Chapter 15 Maskara

3.5K 161 16
                                    

Margott

Kakaiba sa inaasahan kong party na akala ko ay sayawan at kasiyahan ang mangyayari ngayon.
Business meeting pala ito.
Pinagkaiba lang ay mga nakapustura ang mga dumalong suot ang mga maskara.
Kung alam ko lang na ganito pala ang dadaluhan namin ng papa,sana ay nagpaiwan na lang ako sa bahay.

Kung di ko lang alam na dadalo rin si Arch Angelo hindi ako mag-aaksayang paghandaan ang party na ito.
I have to admit na hindi rin pala boring ang mangyayari.
Sayang naman ang mamahaling gown na binili ko...

"Oh my ghadd..."

Walang dudang si Arch Angelo na ang dumating! Kahit nakamaskara ay siyang-siya dahil sa jaw line na kapareho ng kapatid niya.

"Siya na nga yun!'

"Halata na agad dahil ni hindi siya kinibo ni Don Juancho at ang batang kasama nito ang binati. Iyon marahil ang anak ni Michael Angelo. Ano nga ba name nun? Ahh forget it, i dont care."

Hinanap ko si papa upang ipakilala na ako kay Arch Angelo subalit di ko siya makita. Kahit maganda ako ay kailangan ko ng third party para ipakilala ako ng pormal. Ayaw kong magmukhang cheap sa paningin ng pinakagwapong lalake na narito sa party.

Lutang lutang ang kaniyang tindig at tikas ng pangangatawan sa suot na tuxedo na kahit nakamaskara ay masasabi mong napakagwapo.

"Oh my ghadddd!!"

Maging sa pag-inom ng champagne ay nakaka-inlove.
Sana ako na lang ang wine glass na dinampian ng kaniyang mapupulang labi. Grabehhhhh!!!!

Di ako makatiis, at baka maunahan pa ako ng ibang mga kababaihan na narito at nagsimulang palibutan si Arch. Di ko na mahihintay ang papa. Bahala na ang pride!

Lalapit na sana ako ng bumukas sa gilid ko ang dalawang nakapinid na malaking pinto ng bulwagan at lumakad sa harapan ang dalawang magkasunod na lalake. May edad yung nauna dahil sa lakad nito at ang kasunod niya ay...

Napanganga ako ...

"Oh my Guhh..."

Sino naman ito?

Isang napakakisig na lalake ang dumaan sa aking harapan.
Parang slow motion ang sandali ng panoorin ko ang kaniyang paglakad.
Akala ko ay si Arch na ang pinakamakisig sa party na ito. Nagkamali ako at parade of greek gods pala ang maglalaban ngayong gabi.

"Hayyy anu ba yan! Nakakainis naman at dalawa na sila!"

Oh my, kilala ko ang rin ang kasunod nilang maliit na lalake!

Si Arwen Santillan na sikat na fashion designer!
Sinasabi ko na!
Nakita ko na suot na maskara ng lalaking iyon.

Gawa ni Arwen ang maskara na nafeature sa Vogue Italia dahil sa mga diamonds na nakalagay dito. Nakalimutan ko na kung magkano ang halaga ng mask na iyon, basta milyon at dollars ang usapan.

Kailangan ko silang makilala.
Sorry Arch Angelo, career muna bago love life.

Sa wakas nakita ko na si Papa.
Aba at naunahan pa akong kausapin ang bagong dating. Si Don Eñigo at lalaking iyon ang kausap niya. Mahusay ka talaga Papa, sana mahalata mo na bagay din sa akin lalaking bagong dating ha ha ha!

Lumapit ang papa sa akin matapos ang kanilang usapan.

"Anak pala ng Don Eñigo ang kasama niya. Si Roman. Anak niya from America at ngayon ko lang nalaman. May tinatago din palang kalokohan ang matandang ermitanyo ha ha ha!"

Sinaway ko ang papa at baka may makarinig sa kaniya.

Di nga ako nagkamali at anak mayaman din ang lalaking iyon.

"So his name is Roman...very manly."

Bulong ko sa aking sarili. Kakaiba ang hatak niya. Bagamat gwapo si Arch Angelo ay kakaiba din at palaban ang karisma ng isa.

"Princess halika ipapakilala kita kay Arch Angelo."

Naexcite ako ng hilahin ni Papa patungo sa kinauupuan ni Arch Angelo.
Katabi niya ang kaniyang pamangkin.
I still can't remember the name of that twit.
Gosh mahina talaga ako sa mga names!

"Arch Angelo this is my daughter, my little princess Margott."

"Papa nakakahiya naman calling me princess in front of Arch Angelo."

Nakakahiya talaga ang ginawa ng papa sa pagpapakilala sa akin.

"No, your dad was right, mukha ka namang princess e."

Kahit nakasuot ako ng maskara ay halata kong namula ang aking mga pisngi sa compliment ni Arch.

Pinaupo ako ni papa sa kanilang pwesto. Akala ko ay makakakuha na akong pagkakataon masolo ko ang gwapong ito. Hindi rin pala dahil sa kalikutan ng batang kasama.

Ni hindi niya masagot ng maayos ang mga tanong ko kung bakit ngayon lang siya nagbalik. Bakit kasi nasa gitna pa namin ang pamangkin niya. Mali ka naman Papa ng pagpwesto sa akin.

What can i do kundi ang panoorin na lang ang magtiyo na ito na maglaro at magkilitian.
Wala bang yayang kasama ito?
Ano bang klaseng party itong napuntahan ko.

"Umm Arch Angelo are you hungry, gusto mo ikuha ko kayo ng makakin ng cute mong nephew?"

Kailangan kong magpalapad ng papel makuha ko lang atensyon niya.

"Oh thanks, kahit isang plate na lang at susubuan ko na lang si Thirdy."

Grabeh ang jaw line, ang maputi niyang ngipin, ang ilong niyahh...kung pwede lang kitang itake out Arch Angelo.

Tuwang tuwa akong tumayo dahil iyon ang unang conversation namin at mapapaimpress ko pa siya na maaasikaaso akong tao.

Nagpunta ako sa buffet table upang kumuha ng makakain.

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon at naroon din ang anak ni Don Eñigo.
Base two ako, bahala na lang kung sino makakascore sa akin.
Wala naman tulak kabigin sa dalawa nila ni Arch Angelo dahil pareho silang anak mayaman at guwapo.

"Anything you want baka nahihirapan kang pumili ng kakainin. Hi I'm Margott Olivarez."

Nagpakilala na talaga ako dahil chance ko na makilala siya ng mabilisan bago ako mamatay sa pagkabagot sa party na ito.

Nakipagkamay siya sa akin at ngumiti. Bagay sa kaniya ang suot na maskarang napapalibutan ng mga brilyante. Kagaya ko na isang prinsesa ay kaharap ko ang isa pang prinsipe.

"I'm Roman."

Pakilala niya sa akin, magsasalita pa sana ako ng lapitan siya ng isang cheff. Lumayo ako bahagya at wala akong maintindihan dahil italian ang kanilang usapan. Patay malisya akong kumuha ng pagkain at baka naghihintay na ang isa ko pang prinsipe.

"Uncle Roman!"

Nagulat ako sa sigaw ng pamangkin ni Arch na nasa likod ko pala at natapon sa dibdib ko ang pagkain inilalagay ko sa plato.

Pesteng bata...

Parang di nila ako napansin sa nagyari at tanging mga food server lang ang nakakita.

Peste talaga at kailangan kong magpunta nga powder room para alisin ang natapon sa gown ko.

"Nakakabwisit na bata talaga yun!!!"

*****

Nakapasok na sa bungad ng tore si Roman sa tulong ni Don Eñigo. Ano kaya ang mangyayari sa pagkakatong nagkita muli ang mag-ama at tsansang magkita rin sila ni Arch Angelo sa ginaganap na masquerade ball.

ABANGAN
( mamaya )



SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon