Chapter 32 Ang Kapayapaan sa Tore (Final Chapter)

4.6K 152 79
                                    

Nailabas na si Thirdy ng hospital. Nalagpasan na ng bata ang bingit ng kamatayan. Bagamat di pa gaanong hilom ang tahi ng kaniyang sugat ay maari na siyang iuwi kasama ng kaniyang pamilya.

Sa hotel ay naroon ang ilang mga staff na masayang pumila gaya ng dati na sumalubong sa pagdating ni Don Juancho Monleon. Kasunod niya si Arch Angelo at Roman na inaasistihan si Thirdy na nakupo sa isang wheel chair.

Makulay ang lobby dahil sa mga palamuting lobo, nag-gagandahang bulaklak,mga banderitas at mga regalo. Naroon din ang ilang mga bata mula sa isang bahay ampunan ang nakikipaglaro sa mga clown, mascott at magician na mula pa sa isang sikat na themed park.

Siyang siya ding nakihalubilo ang ilang guest sa panonood at pakikiisa sa activity ng hotel.

Espesyal na araw ito dahil kasabay ng paggaling ni Thirdy ay ang ikawalong taon niyang kaarawan.

Hindi lang si Thirdy ang nagulat sa kaniyang pagpasok sa hotel maging si Roman ay nabigla din.

Hindi niya akalain na ito pala ang unang pagkakataong makasama niya sa kaarawan ang kaniyang anak.

Labis na naligayahan ang bata at walang paglagyan ang pasasalamat sa kaniyang lolo.

Unang pagkakataon na nagkaroon siya ng ganito kasayang selebrasyon.
Ang buksan ang hotel para sa kawanggawa ang naisip ni Don Juancho.

Tawanan, sigawan,biruan, at masasayang damdamin ang umaapaw sa lobby ng hotel dahil sa mga patawa ng mga payasong naroroon.

Maya-maya ay kumuha ng silya si Don Juancho at tumayo roon upang makita siya ng lahat.

Natahimik sila ng magsimula ang Don na magsalita.

" Para sa isang bagong buhay ng aking apo... Bagamat may hindi magandang pangyayari kamakailan sa buhay namin...sa aming dalawa ng anak ko...sa negosyo...sa hotel...kay Iñego at kay Thirdy ay pinapaabot ko ang aking lubos na pasasalamat sa lahat ng mga tauhang tapat na nagsisilbi sa Monleon Tower. Batid ninyong lahat ang pagbabagong magaganap sa susunod na mga araw. Alam ko ang iba sa inyo ay makakahinga na ng maluwag dahil may papalit na sa aking posisyon bilang CEO ng asosasyon. Pero huwag kayong makasiguro dahil mas magaling at mahigpit ang papalit sa akin...kung ako ay nakaya niyang pababain sa posiyon, kayo pa kaya? Ha ha ha!
Ipinapakilala ko sa inyo ang bagong CEO ng Monleon Tower Hotel, Señor Roman dela Vega!"

Nagpalakpakan ang lahat ng naroroon at bumaba si Don Juancho sa silyang kinatayuan. Hinila niya si Roman upang doon siya pinatayo.

Nahihiyang napipilitan si Roman sa matanda dahil ibinigay na sa kaniya ang approval na tinatanggap na ng matanda ang kaniyang pagkatalo bilang CEO.

Tiningnan muna ni Roman ang lahat. Sinuyod ng kaniyang paningin ang mga mukha ng naroroon. Panghuli ang kaniyang anak na tuwang tuwa sa kaniya at si Arch Angelo na abot ang ngiting nakaakbay sa ama.

Nagsalita si Roman.
Kahit mahina ay dinig ng lahat ang malumanay niyang boses na madaling magpasunod sa sinong mangkakapakinig.
Isa ito sa mga katangian ni Roman na nagustuhan ni Arch Angelo.

"Nais kong ipaabot sa inyo ang lubos na pasasalamat sa mabuting pagtanggap ninyong lahat sa akin noong unang araw ko dito bilang guest, at bilang bagong kaibigan.
Ayaw kong idikit ang pangalan ko sa pagiging CEO o boss ninyo dahil titulo lang iyon ng aking posisyon. Maraming bagay akong natutunan mula sa isang ermitanyo."

Nagtawanan ang lahat dahil alam nila kung sino ang pinatitikuyan ni Roman.

"May kasabihan... It is much easier to earn a lot of money than to find a bosom friend."

"Tama ang ermitanyo sa kaniyang sinabi. Madali nga naman ang magkapera kesa magkaroon ng tunay na kaibigan. Friendship is not just expirience but relationship. Lahat tayo doon magsimula, sa isang mabuting pakikipagrelasyon...at para sa araw na ito,lets us start to have a good relationship with our future CEO of "Monleon de la Vegas hotel and Casino" na itatayo ko para sa kanya. Our very own Juancho Monleon dela Vega III!"

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon