Chapter 21 Padiosa

3.4K 163 42
                                    

Don Iñego

Nakangiti ang matanda habang hinihitay makarating ang private elevator pababa.

Natutuwa siya sa mga nagaganap.

Kampante niyang iniwan si Roman sa meeting dahil tiwala siyang magaganapanan nito ang kaniyang mga habilin.

Likas na matalino ang binata na parang isang master computer ang utak na madaling makapagproseso ng data. Isa lang ito sa kaniyang napansing katangian ng binatang katiwala.

Tumapat ang ilaw sa numero ng elevator kung saang palapag naroin ang VIP room ng anak ng kaniyang kaaway.

Naghiwalay ang magkadikit na pinto.

Naalala niyang bukod sa mga executives ng hotel at special guest, ay ang pamilyang Monleon din ang nakakagamit nito dahil nasa floor na pansamanyalang nakatira si Arch Angelo kasama si Thirdy na pumasok ng elevator na bitbit ang isang sports bag.

Gaya ng mga associates ng meeting ay nagukat si Arch sa hitsura ng matandang kasabay sa nila.

Nagkatinginan sila at tango lang ang ginawang pagbati ni Arch. Labing siyam na palapag pa ang dadaanan bago ang makarating sa lobby ng hotel.

Tahimik lang silang naghihintay sa loob habang pababa ang elevator. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Kamusta na po kayo"

Si Arch Angelo ang sumuko.

Tiningnan ng matanda ang nagtanong sa reflection ng salamin na nakatingin din sa kaniya.

"I'm good Arch Angelo. I'm good as ever dahil bumalik na ang anak ko."

Sagot ng matanda ng hindi nililingon ang katabi. Nakatingin lang siya sa salamin. Napansin din niyang maging ang bata ay patagong sumisilip sa tagiliran ng kaniyang tiyuhin.

" It's not polite staring at some people."

Puna ng matanda at tiningnan ang batang nakatingin din sa kanya.

"Im sorry po . I'm just curious about your voice."

Gumana na naman ang kakulitan ng bata.

"What do you mean?"

Tanong ng matanda.

" Kasi may kaboses po kayong Vampire.."

Muntik ng mapatawa si Arch Angelo sa sinabi ng bata dahil hindi niya nakilala ang matanda na bagong gupit,ahit na balbas at trimmed na bigote kayat tinakpan niya ang bibig nito.

Napa-ehem ng lalamunan ang matanda, napatawa bahagya at bumawi ng postura, yumuko ito sa bata upang magpantay ang kanilang mga mata sa pag-uusap.

"Hindi mo na makikita ang vampire na iyon at iho. Umalis na siya ng hotel."

Na-puzzle ang bata sa narinig. Hindi nga niya nakilala ang matanda sa ayos nito.

"E sino naman po kayo lolo?"

Nangiti ang matanda sa bibong tanong ni Thirdy.

"Ako? ako si Santa Clause."

Biro ng matanda at tumingin kay Arch Angelo.

"Your Wrong. Sabi ng Lolo ko wala pong Santa Clause.Hindi po totoo yun."

Nauwi sa debate ang usapan ng dalawa.

"Hindi rin naman totoo ang vampire."

Napaisip bigla si Thirdy. Kung bakit nga ba siya naniniwala sa bampira.

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon