Thirdy
Naalimpungatan ang bata ng makarinig siya ng ingay mula sa labas ng silid. Bahagyang nakabukas ang pinto ng kaniyang kwarto at sa recieving area maririnig ang mga pag-uusap. Nakilala niya ang boses ng isa. Si Arch Angelo.
"May guest si uncle?''
Sa kalapit na sofa ay naroon ang kaniyang yaya na himbing na natutulog ng kaniyang makita. Pupungas ang batang tumayo upang puntahan ang tiyuhing nasa labas.
Parang nagsleep walk ang bata na nakapikit pa ng bahagya ang mga mata patungo sa malaking recieving area kung saan naroon ang naririnig niyang mga boses na nag-uusap.
Ayaw niyang idilat ang mga mata dahil sa antok at tanging gabay niya liwanag ng maliit na hallway.
Alam niyang di siya pagagalitan ng tiyuhin sa pagbangon dahil ito lang naman ang may kakaibang malasakit sa kaniya bukod sa mga namatay na magulang.
Kung ginawa niya ito sa harap ng kaniyang lolo ay pihadong pagagalitan siya.
Sa sala ay naaninag niya ang kaniyang tiyo at kasama nito. Kilala niya ang lalaking nakaupong katabi ni Angelo.
Para siyang multong dahandahan na lumapit at biglang natahimik ang dalawang binata sa pagkukuwentuhan.
Parang hinila si Thirdy ng presensya ng kilalang taong iyon at doon siya lumapit. Kumandong at yumakap, saka bumalik sa pagtulog.
Natahimik si Roman sa ginawang pagkandong at pagyakap sa kaniya ng bata. May kung anong bagay na bumara sa kaniyang lalamunan dahil sa nangyari at hindi siya makakilos. Pinigilan niyang maiyak dahil sa pagkabigla. Pinaglabanan niya nag naramdaman at nginitian siya ni Arch Angelo na natuwa sa pangyayari.
"Nanaginip pa ata ang pamangkin ko ha ha ha."
Kahit bahagyang nakainom ang dalawa at sa nangyari kanina sa elevator ay nawala ang pagod ni Roman na muling makita ang kaniyang anak lalo pa sa ganitong pagkakataon.
Di na sila muling nakapagkwentuhan.
Tumayo si Arch Angelo upang kunin ang bata upang ibalik sa kaniyang silid subalit kumapait pa lalo ang bata kay Roman ng makaramdam na aalisin sa kaniyang pagkakayakap.
"Only papa..."
Isang bulong mula sa bata at isang mahigpit na yakap sa leeg kay Roman. Tanda na ayaw niyang maalis sa pagkakayakap dito.
"Akala niya siguro ikaw ang papa niya..."
Ngiti ni Arch Angelo na nakatingin sa dalawa.
Wala siyang kaalam alam na magkayakap na pala ang tunay na magkadugo.
"H-hayaan mo na lang. N-nakakaawa naman ang bata kung magigising pa."
Tama nga naman si Roman kaya di na nagtangka si Arch Angelo na ilipat pa ang bata. Minabuti niyang magtungo sa silid upang kumuha ng kumot at unan para sa kanila.
Sa pag-alis ni Arch Angelo ay nakuha niyang halikan ang bata sa noo ng madiin. Humugot siya ng malalim na hininga upang kontrolin ang pananabik. Ayaw niyang magkaroon ng butas ang kaniyang plano dahil sa nararamdamang pananabik sa nawalay anak. Hinimas niya ang buhok nito. Sinulit ang pagkakataong sandali niyang masolo at mayakap ang bata.
Bumalik si Arch Angelo na may dalang comforter at ilang unan. Nilatag sa malapad na sofa ang kalahati. Naunawan ito ni Roman at inilipat ang bata subalit di ito bumitaw sa pagkakayakap sa kaniyang leeg kayat maging siya ay napasama na sa pagkakahiga ng bata sa sofa.
Di siya makakilos dahil natangay na siya sa pagkakayakap sa tabi ng himbing na bata. Ayaw niya itong magising kayat naghintay pa siya ng ilang sandali upang maialis ang pagkakayakap.
Muli humigpit ang pagkakayakap ni Thirdy kay Roman.
"Papa..."
Parang sasabog na ang dibdib ni Roman sa kaligayahan dahil sa pagkakataong ito, narinig na naman niya ang salitang papa na matagal na niyang gustong itawag sa kaniya ng bata.
"Kahit hindi ako...kahit hindi ako.."
Sa isip ni Roman kahit hindi siya ang pinatutukuyan ng anak ay masaya siyang magkasama sila at magkatabi.
"Akala nga niya katabi niya ang papa niya. Hayaan mo na lang siyang nakayakap sa iyo. Mamaya-maya makakatakas ka rin ha ha ha."
Bulong na biro ni Arch habang inaayos ang laylayan ng mahabang comforter na inilatag sa sahig.
Nang maiayos ay naghubad ng sapatos at doon nahiga."Dito na ba ako matutulog?"
Silip ni Roman sa nakahigang Monleon.
"Dito ka na muna matulog. Di ka naman mukhang masamang tao. Isa pa ayaw ko ring magising ang pamangkin ko. Okay lang ako dito sa sahig. You dont even know na may worst pa sa sahig na ito ang mga natulugan ko."
Natahimik na lang si Roman sa sinabi ni Arch Angelo kaya di na siya nakipagtalo.
Masaya ang gabing ito ng higit sa kaniyang inaakala dahil nabitag na niya ang isang kaaway at kasama pa niya sa pagtulog ang kaniyang anak.
Tahimik siyang nakiramdam kung tulog na nga ang kasama. Sinilip niya ang nasa sahig at tulog na nga ito.
Kahit straight siya ay may kakaibang siyang naramdaman sa nakatalik kanina. Maamo ang mukhang ito na kahit sa pagtulog ay napakalakas ng karisma ng di sinasadya.
Kung identical twin sila ni Michael Angelo ay di na siya magtataka kung bakit nahulog at napaibig si Mia Rosa sa kakambal. Mayaman na at gwapo pa...
Napalitan ng inis ang alaalang iyon at nasentro kay Arch Angelo. Nakikita niya ang lalaking sumira sa kaniyang pangarap at umagaw ng dapat ay kaniya. Kamukha niya ang lalaking umagaw sa kaniyang kasintahan at anak.
Muli siyang tumingin kay Thirdy.
Huminahon ang kaniyang nararamdaman at napalitan ng kasiyahan. Tumulo na ng tuluyan ang kaniyang luha at ikinubli sa pisngi ng nakayakap na anak. Ingat siyang makagawa ng ingay sa kaniyang pigil na pag-iyak."Ang anak ko...ang anak ko..."
Nanabik siya sa bata at hinalikan ang ang nakatapat na pisngi.
Nilabanan niya ang pananabik at kasiyahan.Nagfiesta na lang ang kaniyang mata sa patitig sa anak. Ang mga matang nakapikit, ang mahaba nitong pilikmata, ang labi na namana sa ina, ang tenga na namana sa kaniya,ang nunal sa gilid ng labi.
Pareho sila ng nunal ng anak sa gilid ng labi. Isang pagkakakilanlan na dugo niya ito dahil maging ang tiyong pari ay may ganoong palantandaan ng lahi nila.
Di na siya nakatulog.
Paano pa siya makakatulog sa ganitong pagkakataong nasa bisig niya ang kaniyang nawalay na anak.Higit sa ano pa man. Gagawa na siya ng hakbang para makuha ito sa lalong madaling panahon. Mahirap man pero alam na niya ang maari niyang gawin kung sakasakali.
Natutulog lang sa sahig ang taong gagamitin niya para makuha ang nais niyang pangarap.
"Ikaw Arch Angelo ang gagamitin ko..."
Lingid sa kaalaman ni Roman, may isang tao sa dilim ang nanonood na sa nangyari sa kanila ni Arch Angelo sa elevator....
*****
Sino ang taong iyon na nakaalam ng ginawa nila? Abangan ang bagong character. Kalaban kaya ito o isang kakampi. Abangan...
*salamat po muli sa votes mga beh.
Sa kabuuang story,mababasa po ito siya sa dreame.com.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Ficción GeneralGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...