Roman
Hindi ko alam kung bakit biglang umalis si Arch Angelo sa hotel ng walang paalam. Maging ang mga tawag ko ay di niya sinasagot.
Limang araw ko na silang hindi nakikita.
Blessing in disguise din ba ang pag-alis ni Arch Angelo at kaya nakakailos ako ng maayos para sa aking plano?
Pero ang sa akin lang ay hindi man lang ipinaalam na aalis pala sila ng anak ko.Hinahanap hanap ko sila.
Ang anak ko at si Arch Angelo.
Kasalanan ko nga marahil dahil sobra akong abala sa aking mga ginagawa. Nariyan pa si Margott na nakadagdag sa mga plano ko.
Kailangan ko munang isakripisyo ang nararamdaman ko para maiayos ko ng tama ang mga pinagagawa sa akin ni Don Iñego.
Marami na akong nakalap na impormasyon sa panlolokong nangyayari dito sa hotel at iisa lang ang pinupuntong master mind.
Si Atty. Simeon Olivarez.
Ngunit kulang pa ako ng ebidensya na siya nga ang gumagawa ng pandaraya at sabwatan.
Sa loob ng dalawang araw ay nakita ko na kung sino-sino ang kaniyang mga galamay.
Nakilala ko ang dalawa at inimbitahan sa aking dormitoryo sa pag-aakalang kakausapin ko sila para lihim na promotion.
Ngunit isang iterogasyon ang nangyari.
Hindi nila maipaliwanag ang mga dokumento na halata namanh minanipula nila.Binanggit ko ang pangalan ng abogado at iisa ang kanilang reaksyon.
Iisang tao ang master mind at si Atty. Simeon na nga ang may kagagawan.
Hindi na ako mgatataka kung bakit mainit ang mata niya sa akin.May mga testigo ako ngunit kulang pa sa ebidensya...at si Margott ang susi.
Mula ng malaman ko na ang kaniyang ama ang ahas sa asosyon ay pinagbalakan ko na siyang gamitin.
Walang kahirap hirap na mapaamo siya kaya madali na sa akin na paikutin siya sa palad ko.
Alam ko na may pagtatangi siya sa akin kaya sasamantalahin ko ang kahinaan niya.
Wala ang kaniyang Papa para sa isang business trip na hindi kayang daluhan ni Don Juancho.
Isang pagkakataon ito para sa akin.
Tinawagan ko siya at hiningian ng pabor.
Hiniling ko na magkita kami at dalhin niya ang monthly report na ibinigay ko sa papa niya noong isang araw. Dahil si Atty. Simeon ang tumatayong Chief Financial Officer.
Nabanggit na sa akin ni Margott na "she play as his dad's secretary" sa kaniyang papa at pihadong alam niya ang mga sinasabi kong papeles.
Hindi ako nagkamali dahil alam niya kung saan ito nakatago. Ibinigay ko ang mga impormasyon ng mga papeles at masaya siyang makatulong sa akin.
Mas lalo siyang natuwa ng sabihin ko na sa condo na lang kami magkita upang makapagsarilinan.
Bulag siya sa kapusukan at di iniisip ang mga mangyayari kaya napadali ang trabaho kong malantad ang kaniyang ama.
Alas siete ng gabi...
Isang katok mula sa aking pinto at si Margott nga ang dumating.
Planong kong kumain kami sa labas. Bago umalis ay ibinigay niya sa akin ang mga papeles.Tatlong folder iyon.
"Nahirapan pa ako sa pagkuha niyan grabeh! Nakalimutan ko kasi yung pin code ng cabinet ni papa. Actually marami pa yung nakatago dun. Eh yang mga date record lang naman ang sinabi kaya yan lang dinala ko."
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...