Chapter 11 Matandang Ermitanyo

3.9K 162 12
                                    

Don Iñego

Nilisan ng matanda ang reception area matapos makipagkamustahan sa mga kakilalang nakapwestong staff doon.
Minsan sa isang buwan kung dumalaw ang matanda dito upang maglakad-lakad sa mga pasilyo,sumakay ng elevator o pumunta sa mga inaalok na amenities ng mga silid ng hotel.
Sa gym,sa pool side,sa garden, sa restaurant maging sa helipad na pinakamataas na bahagi ng hotel ay nararating niya.

Ehersisyo na lang ang bagay na kaniyang ginagawa ngayon sa pagbisita sa hotel.

Papunta siya ngayon sa Laundry room. Naroon ang ilang kaibigan na gusto niyang bisitahin.
Tuwang tuwa ang mataas na taong nakaposiyon ng makita ang matanda maging ang mga kasamang naroroon ay kilala siya.

Siya ang binansagang lagalag na ermitanyo ng hotel na laging nadalaw sa kanila.

Ermitanyo dahil sa maputi at mahaba nitong buhok at balbas. Simple lang manamit at di mo aakalain na isa pala itong 'Don' kung tatawagin.

Sandali lang siya nakipagusap at umalis. Nakadama ng gutom kayat sa restaurant siya kakain. Siya lang ang nakakabali ng house rule sa restaurant na ito.
Wala sa kaniya ang formal attires only rules dito.

Malaya siyang nakakapasok at nakakakain. Dalawang waiter pa ang umaasikaso sa kaniya at maging ang italyanong chef ng kusina ay tumatakbo pa sa kaniya upang alamin ang gustong iluto nito.

Sabik ang mga tauhan ng hotel sa matandang dumating. Mahal nila ang matanda dahil sa kabutihang ginawa nito sa kanila.

Naligayahan ang matanda sa hinaing pagkain at nagpaalam. Ni hindi na siya pinagbayad kahit na sa halagang dalawang libo ang kinaing pananghalian.
Tanging tapik na lang sa balikat ang ginawad niya sa mga taong nag-asikaso sa kaniya.

May lugar pa siyang gustong puntahan.

Ang silid kung saan may mga batang naglalaro sa indoor playroom.

Nagtungo siya sa isang silid at sinilip sa nakaharang na salamin ang mga bata. May apat na batang nagkakasiyahan sa paglalaro na binabantayan ng kanikanilang mga yaya. Naroon din ang kilalang tagabantay ng pasilidad.
Nakita ang matada sa kabilang panig ng salamin at kumaway ito.
Gumanti ng ngiti ang matanda.
Ilang minuto lang siya doon at umalis na muli.

Plano na niyang umuwi ngunit malayo ang lobby kung saan siya pumasok. Tinawagan ang personal driver at sa likod ng hotel na lang sila magkita. Malapit sa infinity pool ang kanilang tagpuan.

Tahimik niyang dinaanan ang hallway patungo sa pool. May kaunting kahabaan ito papunta sa exit.
Mag-isa lang siyang naglalakad. Sa gitna ng mahabang hallway ay natanaw niya ang isang batang napatigil sa paglalakad na waring natatakot sa kanilang pagsasalubong.

Papalapit siya sa bata na natigilan. Nagkatitigan sila sa mata.
Magkatapat silang nakatayo sa gitna. Naghihintay ang bawat isa kung sino ang unang magbibigay ng daan.
Sumuko ang batang nakatingin sa matanda na namumutla sa takot dahil sa hitsura ng matandang nakaharap na binigyan ng daan.

Lumakad ang matanda. Tatlong hakbang at nilingon niya ang bata ng sa pakiramdam niya ay di pa rin umaalis sa pagkakatayo.

Muli silang nagkatitigan at nagsukatan kung sino ang aatras.
Napatakbo ang bata sa takot.

"Vampireeeeeee!!!!!"

Sigaw ng bata na palayong tumakbo sa kabilang bahagi ng pasilyo.

Pinanood na lang ng matanda ang batang ubod tuling tumakbo palabas ng hallway.

"Manang-mana ka talaga sa lolo mong sira ulo..."

Natatawa niyang bulong dahil kilala niya ang batang tumalilis. Si Thirdy ang apo ng kaniyang dating matalik na kaibigan.

Dating matalik na kaibigan...

Si Don Iñego ang kasosyo ni Don Juancho.

Sila ang nagpasimula ng pinakasikat na hotel na ito. Ito ang bunga ng kanilang pagkakaibigan at mabuting pagsasamahan. Nagbago ang lahat ng maging masasakitin si Don Iñego. Sinamantala ang kaniyang kahinahan. Nagawan ng paraan ni Don Juancho na mabawasan ang shares niya sa kita ng hotel.
Mula sa 50 porsiyento ay nahati pa ito sa kalahati. Nakuha ng matalik na kaibigan ang halos 75 percent na pag-aari ng kanilang itinayong negosyo.

Ayaw niyang ibenta ang kaniyang karapatan sa negosyo dahil ito ay kaniyang pinaghirapan at para lamang sa mga gusto niyang tulungan.

Araw at buwan ang kanilang pagitan sa pakikisama sa kapwa. Kung isa ay kinatatakutan ang isa ay kinagigiliwan.

Isang kamay na bakal laban sa nakabukas na bisig sa pagtanggap ng mga taong nasailalim ng kanilang mataas na estado.

Tanging ang hotel na ito ang nagsisilbi niyang hugutan ng lakas dahil ito talaga ang bumago ng kaniyang buhay. Wala siyang pamilya na pamamanahan dahil ang buhay at lakas niya ay ibinuhos niya dito na inagaw pa ng kaisa-isang pinagtiwalaang kaibigan.

Mismong si Don Juancho ang nagbansag sa kaniya na ermitanyo, at ngayon nama'y ang apo naman ang tumawag na bampira...

Nakangiti ang matanda sa kabila ng pagtawag sa kaniya ng bampira.

"Salbaheng bata ha ha ha!"

Tatawa-tawa ang matanda sa nangyari habang hinihintay ang papalapit na sasakyang sundo.
Huminto ito at sumakay ang matanda. Iikot pa ito papalabas sa exit ng hotel.

Kampante at komportable sa pagkakaupo ng makalayo na sila doon ng makita niya sa daan ang isang lalaking matagal na niyang kilala.

"Frederico,ihinto mo ang sasakyan!"

Inihinto ng may edad na driver ang kotseng minamaneho at napatapat sa isang lalake nakilala niya noon sa America.

Agad niyang ibinaba ang salaming bintana at sinilip sa tapat ang nakitang lalake.

"Nakikilala mo pa ba ako?"

Tanong ng matanda na tuwang tuwa sa lalaking nakatayo.

"Sir! S-sir Iñego!!!"

"Ako nga ito Roman! Sa wakas nagkita muli tayo."

Pinagbuksan ng matanda si Roman at pinasakay ng kotse. Sa loob ay nagkamustahan ang dalawa na parang dati na silang magkakilala.
Umusad ang kotse patungo sa bahay ni Don Iñego.

*****

Ano ang ugnayan ng dalawa sa isat isa? Isa isa ng naglalabasan ang mga tauhang gugulo sa buhay ng mga Monleon.
May kampihan na magaganap sa susunod na tagpo.

Abangan!!!

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon