Roman
Natuwa ako ng bigla na lang akong yakapin ni Thirdy. Expected ko na magkikita kami dito dahil party ito ng matandang Juancho. Lumuhod ako upang maayos ko siyang mayakap.
Kahit nakamaskara ay nakilala niya ako agad. Sa pagpasok ay nakita ko na ang pwesto kung saan sila nakaupo ni Arch Angelo kasama ang babaeng kumausap sa akin kanina.
Matalas na ang mata ko dahil sila talaga ang aking pakay sa pag-attend ng party.
Lalo na ang anak ko."I missed you Thirdy!"
Niyakap ko siya ng mahigpit. Di ko maipakota ang pananabik ko sa kaniya at pinagtinginan na kami ng ilang bisita ng sumigaw at humalik sa akin si Thirdy
Napakahigpit din ng yakap niya sa akin.
Sana ay laging ganito kami ng anak ko.
"Come with me, Uncle Arch is waiting for us!"
Hila niya ako sa kamay kaya't napilitan akong sumama. Nagkatinginan kami ni Don Iñego habang may kausap siyang mga ilang foreigner. Tumango lang siya sa akin, hudyat na okay lang sa kanya na ako ay makihalubilo sa party.
Sa lamesa ni Arch Angelo ako dinala ni Thirdy. Tumayo siya ng kami ay makalapit.
" Look who i caught! It's Uncle Roman!"
Pagyayabang ni Thirdy dahil nakilala niya ako sa dami ng mga bisita.
Nagkamayan kami ni Arch Angelo.
Naupo ako at si Thirdy naman ay kumandong sa akin."Thirdy, maraming tao. Nakakahiya kumandong sa bisita."
Saway ni Arch ngunit pinigilan ko siya at hayaan na lang ang bata na kumandong sa akin. Kung alam lang niya kung sino ako sa buhay ni Thirdy ay baka siya ang mapahiya.
"Di mo sinabing Papa mo pala si Don Iñego?"
Nakahanda na ako sa mga ganitong mga katanungan. Sa loob ng dalawang araw ay nakamarka na ang mga posible naming isasagot ni Don Eñigo.
"Di naman kailangan ipakilala ko ang matandang yun. Lumaki nga akong di niya nabisita noon. Aksidente lang niyang nabuntis ang nanay ko. Sa financial support lang siya magaling. Ngayon lang siya nabawi dahil wala na ang Mama ko."
Summary ng peke kong talambuhay.
Para maiba ang usapan ay kiniliti ko si Thirdy upang mapalitan ang atensyon niya sa pagtatanong kayat pinanood na lang kami ni Arch.
Ako lang yata ang pinakamasayang tao dito sa party dahil kapiling ko muli ang aking anak.
Tinawag ni Arch ang isang waiter. Inutusang kumuha ng pagkain sa buffet. Bumalik ito na may dalang tray ng pagkain at inihain sa aming lamesa.
Muli kaming nagsalong tatlo. Wala kaming pakialam kung kami lang yata ang may tambak na pagkain sa lamesa dahil sa inutos ito ni Arch Angelo.Nabusog kami sa aming mga kinain kayat nagkasiya na lang kami sa pag-upo at panonood ng mga matatandang nagbo-ballroom dancing sa dance floor.
Ilang sandali ay inihinto ang sayawan para sa isang auction game na gagawin.
Bawat lamesa ay binigyan ng mga maliit na placard na may numero. Maging si Arch Angelo ay binigyan din.
Slave for a day ang auction.
Pataasan ng bid para sa isang araw na alipin at ang malilikom na salapi ay mapupunta sa kawanggawa.
Bahala na kung susunod ang mabibiling alipin. Ang hindi sumunod ay magmumulta ng limang ulit na halaga na ibinayad ng nakabili sa kaniya. Mas tataas nga naman ang donasyon na malilikom, kung nais mong magbigay ng limang ulit na presyo kung aatras sa kasunduan.
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...