Roman
Di niya sukat akalain na ganito kalapit ang lalaki sa kaniyang mukha ng siya ay lumingon.
Ang carbon copy ng lalaking nanlamang sa kanya sa pag-ibig. Amoy mayaman talaga dahil nanunuot sa kaniyang ilong ang mamahaling pabango nito.
Ang mapungay na mga mata at maamong mukha. Walang kapintasan, perpekto na animo isang roman god na nabuhay. Magkaiba sila sa hitsura. Si Arch Angelo ay may dugong espanyol at ang isa ay pinoy na pinoy.
Gayun pa man ay hindi pahuhuli sa kagwapuhan si roman dahil nakakaangat din siya kung pagbabatayan ang panlabas na anyo.
"Favorite movie theme song ko yang tinugtog mo. Ang ganda."
Papuri ni Arch Angelo.
"T-thanks, paborito ko rin yun kaso di ko pa napapanood yung movie e."
Hindi siya kinakabahan sa pagsagot kahit ito ang unang pagkakataon na makausap niya ang pakay.
Nakahanda ang kalooban niya.
"Magaling ka na sa baraha magaling ka pa sa piano."
"Umm hilig ko lang to."
Kunwang naghanap siya ng piyesa upang pagtakpan ang kaba. Nawala siya sa plano dahil di niya sukat akalain na si Arch Angelo pala ang lalapit sa kaniya ng ganito kadali ng hindi inaasahan.
"Baka may request ka na gusto mo. Last song ko na bago ako umuwi."
Naglakas na siya ng loob na siluin ang kausap.
"Ha ha ha,baka di mo kaya yung favorite ko e. Actually favorite namin ng kapatid ko."
Nakaramdam ng pagkainis si Roman sa narinig. Hindi sa minaliit siya sa kaniyang kakayanan sa pagtugtog kundi ang binanggit na paboritong musika ng kaniyang itinuturing na kaaway.
Isang hamon sa kaniyang kagalingan sa piano.
"Try me!"
Sagot niya sa mayamang binata.
Umupo si Arch Angelo sa tabi ni Roman na nakangiti na para isang bata. Sabik na marinig ang kaniyang gustong tugtugin. Inilapit niya ang kaniyang labi sa tenga nito at binulungan.
Natawa ng di sadya si Roman sa narinig mula sa katabi. Alam niyang wala ang piyesa na naroon kaya inisip muna niya ang mga notang ititipa.
Pagkatapos ay pangiti niyang tinugtog ito, di niya sukat akalain na ito ang nerequest at paborito pa ni Arch Angelo.
Nabigla ang lahat at nagtawanan kasabay pa ng palakpakan ng ilan dahil alam ng naroon ang kaniyang intro.
Napatawa na rin siya kasabay ng maaliwalas na ngiti ng katabing pinapanood siya sa kaniyang masayang pagtugtog.
Ang theme song ng Voltes V...
Intro pa lang alam mo na makakarelate lahat ng nabaliw dito mapamayaman o mahirap.
Nagkataon ba na alam din niyang tugtugin. Di estranghero sa kaniya ang piyesa dahil ito ay pangkondisyon sa kaniyang mga daliri noong nagsisimula pa lang siya sa pag-aaral tumugtog ng piano. Kung ang kasabayan niya noon ay bahay kubo o twinkle twinkle little star. Siya ay nagsimula sa voltes v.Dahil di angkop ang tugtugin sa casino ay lalapitan sana sila ng manager upang pahintuin subalit sa isang kumpas lang ng kamay ni Arch Angelo na hayaang makatapos si Roman na tugtugin ang piyesa. Umatras ang Manager at pinabayaan na sila.
Kitang-kita ni Roman ang kasiyahan ng mga naroon at talagang nasiyahan sa ganda ng themesong o sa galing niya tumugtog.
Matapos noon ay nilapitan siya ng ilang natuwa at kinamayan pa siya.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...