Lulan ng mabilis na kotse si Roman yakap ang kaniyang duguang anak patungo sa pinakamalapit na ospital. Pitong taon siyang nagtiis upang magkaraoon ng salapi para makaharap ang taong namantala sa kaniyang kahirapan.
Pitong na taon siyang lumayo upang maihanda at maipaghiganti ang kaniyang sarili sa mga sugat na ibinigay sa kaniya.
Namatay na ang dahilan ng kaniyang kapighatian na si Mia Rosa at ang asawa nito.
Naiwan ang kaniyang anak na tangi niyang plano na bawiin.
Isang Monleon ang dahilan ng kaniyang kabiguan at ngayon ay Isang Monleon na naman ang dahilan ng kaniyang takot.
Ang pangarap niyang habambuhay na kayakap ang anak ay mapupunta na yata sa bula. Walang malay si Thirdy dahil sa dugong patuloy na umaagos sa kaniyang likod mula sa tama ng bala ng baril na dapat sana ay kay Roman.
"Kasalanan ko ito!
Ito ang kabayaran sa paghihiganti ko sa nanay mo. Kung kamatayan mo lang kapalit para mabawi kita sana hindi na ako nagpakita pa!
Diyos ko!
Ang kaawa-awa kong anak!
Bakit siya pa!
Ako na lang!
Ako na lang!"Hinanakit ni Roman sa sarili.
Kalmado sa pagmamaneho si Arch Angelo kahit inaabot na ng nerbiyos. Alam niya ang mabilis na daan patungo sa ospital.
Mabait ang lansangan at walang abala sa kanilang patutunguhan.Hindi na siya magtataka kung bakit pinagtangkaang patayin ni Margott si Roman.
Ang tanong ay kung ano ang mga ibig sabihin ni Roman na anak niya si Thirdy?
Madali silang nakapunta sa hospital. Sa pagsalubong ng mga nurses agad nila iyong itinakbo sa emergency room.
Kabi-kabila ang mga reporter na nagdatingan mula ng kumalat ang balitang may binaril sa casino at biktima ay ang batang Monleon.
Agad pala itong itinawag ni Arch Angelo sa security ng ospital kayat nabigyan agad sila ng karapatang huwag maabala ninuman.
Hangos ding dumating ang matandang Monleon sa ospital na labis ang pag-aalala. Naabutan niya si Roman at Arch Angelo na nakupo sa waiting area sa labas ng emergency room.
Isinalaysay ni Arch Angelo sa ama ang buong pangyayari.
Tahimik silang tatlo na naupo.
Dito ay pantay pantay sila ng katayuan.
Walang CEO,walang Don,walang mayaman.Iisa ang takbo ng kanilang isip...ng isang dalangin. Ang mabuhay ang bata.
Lumabas ang doktor upang ibalita ang kalagayan ni Thirdy.
"Naalis namin ang balang tumama sa likod ng inyong apo Don Monleon.Ngunit nasa kritikal na kalagayan pa rin ang buhay niya. Madaming dugo ang nawala sa pasyente at nangangailan agad na masalinan. The problem is wala kaming blood type na kapareho ng sa apo ninyo dito sa ospital."
Nagalit ang matanda sa kaniyang narinig.
"Anong klaseng ospital ito?!
Para sa isasaling dugo wala kayo?!"Inawat ni Arch Angelo ang ama upang hindi makagawa ng eskandalo.
Muling nagpaliwanag ang doktor."Pasensya Don Juancho. Ngunit mahirap po talagang mahanap ang klase ng dugo ng apo ninyo. Very rare ang type ng dugo niya na AB(-). Limang porsiento lang sa population ng mundo ang mayroong ganitong klase ng dugo at wala pa kaming ganitong blood type na naeencounter sa tagal kong pagiging doktor sa ospital na ito."
Magkaparehong B(+) blood type ang mag-amang Arch Angelo at Don Juancho. Kakaiba sa inaakala katulad ng dugo nila si Thirdy. Walang maitutulong ito lahit isang drum pa ang isalin nila.
"AB(-) ang dugo ko duktor! Sa akin nyo kunin ang dugo para sa anak ko."
Nagulat ang mag-ama maging ang doktor sa narinig nila kay Roman dahil pareho silang rare blood type ng bata.
Wala ng salitaan at agad ipinasuri ang dugo ni Roman.
Tugma ang pagkakapareho nila at angkop bilang donor sa pasyente.
Pinahiga si Roman sa isang pribadong silid at doon kinuhanan ng dugo."Diyos ko...kung buhay ng anak ko ang kapalit para sa aking kagustuhang makuha siya...ay ayaw ko na. Isusuko ko na ang karapatan ko bilang ama. Wag mo lang siyang kunin..."
Taimtim na dalangin ni Roman habang nakatitig sa puting kisame.
Narinig niyang bumukas ang pinto.
Si Arch Angelo ang pumasok at lumapit sa kaniya.Napaiyak si Roman na maramdaman niyang humawak sa kamay niya si Arch Angelo.
"Patawarin mo ako Arch. Patawarin mo ako dahil hindi ako naging tapat sa iyo."
Tahimik na nakinig lamang si Arch Angelo sa mga sinabi ni Roman. Pinakinggan niya ang buong kwento kung sino siya at kung ano ang koneksyon niya sa pamilya Monleon habang nanatiling nakatitig si Roman sa kawalan..
Si Mia Rosa, si Michael at si Thirdy.
Sino talaga si Roman noong una,ang makilala si Don Iñego hanggang sa makuha niya ang posisyon sa Monleon Tower Hotel. Lahat iyon ay kaniyang pinakinggan."Kung kasinungalingan man ang pagkakakilala mo sa akin Arch Angelo patawarin mo ako. Hindi ko rin gustong saktan ka. Ang katotohanang aaminin sa iyo ay isa lang akong ama na naghahanap sa isang anak..at ang katotohanang...minahal din kita. Noong gabing nakita mo akong kasama si Margott alam kong nasakatan ka...at nasaktan din ako ng makita mo ako sa ganoong sitwasyon dahil ayaw kitang lokohin. Ayaw kitang pasakitan. Mahal ka ng anak ko at ayaw kitang mahiwalay sa kanya. Kung buhay ng anak ko ang kabayaran sa mga ginawa ko ayaw ko ng magpatuloy. Hindi ko na kaya...ibibigay ko na ang karapatan ko bilang ama ni Thirdy dahil ayaw ko ng maulit pa ito. Hindi tayo matatapos kung paulit-ulit ang agawan ng minamahal. Patawarin ninyo ako."
Kasabay ng pagluha ni Roman ang mga ngiti ni Arch Angelo. Pinunasan ng kaniyang kamay ang pisngi ni Roman na basa ng mga luha.
Kahit hindi nakatingin si Roman ay batid niya na katotohanan ang lahat ngbkaniyang narinig.
"Nauunawaan ko na Roman ang lahat...wala kang kasalanan.Ama ka lang na inalisan ng karapatan at wala kaming kailangang idahilan para maghabol. Patawarin mo ang kapatid ko, ang pamilya ko na nasaktan ka ng labis. Ang mahalaga ay ang anak mo ngayon dahil kailangan niyang mabuhay para sa iyo."
Mahigpit ang hawak ni Roman sa kamay ni Arch Angelo na nasa kaniyang pisngi at hinalikan ito ng mariin.
"Salamat Arch...salamat...."
At katahimikan ang namayani sa loob ng pribadong silid na iyon dahil dalawang puso na ang nag-uusap.
Lingid sa kanilang kaalaman ay nakikinig sa siwang ng pinto si Don Juancho.Hindi siya nagalit sa kaniyang nalaman. Nasaktan man sa katotohanang hindi niya kadugo ang bata ay alam niyang magiging maayos din ang lahat.
At muling bumalik sa waiting area ang matanda upang magbantay sa resulta ng operasyong gagawin kay thirdy.
*****
May magandang mangyayari sa susunod...
ABANGAN!!!
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Ficción GeneralGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...