Chapter 43 – The Broken Hearted Girl / Guy
Mary’s POV
Umalis na ako sa bahay ni Alyssa kasi umakyat na din siya nagtaxi nalang ako pauwi pero parang ayoko pang umuwi kasi ang sakit eh yung makita mong yung taong mahal mo nakayap sa pinsan mo at nagpromise na he will heal her broken heart.
Nagsisisi ako kasi dapat hindi nalang ako pumunta sa park dapat sa bahay nalang ako para hindi ko nasaksihan yung mga nangyari ou aaminin ko naawa ako kay Alyssa nasasaktan ako para sa kanya kasi galit na galit si Kuya Michael sa kanya. Pati yung best friend niya trinaydor siya.
Ang sakit lang talaga eh hindi ko na din napigilan wag maglabas ng sama ng loob kay Alyssa masakit din kasi nasaksihan ko eh yung lalaking mahal ko sinuntok yung lalaking nanakit sa babaeng mahal niya at sinabihan pa niya ng mahal niya ito napakasakit.
Ewan ko ba bakit ako nagpapakatanga sa pagibig ko kay James pero mahal ko eh sana pala hindi ko nalang talaga siya minahal sana pinigilan ko yung nararamdaman ko sa kanya.
“Manong sa toot bar nalang po tayo.” I said sa taxi driver at nag u turn na siya at pumunta kami sa bar nasasaktan ako ngayon at gusto ko siyang makalimutan kahit ngayon lang gusto ko mawala yung sakit.
Pagpasok ko maingay na just what I wanted walang gugulo sa akin dito. Pumunta na ako sa may bartender at umupo sa stool at nagorder ng maiinom tequila nalang.
Iinomin ko palang sana kaso biglang may kumuha nung shot glass at ininom. Tinignan ko kung sino at si Gabriel lang pala.
“Bakit mo kinuha iniinom ko eh.” I said.
“Hindi nakakatulong yun.” He said. “Kaw din nagsabi nun diba?” naalala pa pala niya yung sinabi ko sa kanya na kahit anong inom walang makakalimot sa sakit na nararamdaman ko.
“Kahit ngayon lang. So please hayaan mo nalang ako ngayon.” I said.
Ayun nagorder siya ng dalawa pa tig isa kami. Ininom ko na yung akin napasakit talaga.
“Ano bang nangyari?” he asked me.
“Wala naman.” I faked a smile. “Medyo nasasaktan lang ako ngayon.” Nagorder pa ako ng shots.
“Tama na.” awat niya kasi pang lima ko na din eh.
Umiiyak na ako ngayon ewan ko bakit pero naalala ko na naman yung nangyari kanina eh.
“Ang swerte swerte niya kasi ang dami daming nagmamahal sa kanya. Ang swerte niya kasi nasa kanya yung taong mahal ko ang swerte niya kasi pinagtanggol siya nung taong mahal ko. Ang sakit kasi harap harapan kong narinig yung mga salita na ayokong marinig mula sa kanya ayokong marinig at ayokong makita.”
“Shhh…. Tahan na hadtid na kita sa inyo.” He offered.
BINABASA MO ANG
My Love for a Magician ~Completed
Teen FictionIt all started with a deal with her friends "Lokohin haggang ma in-love si Michael Salmonte until one day the table had already turn and she found herself in love with him and the saddest part is that he doesn't feel the same way. She left to move...