Roman
Hindi ko akalaing muli kaming magtatagpo ni Don Iñego. Tadhana ang naghatid sa akin na makita ko siyang nakahandusay at walang malay noon sa CR ng casino. Ngayon tadhana na naman na magkita kami muli.
Isang napakalaking pagkakataon ang inalok niya sa akin.
"Ang nais koy ikaw ang kumatawan sa sa lahat ng aking karapatan. Ang lahat ng gagawin at sasabihin mo ay batas ko. Ipapaubaya ko sa iyo ang lahat ng nasa akin.
Matanda na ako, wala akong pamilya. May sakit ako Roman at wala akong mapagkakatiwalaang taong hahalili sa akin at gusto kong bago ako mawala ay may magpatuloy ng mga nasimulan ko.
Ikaw Roman ang gusto kong gumawa noon sa akin."Kinabahan talaga ako ng sabihin niya ito sa aking harapan. Nahabag ako sa kaniyang mga naranasan. Napakasama talaga ng mga Monleon at mismong kaibigan ay trinaydor nila dahil sa pera.
Sa tatlong oras naming pag-uusap ay naikwento nya ang kaniyang dinanas na hirap at tagumpay. Maging ang nakakayamot na ugali ng Don Juancho na iyon. Lahi talaga sila ni Hudas!
Hindi ako nakasagot sa pagkabigla dahil sa kaniyang alok sa akin. Malaking obligasyon ang kaniyang ipapamahala sa isang hamak na kagaya ko.
Ang mga lupain,paupahan,negosyo, at mga tauhan sa akin niya ipinagkatiwala.
Nakakalula ang yaman niya.
Sayang at walang mapag-iiwanang pamilya kung siya ay mawawala. Sayang ang kanyang pinaghirapan."Ano naman ho ang kapalit kung sakaling papayag ako sa kagustuhan ninyo?"
Iyon lang ang naisagot ko.
Wala akong pagkakataong tumanggi dahil ginto na ang lumalapit sa akin."Ikaw ang mga kamay na magtatanggol sa akin.
Paa ko na lalakad sa pinaglalaban ko. Gagawin mong kalasag ang yaman ko Roman.
Ang nais ko lang ay katarungan sa ginawa sa akin ni Juancho. Kalahati ng karapatan sa Hotel ay kinuha niya, ng dahil kaniyang kagahaman. Kahit mayaman ako, nais ko siyang turuan ng leksyon.
Anong kapalit?
Ang lubos na tiwala ko sa iyo. Yun lang maibibigay ko sa itutulong mo sa akin."Namangha ako sa prinsipyo ng matandang iyon. Bale wala sa kanya ang pera. Di niya inisip kung baka lokohin ko siya. Nagtiwala siya sa akin ng ganoon kadali. Bihira na sa tao ngayon ang magtiwala.
Biktima din ako ng salitang pagtitiwala para sa aking minahal...
Pareho pala kami ni Don Iñego na nagtiwala na ang lahat ay nasa mabuti at sasaksakin ka pagtalikod.
"Papayag ako sa gusto ninyo Don Iñego subalit may patakaran ako sa ating kasunduan."
Tumahimik siya sa aking sinabi kanina. Para akong nakipagkasundo sa demonyo na huwag malagay sa kapahamakan ang aking kalukuwa.
"Nais kong huwag ninyong pakikialaman ang mga pansarili kong desisyon. Ang lahat ng kakayanan at lakas ko lang ang maibibigay ko sa inyo."
Ngumiti ang matanda sa akin na parang dahong nasikatan ng araw mula sa hamaps ng bagyo.
"Salamat Roman! Di ako nagkamali sa pagpili ko sa iyo!"
Nagkamayan kami bilang tanda ng aming kasunduan. Lalaki sa lalaking nangako na magiging magkasangga. Lingid sa kaniyang kaalaman na ako man ay may balak na pansariling pakay laban sa mga Monleon.
"Anak, malapit na kitang makuha.."
Naiiyak ako sa kagalakan dahil isa isa ng nagbubunga ang paghihirap ko. Malapit na ang panahon na mababwi ko na ang aking anak..
Hawak ko ang isang imbitasyong binigay sa akin ni Don Iñego.
"Sa araw na ito tayo magsisimula. Ipapakilala kita sa kanila na aking anak-anakan. Kung dadalo ka sa pagtitipon na iyan ay nangnghulugan na handa ka na sa ating kasunduan. Kung hindi ay tatanggapin ko ang aking pagkabigo sa iyo kung magbago man ang iyong isip."
Isang Masquerade Ball na gaganapin sa Monleon Tower ang nakasulat sa imbitasyon...tingnan mo nga naman at dito pala ang round one.
"Señorito Roman narito na po tayo."
Natauhan ako sa aking iniisip ng tawagin ako ni Mang Federico.
Siya ang personal driver ng aking bagong ama-amahan at magiging kasama ko sa pagpapanggap.
Maging siya ang kasabwat namin sa aming palabas.Sumilip ako sa aming pinaghintuan. Akala ko ay sa mall kami pupunta upang bumili ng susuutin sa ball kundi sa isang malaking bahay sa gitna ng isang malawak na bakuran.
Pumasok ang kotseng sinasakyan ko sa bakuran iyon. Kabado akong bumaba ng may isang taong naghihintay sa akin sa harap ng pinto ng bahay.
Nakilala ko ang lalakeng nakatayo. Isang sikat na pinakabatang Filipino couturier sa buong mundo ang masayang nagbeso sa akin.
"Welcome Roman! Halika at pumasok ka."
Magiliw akong inistima ng couterier. Sikat man siya ay naroon ang kababaan ng loob. Naitawag na pala ako sa kanya ni Don Eñigo kayat alam na niya ang gagawin sa akin.
Napag-alaman ko na si Don Iñego ang nagpaaral sa kaniya mula ng elementarya hanggang kolehiyo kaya ng mabalitaan niya ang pagdating ko ay ganun na lang ang kaniyang pag-aasikaso sa akin.
Kinuha niya sukat ng aking katawan. Leeg,braso,dibdib,beywang,hita at balakang. Nakaharap ako sa salamin habang pinag-aaralan niya ang pisikal kong anyo.
"Napakakisig mo Roman at bagay na bagay sa iyo ang tux na isusuot mo. May sukat ako sa mula sa aking collection para sa maganda mong physique."
Masaya niyang iniwan ako sandali.
Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin at pinag-aralan ang aking hitsura. Tinitigan ko ang reflection ko ng mata sa mata.
"Kaya ko ng lumaban ng ngipin sa ngipin...ang dating alikabok na binalewala noon ay pader na."
Bulong ng isip ko dahil malapit na akong magsimula sa para sa aking karapatan.
Dumating ang Couturier at kasama ang isa niyang katulong tangan ang dalawang puting kahon.
Ang aking damit at sapatos."Ito ang isusuot mo sa ball,Roman. Espesyal ito dahil anak ka ni Don Iñego kaya espesyal ang susuutin mo. Ang mask na gagamitin mo ay sa mismong araw ng ball mo pa makukuha at ako mismo ang magdadala niyon sa iyo."
Namangha ako sa aking naranasan ngayon ng ako ay umalis.
Ganito pala tratuhin ang isang mayaman.
Napakasarap sa pakiramdam.
Di ko maintindiahn kung bakit ang iba ay nasisilaw pa sa kayaman at nagiging gahaman.
Nawawala ang pagkatao sa panlalamang."Buo na sa kalooban ko na tulungan ka Don Iñego. Para sa iyo at para sa katarungang kukunin natin. Humanda kayo mga Monleon.
Hindi ninyo namamalayan na iisa-isahin kong tatangalin ang inyong mga pangil..."*****
Next Chapter
Ang simula ng pagpanggap
Abangan!!!
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...