Chapter 34 - Batangas here we go (part 2)
Alyssa's POV
It's been two days since na-hospital si Mary at medyo ok na siya kaya andito kami ngayon sa resort na. Ako eto nag-eemo emo na naman ako. Kasi eh nahihirapan na talaga ako.
Si Kuya Liit kasi eh epal sa buhay ko eh! Bakit lagi siyang andiyan pag kailangan ko ng kausap? Bakit hindi ko magawang iwasan siya? Bakit ang hirap hirap? Naiinis ako sa kanya kasi he casted a spell on me and hindi ko alam paano ko aalisin yung spell niya.
Naglakad muna ako sa dalampasigan ang sarap ng hangin eh hawak hawak ko si Posh ewan ang sarap niya kasing yakapin eh. Ang lamig ng simoy ng hangin. Yung breeze masyadong masarap ramdam mo talaga na may hangin na yumayakap sa akin.
Humiga ako sa buhangin and I watched the stars ang ganda ng sky. Siguro isa sa mga stars na yan ang kuya ko no? Kamusta kaya ang buhay sa Heaven? Ang sarap siguro mabuhay dun? Walang problema.
Paano kaya pag hindi namatay si Kuya? Masaya pa ba kami? Makikilala ko ba si Michael?
May tumulo na naman na luha pinunasan ko agad. Ano ba to! Nakakainis na!
Pag umalis ba ako madaming tao ba ang malulungkot at mamimiss ako? Makakalimutan na ba nila ako? Siguro ou kasi wala naman talagang nagmamahal sa akin eh. Eh ako nga hindi ko alam kung mahal ko ang sarili ko eh.
Umupo na ako mag-gm nga muna. Sayang ang load hehe.
[To: CEU Pips]
Good evening guys. Sarap ng hangin dito ngayon. Will you guys miss me after 10 years?
Haha nilapag ko na phone ko pati si Posh. Tumingin nalang ulit ako sa dagat ang peaceful talaga.
May nag-vibrate sympre phone ko yun!
[From: Kuya Liit]
Uy. Nagchacharge ako wazzup?
Hahaha ang kulit wazzup wazzup pa rapper? Haha natutuwa naman ako sa kanya. Ganyan kasi si Michael eh magtetext lang yan pag trip niya or pag sa mga gm ko kaya nga gm ako ng gm eh para sa kanya.
[To: Kuya Liit]
Nagpapaka-emo ako ngayon. wag ka. :))
[From: Kuya Liit]
teka ha? nag aaway mga classmate ko eh.
Bakit kaya nagaaway yung mga yun. Kasi ayan alis ng alis kaya napapaaway sila tsk. Natatakot tuloy ako para sa kanya kasi lagi nalang gala ang ginagawa niya. Tsk.
[From: Kuya Liit]
Uy.
[To: Kuya Liit]
Bakit nag-aaway sila?
[From: Kuya Liit]
Ninakaw kasi ng isa kong classmate ang cp nung isa.
[To: Kuya Liit]
Asaan ba kayo?
[From: Kuya Liit]
Nasa bahay ako. Sa group sila nagaaway. Uy maya ko na kukwento sayo para mas nakakatakot.
Hahaha ou nga pala sabi niya ikukwento na niya yung ghost story niya nung bata pa siya diba kasi may third eye yang pangit na niyan? Haha
BINABASA MO ANG
My Love for a Magician ~Completed
Novela JuvenilIt all started with a deal with her friends "Lokohin haggang ma in-love si Michael Salmonte until one day the table had already turn and she found herself in love with him and the saddest part is that he doesn't feel the same way. She left to move...