Margott
So excited na makasama kay papa sa opisina ng Monleon Tower. Bihira ako makapasok sa palapag na ito. Actually hindi naman talaga ako sumama sa papa para samahan siya kundi sa totoong pakay ko.
Who else...kundi si Roman.
Narinig ko kasing nabanggit ang pangalan niya sa usapan nila ng papa at Don Juancho. Ang galing naman ni Roman at nakuha niya ang majority votes para sa operations manager position.
Bukod sa anak mayaman/gwapo na, matalino pa.
Malayo talaga kay Arch Angelo.
Di ako nagkamali ng magugustuhan.Ewan ko ba sa papa kung bakit ayaw na ayaw niya kay Roman professionally.
Kung kaya naman niya gampanan ang trabaho sa asosasyon bakit hindi?
Bakit kailangang idamay pa ang anak sa problema nila sa ama.Nahawa na rin si Papa kay Don Juancho na galit kay kay Don Eñigo at pati si Roman nadadamay na.
Ako tuloy ang naiipit...hi hi hi!
Busy ang papa sa opisina ng matandang Monleon sa mga papeles kaya pupuntahan ko na lang ang talagang pakay ko.
To know Roman.
I went to his office.
Sa gilid noon ay may isang secretary na may katabaan.
Lumapit ako sa pinto and to my shock, ang panget ng make up ng chubby girl na to huh!"Good morning Ma'am Margott may kailangan po kayo kay Sir De la Vega?"
Ngumiti lang ako sa tanong niya.
Sino siya to ask me kung may kailangan ako kay Roman?
Kaya nga ako nagpunta sa office niya kasi may kailangan di ba? Estoopidah...Ha ha ha di siya makaangal ng basta na lang ako pumasok sa loob.
He was surprised to see me ng buksan ko ang pinto ng kaniyang opisina.
Maging ako ay nasorpresa din dahil sa nakakaawa niyang kalagayan.
Napakarami niyang mga papeles na nakatambak sa kaniyang lamesa.Ganito ba talaga ang trabaho ng isang Manager.
"Hi Roman!"
Ang masayang bati ko sa kaniya.
"Sorry sir kasi...
Kasunod ko pala ang chubby sectetary.
"Its okay miss, no need to explain, kaibigan ako ni Roman."
Pangungunahan pa ako ng babaeng ito.
Mabait talaga si Roman at okay lang sa kaniya ang pagpunta ko sa kaniyang opisina.
"What can i do for you Margott, nakakatuwa at napadalaw ka. Binibisita mo ba ang iyong Papa?"
Very gentleman man talaga at kinuha pa niya ako ng mauupuan.
"Actually...ikaw ang sinadya ko Roman. I was looking forward to meet you sana,kaso sobra ka busy. So ako na ang nag-initiate na magkakilala tayo. Besides para na rin tayong pamilya dito."
I tried to be composed while talking to him. Sabihin niya atat ako na makipagkilala.
"How sweet of you Margott! Nakakahiya naman at ikaw pa ang dumalaw sa akin."
"Dont be! Ako nga dapat mahiya kasi ilang weeks ka ng nagtatrabaho at di man lang tayo nagkakilala formaly. Okay lang yun!"
"Paano ba? Umm.. if you want i can treat you for a lunch?"
Gahhhd! Eto na nga ang hinihintay ko...lunch date!
"Kaso maiiwan mo ba ang mga ginagawa mo ngayon? Tambak ka pa ng mga papeles e."
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Narrativa generaleGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...