May unawaan na ang dalawa at ganap ng engage si Roman at Arch Angelo. Tahimik lang silang magkayakap sa silid. May gusto pa sana silang gawin subalit kaarawan ni Thirdy kayat kailangan na nilang bumaba ng lobby upang doon ipagpatuloy ang kanilang kaligayahan kasama si Thirdy.
Silang dalawa ang punong abala sa pag-aasikaso ng mga batang bisita ni Thirdy.
Kahit nagpapagaling pa sugat ang bata ay hindi man lang ito nakadama ng pagod at kahit na gaputok na reklamo ay di naringgan.
Halata kay Thirdy ang kasabikan na makipaglaro kayat nakabantay talaga ang ama upang alalayan ito sa pagkilos. Maging si Don Juancho ay masiyang nakipanood na lang sa isang tabi.
Matapos noon ay nagtungo ang tatlo sa condo ni Roman upang doon makapagpahinga.
Sa ikalawang pagkakataon. Muli silang dito matutulog ng magkakasama.
"Did you liked your birthday party Thirdy?"
Ang masayang tanong ni Arch Angelo kay Thirdy habang tulak niya ito sa kinauupuang wheelchair
"Yes uncle Arch. Kaso di ako gaano nakapaglaro. But I enjoyed it sana lagi ko na lang birthday."
"Mahirap naman yata yun everyday is your birthday isa pa ayaw ko pang lumaki ka agad."
Naunang pumasok ang dalawa na kasunod naman si Roman at ang dalawang yaya na bitbit ang mga regalong natanggap ng bata.
Matapos pabalikin sa hotel ang mga yaya ay sa kwarto sila naupo upang isa-isang buksan ang mga regalong natanggap.
Tuwang-tuwa naman si Thirdy habang isa isang binubuksan ang mga ito. Busy naman sa pagkuha ng litrato si Arch sa sandaling iyon.
"Ang dami kong regalo!"
Sigaw ni Thirdy.
"Pahinge naman ako nito!"
Kinuha ni Roman ang laruang kotse at itinago sa kaniyang likuran.
"Ahhh ang tatay! Ang laki laki na! Nangunguha pa ng toy!"
Nabigla si Roman sa kaniyang narinig ng tawagin siyang tatay ng anak.
"What did you call me?"
Nais muli niyang marinig ang sinabi ng bata.
"I said ang laki laki mo po nangunguha ka pa ng toy."
"No before that..."
"I said tatay."
Halos mapatalon sa katuwaan si Roman ng marinig niya ang tinawag sa kaniya. Kuhang-kuha naman sa lente ng camera ni Arch ang pangyayari.
"Tatay why are you crying?"
Nakangiti si Roman habang natulo ang kaniyang mga luha.
"I'm just happy kasi tinawag mo na akong tatay."
Niyakap niya ang bata at hinalikan sa ulo. Maging si Thirdy ay yumakap rin sa kaniya. Di na rin napigilan ni Arch Angelo na madala sa nangyayari at maging siya ay naiyak na rin.
"Lolo said that your my tatay. I dunno...basta I'm so happy kasi kahit wala na sina mama at papa ko. Basta kasama kita,kasama si uncle Arch parang kasama ko na rin sila."
Patuloy sa pagluha si Roman dahil ganap na siyang kinilalang ama ni Thirdy.
"Someday you will undestand why anak. Someday malalaman mo rin ang katotohanan."
Sa isip ni Roman dahil hindi pa panahon na ipaliwanag sa bata ang katotohanang nag-uugnay sa kanila. Sapat na muna sa ngayon na kapiling niya ang kaniyang anak.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
Ficção GeralGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...