Roman
Di na nakatulog si Roman mula ng makatabi niya ang bata sa pribadong silid na ito. Magdagmag niyang pinagmasadan ang anak kahit pagod at puyat at kahit isang pagkilos ay di niya ginawa huwag lang magising ang batang tulog sa pagkakayakap sa kanya.
Nakailang beses niyang ginawaran ng halik ang bata. Hindi na niya mabilang sa dami. Mga halik na pinagdamot sa kaniya ng pamilyang Monleon na dapat ay malaya niyang nagagawa noon pa.
Said na rin ang kaniyang mga luha sa kasiyahan dahil nakikita na niya na ang mga planong unti-unti ng nagbubunga. Ilang araw pa at parating na ang panahon ng pag-aani para sa kaniya at sa kaniyang anak at maiiwang talunan ang mga itinuturing niyang mga kaaway.
Gumalaw ang bata, nag-inat ito, yumakap muli sa leeg ng katabi at naghikab pa.
Inilapit niya ang kaniyang ilong upang maamoy ang paghinga nito.
Bakit hindi?
Dahil maging ang paghinga ng bata ay pinagkait sa kaniya ng ilang taon ng di niya nalalaman.Unti-unting nagmulat ng mata si Thirdy at nakita niya kung sino kayakap. Bahagyang nanlaki ang kaniyang mata sa kayakap.
Nagkatitigan sila.
Ngumiti si Roman sa bata dahil ito lamang ang tanging alam niyang reaksyon sa bagong gising na bata.
Gumanti ng ngiti si Thirdy na parang normal lang sa kaniya at matagal ng kilala ang tao na kaniyang katabi at kayakap.
Kinabahan si Roman dahil akala niya ay matatakot ang bata ngunit nagulat pa siya ng nanatiling nakayakap lang ang bata sa kaniya.Ang lalo pang nagpakabog ng kaniyang dibdib ay ang halikan pa siya sa pisngi ng bata.
"Uncle Roman ikaw ang katabi ko kagabi?
Wheres Uncle Angelo?"Itinuro ni Roman si Arch Angelo kung saan ito natutulog. Napangiti naman ang bata at nagsenyales pa na huwag silang maingay. Di umalis ang bata sa pagkakatabi kay Roman.
Sinilip ni Roman ang oras sa kaniyang relo.
Alas sinco na pa la ng umaga ng hindi niya namamalayan. Parang napakabilis ng sandali na binantayan niya sa pagtulog ang anak.Niyakap niya muli ang bata dahil di na niya alam kung mauulit pa ang ganitong pagkakataon. Naisip niyang ito na nga pala ang huling araw ng pagtigil niya sa Monleon Tower dahil tapos na ang condo na kaniyang nabili at pinarenovate.
Hinalikan niya ang bata sa pisngi na pinahintulatan naman ng bata.
Sabik ang bata sa ganitong kalinga dahil sa namatayan ito ng nakagisnang magulang kaya hinahanap niya ang pagmamahal sa mga nakapaligid sa kaniya.Gising na ang bata kaya nagsimula na itong magkuwento ng kung anu-ano na pinakinggan na lang ni Roman.
Nais niyang kahit sa huling sandali malaman niya ang background nito.Matalino ang bata kahit house tutorial sa pag-aaral at may pagkakataong nagtatanong sa mga bagay na bakit lagi siyang naroon sa mansion o hotel.
Naawa si Roman sa bata dahil hindi normal ang pagpapalaki dito. Tiim-bagang siyang nakinig sa mga sumbong ng bata na wala pa siyang karanasang maglaro sa labas o kahit isang kalaro na bata ay di pa nito narasan.
Pasko o birthday lang ito nagkakaroon ng pagkakataon na makihalubilo sa mga kaedarin niya.
Nadagdahan ang galit ni Roman sa mga nalaman. Kailangan na talaga niyang kumilos sa lalong madaling panahon dahil ginagawang robot ang kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...