksi UmumGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...