Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Parang walang hanggan ang apat na oras ng kanilang paghihintay sa kalagayan ni Thirdy habang sinasalinan siya ng dugong nawala sa kaniya.
Matapos nooy nakabantay na si Don Juancho kasama ang doktor na nag-oobserba sa bata.
"His condition is getting stable. Vital signs are getting stable. Heart rate,pulse rate,blood preasure are all in good measures. Hintayin na lang natin na magkamalay siya and until he wakes up, some numbness ang mararamdaman sa shoulder blade na natamaan kaya the kid will feel some discomfort. Wag kayong mag-alala at wala namang organs na napinsala. It's a miracle balikat lang ang tinamaan.Pero maayos na ang lahat."
Paliwanag ng doktor sa matanda na lubos nitong ipinagpasalamat.
Naiwan mag-isa si Don Juancho na nakaupo sa isang silya malapit sa kama ng pasyente.
"Mabuhay ka Thirdy...para sa mga nagmamahal sa iyo."
Nangingilid ang luha ng Don sa awa sa sinapit ng kaniyang apo.
Sa ikatlong pagkakataon ay nakadama siya ng pangungulila. Pangungulila na higit sa naranasan niya ng mawala si Donya Demetria at anak na si Michael.
Manakang pinunasan niya ang kaniyang mga mata ng marinig niyang bumukas ang pinto.
Naramdaman niyang isang kamay sa kaniyang balikat.
Si Arch Angelo.
Huminga ng malalim ang matanda.
Wala siyang naramdamang galit o sama ng loob sa nangyari. Nakakapanibago dahil wala siyang sinisi kundi ang kaniyang sarili. Na pasimula ay kapabayaan mismo at pagtitiwala niya sa abogadong ang interes lang pala ay ang kaniyang salapi."Patawarin mo ako Arch Angelo"
Nabigla si Arch sa kaniyang narinig.
Hindi niya sukat akalain ang ganitong sitwasyon at mula sa bibig mismo ng kaniyang ama ay hihingi ito ng pagpapatawad.
"Isa akong palalo at mapagmataas. Naging sakim ako sa aking mga kagustuhan na mapaayos ka. Nang hindi iniisip na masasaktan ka. Patawarin mo ako."
Nais paglabanan ng Don ang kaniyang nararamdaman subalit bumigay na ang mga luha at patuloy na itong umagos sa kaniyangga mata.
"Patawarin mo rin ako Papa sa aking mga nagawa sa iyo..."
Di pa natatapos si Arch Angelo at nagpatuloy ang ama sa pagsasalita.
"Akala ko ay kasama ka na sa mawawala sa akin ng mabalitaan ko na may binaril na Monleon sa casino. Natakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sa inyo. Para sa iyo. Patawarin mo ako sa labis kong kayabangan at pagmamataas anak. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko sa iyo."
Tumulo na rin ang luha ni Arch Angelo dahil sa narinig sa ama.
Lalo siyang naantig ng hawakan pa nito ang kaniyang kamay.
Tumayo ang matanda at niyakap niya ang anak. Maging si Arch Angelo ay niyakap ang ama.Ngayon niya naramdaman ang yakap ng isang ama. Nawala ang manhind sa kaniyang puso sa pagtingin sa malupit na ama at napalitan ito ng pagtanggap at pagpapatawad.
Nakalimutan na ni Arch ang nakaraan kung paano siya tratuhin ng ama.
"Magsimula tayong muli, Papa."
"Oo anak. Magsimula tayong muli.."
Isang halik sa pisngi ang ibinalik ni Arch Angelo sa matanda bilang pagpapatawad. Maging ang ama nito ay humalik din sa magkabilang pisngi.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Ficción GeneralGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...