Roman
Di alam ni Arch Angelo na sa kaniyang pagpasok ng casino ay may nakatiktik na sa kaniyang mga mata. Hatid ng mga ilang mga babaeng staff ng hotel ang balitang lalabas ang anak ng Don at magtutungo sa casino. Isang pagkakataong hindi sinasadyang narinig ni Roman at nagdesisiyong magmatyag sa binata.
"Inaadya ng langit talaga ang lahat ng bagay para sa akin."
Sasamantalahin na niya ang pagkakataon para makakuha ng karagdagang impormasyon kung paano niya ito magagamit sa kaniyang mga plano.
Sa Bar ng Casino siya unang tumambay. Maghihintay ng pagdating ng kaniyang unang biktima, ang maobserbahana ang kakambal ng kaniyang namatay na karibal.
Sa isang madilim na sulok siya naupo upang matanaw ang mga kilos ng mga taong maglalaro sa loob. Naniguradong di siya pansinin sa kaniyang pwesto.
Kahit maliit ang casino ay high end ang mga parokyanong naglilibang at nag-uubos ng salapi dito. Karamihan ay sa internet casino nakaupo ang ilan, may mga nakahelerang slot machine na okupado ng ilang mga matatandang nagpapalipas oras, isang poker table,black jack table at baccarat, may lounge para sa mga gustong makinig ng mga live performance sa pagkanta at may grandmaster piano din para sa sino mang gustong tumugtog.
Napakislot siya ng bumukas ang pinto at iluwa ang isang makisig na lalake.
Si Arch Angelo.
Lutang na lutang ang pagkakaiba niya sa mga naroon sa loob. Asikaso agad ng isang manager ang kaniyang pagdating. Halatang kilala talaga siya at espeyal ang trato.
Pumasok sila sa loob ng isang opisina, ilang minuto ay lumabas at escorted muli ng manager.
Patungo kung saan nakaupo si Roman malapit sa bar.
Umupo si Arch Angelo at hinabilin sa isang staff na asikasuhin ang kanilang bisita."Iba talaga ang mayaman dahil madaling makakuha ng respeto. Respeto na sinamantala nila para manlamang ng kapwa. Mga mapag-ibot talaga kayo!"
Galit na bulong ni Roman habang nakatingin sa bagong dating.
Magkatapat ang kanilang pwesto. Nasa dalawang lamesa ang kanilang pagitan.
Ilang sandali pa ay may dalawang lalakeng lumapit sa kaniyang binabantayan. Ang isa ay nasa edad 26 at ang isa ay pihong nasa 19 ang edad. Mukhang mayayaman din subalit kakaiba ang mga kilos nito. Parehong makikisig din, nga lang ay magkahawak ng kamay.
Isa lang ang ibig sabihin na ang dumating sa kabilang mesa ay may kakaibang relasyon.
Nakipagkamay ang dalawa kay Arch Angelo at kilala niya ang mga nakiupo sa kaniyang pwesto.
Tama ang kaniyang hinala na ang dalawang lalaking ito ay may relasyon.Hindi sa minamasama niya ang kilos ng bagong dating subalit napakalayo sa imahe ni Arch Angelo na magkaroon ng ganitong mga kaibigan.
Napakalayo talaga.Nilapitan sila ng isang waiter,umorder ng maiinom at nagkwentuhan.
Kahit di niya gaanong naririnig ang mga kwentuhan dahil sa kumakantang lounge singer ng Bossanova ay nakikita niya na maligaya ang tatlo sa usapan. Malalakas ang loob ng mga dumating na kahit may mga ibang taong nagsasaya ay nakikitaan sila ng extra sweetness na napupunta sa ilang paghalik sa pisngi na parang walang nararamdamang ilang kay Arch Angelo.
Mayamaya ay nag-paalam ang dalawa.
Naiwan si Arch Angelo at tinapos ang kaniyang iniinom at saka nagtungo sa poker table upang maglaro."Heto na, nagbukas ng pinto para alamin ko kung sino ka Arch Angelo Monleon..."
Naghintay siya ng ilang sandali.
Mga tatlong set ng laban ng maupo si Arch Angelo bago siya lumapit at umupo ng lisanin ng isang manlalaro ang mesa at okupahan niya ang silyang katapat na binata.
Ngayon ay kaharap niya ang isang Monleon ng malapitan. Isang inosente at walang alam sa kaniyang binabalak na paghihiganti.
Hindi bago sa kaniya ang laro na ito dahil dati niyang trabaho ang maging dealer ng baraha ng poker sa Las Vegas.
Kaswal siyang tumaya at nakipagtapatan ng taya gamit ang mga chips na pinapalitan.dalawang magkasunod siyang nanalo at dalawang beses namang talo si Arch Angelo.
Nagkatitigan sila sa kanilang pagkakaupo. Mata sa mata. Nagkakangitian, nagkikindatan.
Bluffing ang laban ng laro dahil silang dalawa na lang ang magkalaban sa pustahan kayat unti unting nadaragdagan ang halaga ng mga nakatayang chips.Wala siyang kaba dahil alam niyang panalo ang barahang nasa kaniyang kamay.
Muli silang nagkatitigan...
Suko na si Arch Angelo dahil malaki na ang talo niya at malaki na rin ang huli niyang taya. Sapalaran niyang inilahad ang kaniyang baraha.
Nangiti si Roman sa nakita, inilahad niya ang kaniyang baraha at mataas ito laban sa kay Arch Angelo.
Royal flush laban sa straight card
Umaayon nga talaga ang lahat sa gabing ito kay Roman at salungat sa inaasahan ni Arch Angelo na nakaramdam ng swerte bago umalis ng hotel.
Nag-paalam ang talunang binata upang magpaalis ng malas at bumalik sa bar. Naupo sa kaniyang dating pwesto at muling uminom.
Wala na sa lamesa ng sugal si Arch Angelo kayat umalis na rin si Roman upang samantalahin na ang pagkakataon na makilala ang binata.
Papalapit siya sa binatang tahimik na nakaupo. Nagkatitigan muli sila at nagkangitian. Subalit hindi siya tumuloy papalapit kay Arch Angelo kundi sa bakanteng silya ng Grand piano.
Alam niyang habol tingin si Arch Angelo dahil pansinin ang lugar kung saan lagi nakapwesto ang mga umaawit dito. Magaling naman ang obeserbasyon ng mga humahawak sa pailaw ng maliit na stage dahil naiba ang mga liwanag nito at sumentro sa tutugtog,kay Roman.
Nakakaakit ang rehistro ni Roman na parang isang romantikong manunugtog dahil sa puting polo niya na nakatiklop ang mga manggas hanggang siko. Lalaking lalake at mapanghalina ang magnetismo ng kaniyang kagwapuhan.
Marunong siyang tumugtog ng piano dahil ito ang instrumentong natutunan niya sa pagtira kasama ng tiyong pari sa simbahan.
Di na siya namili ng mga piyesa.
Isang malungkot ang kaniyang pinatugtog na memoryado niya noon pa.
Some Where in Time na tugtugin ang nangibabaw sa paligid ng lounge. Natahimik ang ilang mga naroroon na umiinom at nagsasaya.
Nakinig sa kaniyang tugtugin.Nais lumuha ni Roman dahil ang tugtuging ito ang paborito niya para sa nasirang kasintahan noong di pa siya nito iniiwan. Tugtugin na akala niya ay di na niya muling maririnig.
Ibinuhos niya ang galing niya sa pagtipa ng mga tiklado ng piano ngunit kabaligtaran ang nararamdamang sama loob na kung bakit nangyaring iwan siya ng kasintahan. Pumikit siya upang labanan nag kaniyang nararamdaman upang huwag tumulo ang kaniyang mga luha.
Natapos ang kaniyang tugtugin at nagpalakpakan ang ilang nakikinig.
Iminulat niya ang kaniyang mga mata at ngumiti sa mga nagpalakpakan.Tatayo na sana siya ng maramdaman niyang may tao pala sa kaniyang likuran.
" Hindi mo ba alam na favorite kong movie yang pinatugtog mo?"
Si Arch Angelo..
Nagitla si Roman dahil hindi niya sukat akalain ng lingunin niya ang nagsalita ay halos naglapit ang kanilang mukha dahil nakayuko na pala ito sa kaniya.
*****
May lihim si Roman na madidiskubre na maari niyang gamitin upang mapasok ang palasyo ng mga Monleon.
Abangan mamaya!!!
****
Salamat po sa mga readers na patuloy na nagcocomment at nagvovote sa mga previous stories na nagawa ko who keeps me inspired na pagbutihan ang pagsusulat at sa isang author na na laging nagpapaalala. As of my social status, may problema lang po hinahandle, pero unti unti ng nakakarecover. Babalik na po ang sipag ko sa pagsusulat!
BINABASA MO ANG
SA TORE NG MGA LEON (MxM)
General FictionGagawin ni Roman ang lahat makuha lamang ang katarungang nararapat na para kaniya. Tanging balakid lamang ay ang kaniyang kahirapan laban sa mayamang angkan ng Monleon na umagaw ng lahat sa kaniyang buhay. Isang kasaysayan ng pag-ibig,pagkabigo at...