Chapter 20 Dugong Bughaw

3.6K 155 25
                                    

Don Iñego

"Sundin mo lang ang lahat ng bilin ko sa iyo at maging matapang. Huwag mo silang bigyan ng pagkakataon na sindakin ka nila. Tandaan mo nakasama mo ako at pangalan ko ang dadalhin mo sa kanila. Iyon lang at lahat ay papabor sa iyo."

Tahimik lang si Roman sa tabi habang pinag-aaralan ang mga dokumentong ibinigay ko kagabi.

Halatang puyat pa siya sa mga detalyeng dapat tandaan tungkol sa mga kasosyo at patakaran ng hotel. Kulang na sa panahon kaya't kailangan ng madalian ang mga gusto kong mangyari. Naipakilala ko na siya na siya ay anak ko sa pagkabinata noong masquarde ball. Di na kailangan ng paliwanag at wala naman talaga silang alam sa mga private affairs ng buhay ko.

Kumpleto ang mga dokumento na kailangan namin. Maging ang mga inaasahang aattend ng meeting ay pinaalam ko na sa kanya. Kung ano ang kanilang mga posisyon, personal background, ugali, kadikit at kumpare,sino oportinista,leader at follower, kung sino at gaano sila katakaw sa oportunidad na umangat. Kasama na rin ang mga larawan nila upang madali niyang makilala ang mga iyon.

Na kay Roman na lang kung paano siya didiskarte. Pero kampante ako sa kaniyang kakayahan. Nalaman ko na ito ng iligtas niya ako. Kung duwag siya ay di niya ako matutulungan noon sa bingit ng kamatayan.

Maging sa party ay malakas ang hatak niya sa mga tao. Naobserbahan ko ang karisma niyang magpaamo ng damdamin. Marahil sa kanyang husay sa pananalita o sa kaniyang kakasigan ay napapasunod niya ang sino man.

Isang milyon sa isang gabi ang naipasok niya sa auction? Wala pang nakakagawa noon sa pagkakaalam ko. Siya pa lang.

Kakaiba talaga siya at maging ako ay napapayag niyangg gupitin ang aking mahabang buhok at psg-ahitin mg bigote at balbas bago dumalo sa pagpupulong. Nais niyang magmukha akong kagalang-galang sa pagharap ko sa pagpupulong.

Nakalimutan ko na ang dati kong hitsura. Sinadya kong pahabain ang aking buhok at balbas upang iwasan nila.

Ganoon ba ang hitsura ng isang bampira o ermitanyo?

Natawa ako dahil narinig ko na naman ang salitang vampire. Parang kailan lang ay may batang makulit na tumawag sa akin niyon sa isang hallway.

Pinapasama talaga nila ang imahe ko. Mula sa ermitanyong gala,ngayon nama'y bampira.

"Maghanda ka na at narito na tayo."

Utos ko kay Roman at inayos na niya ang kaniyang suot na kurbata.

Sa magkabilaang pinto kami bumaba ng sasakyan ng huminto ito sa tapat ng entrada ng hotel.

Derederecho kami sa private elevator na nag-aabang upang ihatid kami sa pribadong palapag na para sa mga kasosyo ng hotel.

Bente minutos na pala kaming huli sa oras kaya't ako na lang pala ang hinihintay nila.

Ako ang unang pumasok ng confference room at si Roman ay pinatayo ko muna sa may labas ng pintuan.
Naroon na silang lahat maliban lang sa isa.

Wala si Juancho.

Ang nakaupo sa pinaka ulong mesa ay ang kaniyang abugado na kakatawan sa kaniya.

Natahimik sila sa aking pagdating at sa aking hitsura.

Maganda ito...

Alam kong nagulat sa sila sa ayos ko.
Maikli ang buhok at walang ng balbas.Mismong si Roman pa ang gumupit ng buhok ko. Isang kaalaman na pinagsanayan niya noon bilang side line sa ibang bansa.

Umupo ako at lahat sila ay nakatingin sa akin.
Tama si Roman na kailangan baguhin ko ang aking image na dati nilang kinasanayan.

Magsisimula na ang pagpupulong dahil ako lang naman ang kanilang hinihintay. Halatang yamot ang abogado ni Juancho at sasabihing ako na naman ang cause of delay ng importante nilang oras.

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon