Chapter 10 Ang Alas ng Manlalakbay

4.1K 169 9
                                    

"Good bye Thirdy, sad to say but i have to leave for now."

Nakaluhod siya sa batang umiiyak.

Inabot na sila ng tanghali kakalaro matapos kumain ng agahan. Ayaw man ni Roman subalit kailangan na muna niyang umalis upang asikasuhin ang kaniyang lilipatang Condo.

" Why can't you stay here? I can give you my bed at night! Dito ka na lang Uncle."

Pagmamakaawa ni Thirdy.
Kunyapit ito sa braso sa nakaluhod na bagong tiyuhin.

Inaawat naman siya ng kaniyang Yaya Soli sa pagkakapit subalit ayaw ng bata na bumitiw.

"Babalik pa naman si Uncle Roman,ijo. He can sleep here pag gusto niya. There are some errands he have to do first so just let go of your uncle Roman. After niya masettle yung work niya he can visit us or tayo ang bibisita sa kaniya."

Si Arch Angelo na ang kumausap sa bata.

Natahimik ito. Inisip ang sinabi ng tiyuhin. Nagkatitigan naman si Arch Angelo at Roman sa isinanguni sa batang suhestiyon.

Para kay Roman ay pabor ito dahil makakasama niyang muli ang anak sa ibang pagkakataon sa mismong terotiryo niya.

Home court advantage kung sakaling bistahin siya ng anak at lalo pa silang magkakalapit.

Sa panig ni Arch Angelo ay nais niyang mapalapit pa sa bagong kilala dahil sa nangyari sa kanila kagabi sa elevator.

Nais pa niyang makilala ng lubusan si Roman. Nais niyang huwag matapos sa one night stand ang nangyari sa kanila kundi higit pa roon.

"Your uncle Angelo is right. After ng work ko,I will call you to visit me. Okay ba yun?"

Huling hirit niya sa bata upang payagan na siyang makaalis.

Tahimik ang bata at unti unting bumitiw kay Roman. Tumakbo ito sa silid at agad bumalik. May inabot kay Roman na isang calling card.

"This is my number uncle
Please call me pag okay na to pay you some visiting ha?"

Nagulat pa si Roman ng basahin ang inabot na calling card. Pangalan ni Thirdy ang naroon at ang numero.

'Juancho Escobar Monleon III'

"Pinagawan ko siya noong isang araw. Nagrequest sa akin kasi bakit daw wala siyang calling card. Kids?...Alam mo na? That number is mine too."

Paliwanag ni Arch Angelo sa pagtataka ni Roman. Nangiti siya sa pagmamalasakit ni Angelo na maging tarheta ay ipinagkaloob niya sa munting kahilingan ng anak.

Isinilid niya ito sa kaniyang wallet at tumayo. Payag na ang bata na makaalis siya. Hinatid pa siya sa harap ng private elevator.

Muli humalik ang bata sa papaalis na bagong uncle.

"I'll wait for your call..."

Bulong ng bata at saka muling humalik.

"Yes i will call you agad."

Ganting bulong ni Roman pero nakatingin ito kay Arch Angelo.
Si Arch Angelo namay may maliyosonh ngiti na nakatingin kay Roman.

Bumukas ang pinto ng elevator at pumasok siya sa loob at kumaway sa dalawa hanggang sa magsara ang pinto.

Masaya niyang muling hinugot sa sa pitaka ang calling card ng anak. Tinandaan ang mga numero sa isip dahil ito ang unang personal niyang dokumento ng anak.

Hinalikan niya ito at naiyak.
Namiss agad niya ang anak kahit kakahiwalay lang nila.

Napakalaking bagay ang nangyari sa kaniya mula pa kagabi dahil ang lahat ng pagkakataon ay umaayon sa kaniyang mga kagustuhan.

SA TORE NG MGA LEON (MxM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon