Chapter 18 Imahe

3.6K 157 8
                                    

Don Iñego

Kumilos na ang galamay ko sa aking mga plano. Tanging tango na lang ang nagawa ko upang malaman ni Roman na pabor ako sa kung ano man ang kaniyang gustong gawin.

Alam kong hindi niya ako ipapahamak.

Mahusay ka talaga Roman...

Hindi ko alam kung anong vertud o gayuma meron ka at maging ang batang iyon ay napaamo mo at bilhin ang serbisyo mo ng isang araw sa halagang isang milyon.

Pagkakataon mo na ito upang mapatunayan sa akin ang iyong katapatan.

Nakakapagod ang party na ito at nakakabagot kausap ang mga taong naririto. Tanggalin man nila ang kanilang mga maskara ay nandoon pa rin ang pangit nilang balatkayo.

Mga mapagkunwari.

Kailan lang ay halos kulang na lang ay dilaan nila ang kamay ko na parang aso noong di pa nakalalamang si Juancho sa asosasyon. Noong pantay ang estado namin sa pamamalakad ng hotel na ito.

Para silang mga buwitre na pinagtulungan akong inagawan ng karapatan sa ipinundar kong hirap.

Hindi importante ang pera sa akin. Isinilang akong hubad at hindi ko madadala sa hukay ang lahat ng yaman ko.

Ang nais ko ay katarungan sa ginawa nilang panlalamangan sa akin at sa mga taong minahal ko dito sa hotel.

Ginawa ninyo akong inutil sa mga patakaran na nooy maayos kong pinapatupad. Binago ninyo ang lahat ng mga iyon at sa aking pagsalungat,ito ang ginawa ninyo sa akin. Ang hamakin ang kakayanan ko dahil sa aking karamdaman at ibaba ang bahagi ko sa hotel.

Ngayong may kasama na akong tutulong sa akin. Ako naman ang magpapaikot sa inyong kapalaran.

"Don Iñego kamusta!"

Ang attorney ni Juancho na naman.
Mukhang may gusto na namang malaman sa akin.

"Inilabas nyo na pala publiko ang anak mo sa ibang babae?
Hindi ba masyadong huli na para kupkupin pa ang anak mong iyon?"

"Magdahandahan ka ng pananalita. Anak ko ang pinatuturingan."

"Dispensa Don Iñego, concern lang ako na baka iba ang lumabas na balita. Alam mo na...fiesta sa media pag-anak sa pagkakasala ang usapan."

"Ibabalik ko sa iyo ang tanong Attorney, sigurado ka bang anak mo rin si Margott?
Hindi kayo magkamukha at lalo hindi siya kamukha ng nasira mong asawa?"

Natigilan siya sa tanong ko.
Ang sarap mang-irita lalo na sa mga nagmamarunong na kagaya ng taong ito.

"Ano ang ibig nyong palabasin?"

Ha ha ha galit na siya!

"Alam mo naman ang media kung ano-ano ang pinagpi-fiestahan pagdating sa anak sa labas."

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong ibuka pa ang kaniyang bibig at lumakad na ako palayo.
Ayaw ko ng mga unsolicited remarks mula sa taong ito.

Nakakabwisit ang mga aso mo Juancho...

Makauwi na at tapos na ang misyon kong ipakilala si Roman na anak ko. Bukas ko na lang aalamin ang ginawa mo Roman. Kung nasaan ka man. Tiwala ako na isang magandang balita ang ihahatid mo sa akin.

*****

Don Juancho

Umalis na rin sa wakas ang Ermitanyo yun!
Pihadong pinahiya na naman siya ni Simeon.
Iika-ika ka ng magalakad, nakuha mo pang umattend ng party ko.
Nakakaawang nilalang...

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon