Dumating na ang araw sa verification at paglilipat ng karapatan para kay Roman ng kaniyang bahagi sa naiwan ng nasirang Don Iñego.
Sapat na sa kaniya ang limang araw na paghahanda mula ng malibing ang matanda. Ngayon ay ang araw na siya na talaga ang tatayo bilang kinatawan na De la Vega sa asosasyon ng Monleon Tower Hotel.
Wala ng atrasan dahil isa ito sa mga inilatag niyang plano para sa isang pangako na hindi niya nagawa. Nalantad niya ang kagagwan ng kanang kamay ni Don Juancho ngunit di niya nagawang paluhurin ito. Natanggalan nya lang ito ng magnanakaw ngunit ang mismong hari ay di niya natalo.
Sa kaniyang muling pagbalik ay baon niya ang planong magpapatiklop sa tuhod nito at luluhod sa kaniyang harapan...
Roman De La Vega
"Parang kailan lang...noon ay nagbabakasakali ako sa mga pagkakataon na magkaroon ng kaganapan ang mga plano ko. Ang dami kong hirap na dinanas at sinakripisyo para makapasok lang sa hotel na ito. Kung wala ka Don Iñego ay di ko alam kung saan at paano ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon."
"Ito na ang kaganapan ng pinangako ko sa iyo. Kahit hindi mo man makita, alam ko na mag-iiwan ito ng aral sa iyong kaibigan na matagal mo ng gustong mangyari. Isa ring malaking pagkakataon na mapadali para sa akin na makuha ang anak ko."
"Masmainit akong sinalubong ng ilang tauhan ng hotel mula ng malaman nila na ako ay anak mo. Isang kasinungaling handa kong panindigan ng habang buhay hindi lang dahil sa iyong kagustuhan kundi wala rin akong nakilalang tunay na ama."
"Kung sana noon pa tayo pinagtagpo ay mas malaki pang bagay ang maitutulong ko sa iyo."
"Nakakapanibago ang lakas ng loob na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako ang dating Roman na may agam-agam pa ng gaya ng dati. Ngayon ay handa ko nang harapin ang at tanggalan ng pangil ang matandang Monleon."
Sa ikalawang pagkakataon ay pumasok si Roman ng conference room kasama ng mga share holder ng asosasyon.
Dahil sa kaniyang nagawa ay nakuha niya ang respeto ng lahat ng kasapi. Tanging katanungan na lang ay kay Don Juancho.
Bakas pa rin sa kaniya ang katigasan ng loob na parang walang anumang nangyaring panloloko sa kanila. Kasama ang bagong attorney na ng matanda ang nagpapaliwanag sa kaso. Sa kasamaang palad, ang perang nakuha sa kanila ay matatagalan pa na maibabalik dahil sa patong patong na kaso ang kanilang isinampa.
Marami ang nagalit sa kapabayaan na nangyari at sinisi nila ito sa klase ng pamamalakad ng matanda.
Isang kasiraan sa kanilang reputasyon na sila ay manakawan ng ganoon na lang sa isa sa mga kilalang negosyo sa asia.
Natatakot na ang karamihan sa kanila kung kayat nais na nilang bawiin ang kanilang pagiging kasapi ng asosasyon.
Isang malaking kawalan sa kumpanya ang pag-bawi sa shares ng mga kasosyo ang kanilang gagawin.
Pagkakataon na ito ni Roman....
"Gentlemen, i have a proposal."
Natahimik silang lahat ng magsalita na ang bagitong kasapi.
"Kung mamarapatin ninyo ay huwag na ninyong bawiin ang inyong binahagi sa asosyon na ito. Let's face it. Maging ako ay ayaw ko na rin sanang ipagpatuloy pa ang nasimulan dito ng aking "Papa". Lets make a win-win situation here."
Kampanteng nakaupo si Roman na sinabi niya ito habang isa-isa niyang tinitigan sa mga mata ang mga nakaupo.
"What is your suggestion Mr. De la Vega?"
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...