Chapter 3 Ang Hari

6.2K 198 8
                                    

Don Juancho

Walong staff ang nag-aabang sa lobby ng hotel sa pagdating ni Don Juancho. Lahat sila ay kabado sa maaring mood swings ng matanda ngayong hapon. Narito ang kaniyang kaisa-isang apo para sa kanilang hapunan. Ngunit nandito rin ang rebeldeng anak, si Arch Angelo ang kakambal ng pumanaw na si Michael Angelo.

Sa harapang entrada dumaan ang matanda kasabay ng dalawa niyang alalay at isang sekretarya..

Huminto panandalian upang sipatin ang mga staff na naghihintay. Dinaanan ang mga tauhan isa isa.

"Hindi pantay ang neck tie."

Bulong niya sa Assistant Manager na nakatayo. Tumalikod ang sinita at inayos ng necktie at muling humarap sa matanda. Hindi nakunteto sa pagkakayos ng necktie ang Don at siya na mismo ang nag-ayos nito.

Para silang nasa isang military camp sa tuwing darating at bibisita ang matanda sa hotel. Takot silang sa isang kumpas o bulong nito ay maaring mawalan sila ng trabaho.

Sikat ang hotel na ito sa mga celebrities ,politiko,at mayayamang parokyanong dito nanunuluyan ng ilang araw kaya ganun kaistrikto ang pamamalakad sa mga tauhan ng hotel.

Parang mina ng langis ang Monleon Hotels na nagkalat sa ibat-ibang bahagi ng pilipinas at ibang bansa gaya ng Singapore,Japan,Korea,Hongkong, Dubai at Canada.
Ka-tie up pa sa negosyo ang ilang agency ng turismo at airlines kayat ganoon na lang kasikat ang kanilang negosyo ng hotel at dito sa Pilipinas ang sentro ng kanilang kaharian.

Dumiretso ang matanda sa kanyang private elevator papunta kung saan naroroon ang kaniyang apo.

Mula ng isilang si Thirdy ay ito na ang direksyon ng kaniyang buhay lalo pa at naulila ito sa paborito niyang anak na si Michael Angelo.

Naiwan ang dalawang staff para sa ilang mga papeles na aasikasuhin at tanging ang personal na sekretarya ang kasama sa loob ng pribadong elevator.

Sa pinakamataas na palapag dinala ang matanda kung saan naroroon ang tinutuluyan ng kaniyang apo. Iyon ang presidential suite ni Arch Angelo.

Gaya kanina sa lobby ng hotel ay hinihintay din siya ng dalawang yaya at kusinerang nakatalaga doon para bantayan si Thirdy.

Parang wala siyang nakitang bumati sa kaniya at dirediretsong nagtungo sa silid ng kaniyang apo.
Walang kamalaymalay- ang bata na nasa loob na pala ang matanda na pinapanood siya sa kaniyang ginagawa.

"Ehem!"

Isang simpleng pang-agaw ng atensyon ng matanda.

"Lolo! "

Patakbong sinalubong ng bata ang kaniyang lolo. Tumayo muna sa harap ng matuwid. Ininspekyon ng matanda ang bata sa kaniyang pagkakatayo at saka sumenyas na pwede na siyang lumapit.

Yumakap ng mahigpit at humalik sa magkabilang pisngi ng matanda. Giliw na giliw ang Don sa kaniyang apo. Nawala ang kaniyang pagiging istrikto sa tuwing kaharap at kasama ang bata.

"Sobra kang busy kaya di mo na napansin na pumasok ako iho."

"E kasi gusto ko na matapos yung assigntment ko."

Kumalas ang bata sa pagkakayakap at hinila ang kamay ng matanda sa kaniyang study table. Nakita ng matanda ang ginagawa ng bata.

Isang drawing ng isang pamilya.

"Ito si Mommy,si Daddy,si Uncle Arch,si Lola, then ikaw ito lolo. Ako yung nakaupo sa balikat mo."

Mahusay na inilarawan ng bata ang kaniyang pamilya gamit ang mga krayola at illustration board. Ito pala ang assingment ng bata na ginagawa.

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon