Isang masamang balita ang natanggap ni Roman na namatay na ang matandang Eñigo.
Sa kabila ng tagumpay niyang maisiwalat ang katotohan sa loob ng asosasyon ay kapalit nito ang pagkawala ng isang tapat at mabuting kaibigan.Walang mag-anak ang Don kaya noong nabubuhay pa ito ay nakaplano na ang lahat sa kaniyang burol sa isang sikat na funeral home na para sa mayayaman.
Nais niyang masaya ang mga maiiwang niyang mga kaibigan.
Tatlong araw lang ang kahilingan ng matanda para sa kaniyang lamay.Isang araw ang kahilingan ng matanda sa kaniyang lamay para sa mga tauhan. Isang araw para sa malalapit na kaibigan at kasosyo at huli para lang kay Roman lamang.
Hiling ng namatay na ayaw niyang may iyakan sa kaniyang pagkawala. Nais niyang para itong gaya lang ng isang family reunion.
Naroon ang Chef ng hotel na nagluluto para sa catering ng mga makikiramay. Isa rin ito sa kahilingan ng matanda.
Gaya ng mga kahilingan ng matanda ay kailangan tuparin ito ni Roman kaya mahigpit niyang ipinatupad ang pagdating ng mga bibisita.
Ang unang araw ay para sa mga tauhan sa sariling negosyo.
Mga tauhan sa planta ng kape, ng hacienda, ng mga paupahan, mga ibat ibang ahensyang tinayo, at scholars na tinulungan.Humanga si Roman sa mga taong nagmamahal sa matanda dahil hindi niya sukat akalaing ganito pala siya kalihim sa mga kabutihang ginawa.
Hindi siya nakaramdam ng pagod sa pag-aasikaso sa mga dumating dahil sa mabubuting ibinahaging kabutihan ni Don Eñigo.
Ang sumunod na araw ay para sa mga tauhan ng hotel.
Ito ay para sa pagbibigay nila ng huling respeto para sa matandang ermitanyo. Ang mga desk clerk, ang mga guest officer,ang mga attendant, ang mga chamber maids,bellboy, ang tauhan laudry, sa playroom,acivity room,mga waiters,security guard,mula sa pinakamataas na empleyado hanggang janitor ay naroon.
Ganito siya kamahal ng mga taong nagsisilbi sa hotel. Kahit nabawasan siya ng karapatan ay hindi siya iniwan ng mga taong ito dahil sa respeto.
Marami silang kwento ng kagandahang loob ng namatay.
Ang pagpapa-ospital sa isang ina, pagbibigay ng salapi bilang panimula sa isang negosyo, pabibigay ng trabaho, at marami pang nakakatuwang kwento ng pagtulong at lahat ng iyon ay walang kasunod ng pagbabayad.Ikalawang araw ito para sa mga tauhan ng hotel at naroon din ang ilang mga matataas na kasapi ng asosyon na nagbigay respeto sa matanda.
Kabilang na ang pamilya Monleon.
Hindi niya kayang hadlangan ang pagkakataong kahit sa huling sandali ay maiisip ni Don Juancho ang kaniyang pagkakamali.
Sumilip ang matanda sa nakahimlay na dating kaibigan.
Saksi si Roman sa kaganapang ito.
Ngunit ni isang bahid ng pagsisi ay wala siyang nakita. Kahit isang usal ng paghingi ng paumanhin sa isang patay ay hindi niya narinig.
Matigas talaga ang matanda at talagang kahit kailan ay hindi umaalis sa kaniyang pedestal na katayuan.
Na ang isang Monleon ay di kailangan umiyak o magluksa."Wala ka talagang pag-asa..."
Bulong ni Roman habang tahimik siyang nakamasid kay Don Juancho.
Matapos noon ay umalis ito ng hindi nagpapaalam kasama ang kaniyang business entourage.Nawala ang kaniyang pagkainis ng dumating si Arch Angelo.
Aminin man niya o hindi ay nasabik siyang makita ang lalake.
Sumilip ang bagong dating sa labi ngbilang minuto at mag-alay ng dasal at tahimik na lumapit ka Roman. Nakipagkamay at tumabi sa kinuupuan.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Fiction généraleGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...