Chapter 2 Ang Prinsipe

7.7K 235 30
                                    

Roman

Tatlong buwan ang lumipas ng mamatay si Mia Rosa at Michael Angelo. Mahaba na ang panahon na iyon para simulan ko ang aking plano.

Hindi ko pa maaring lipatan ang condo unit na nabili ko dahil sa renovation na aking ipinagawa kayat sa Monleon Tower Hotel muna ako magpapalipas ng ilang araw. Adyain sana ng langit na makita ko ang aking anak.

Nagtungo ako sa reception area at kumuha ng isang silid. Magalang at maayos ang mga tauhan ng hotel. Maging ang pasilidad nito ay world class na pwedeng makipagsabayan sa mga hotel ng Las Vegas sa america.

Nakakalula ang karangyaang sumalubong sa akin ng pumasok ako.
Parang ibang demensyon na inilayo sa polusyon ng kamaynilaan. Malamig at hindi mo marinig ang ingay sa labas. Parang wala ka sa Pilipinas dahil karamihan na nakikita ko ay mga foreigner na guest maliban sa mga local na empleyado.

Abala ang mga tauhan kahit maraming guest ay tahimik at organisado ang sistema ng pag-eestima sa mga bisita.

Kaswal akong nakakuha ng silid na aking titigilan pansamantala, sinamahan ako ng bellboy kung saan ang silid na para sa akin. Marangya ang silid na kinuha ko kayat may kamahalan ngunit kailangan kong gawin ito.

Inayos ko ang aking panamitan, naligo at nagpahinga. Nang magutom ay nagtungo ako sa restaurant ng hotel upang kumain ng pananghalian.

May patakaran pala ang restaurant na kailangang casual o formal attire lang ang maaring kumain sa loob ng restaurant. Naunawaan ko ang patakaran at di ako tumuloy sa loob dahil sa suot kong formal short,simpleng sneakers,at polo shirt na pang itaas.

Isang mapag-imbot na house rule ang nasa isip ko.

Nagtungo ako kung saan naroroon ang pool area, naupo sa isang garden chair at sa isang waiter na nakatalaga doon ako umorder ng aking makakain.

Matapos kumain ay nagbasa ako ng pahayagang kasama sa kapritsong libre ng hotel para sa mga guest.
Wala na talaga ang mga headlines patungkol sa eroplanong bumagsak. Patay na ang balita sa pagyao ng tagapagmana ng hotel na ito.

Nag-abang ako ng dalawang oras para sa aking plano at nagbabakasakaling makakita ako ng pagkakataong magagamit ko. Ngunit bigo ako,sa ngayon.

Napagpasiyahan kong bumalik sa aking silid. Kinuha ang aking sports bag, naglagay ng ilang gamit na pampaligo. Nais kong lumangoy sa malawak na infinity pool ng hotel.

Sumakay ako ng elevator pababa at nagtungo changing area ng shower room. Nakapagpalit na ako ng swimming trunks at lumabas. May ilang guest na rin palang naliligo di gaya kanina ng kumain ako.

Papalapit ako sa shower area ng pool upang magkondisyong ng temperatura ng katawan bago lumangoy. Napansin ko rin na may ilang mga mata na nakatingin sa akin.

Noon pa may takaw pansin na ako.Kahit noong nasa amerika pa ay may mga indecent proposal na akong natatanggap at pinagbigyan mula sa aking mga kliyenteng nagsusugal. Mapababae o mapalalake ay naofferan na akong pagbigyan sila ng isang gabi sa kama. Mayroon pang handa akong suportahan at pakasalan. Lahat iyon ay ginawa ko makadagdag lang sa mga iniipon kong pera. Nagpapasalamat din ako dahil nabiyayaan ako ng kakisigang nagagamit ko para mabuhay.

Hindi rin naman kaataasan ang sweldo ko bilang balasador.Lakasan lang ng loob ang magbenta ng katawan sa mga gustong magbayad. Nagkaron lang ng pag-asenso ng magkagusto sa akin ang kapatid ng CEO ng casino at gawin akong manager.

Wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba kung ano man ang mga ginawa ko. Ang lahat ng pagbabago sa akin ay dulot ng sakit ng ginawa ni Mia at ng Monleon na iyon. Manhid na ako sa pag-ibig at pagmamahal at ang tanging hangad ko lang ay mabawi ang dapat na para sa akin.

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon