Dedicated kay ate because ang ganda ng comment niya sa Chapter 42 - Christmas' Heartbreaks part two yung reason niya bakit gusto niya ng book two whahaha. "YES FOR BOOK TWO KASI MAHAL NA MAHAL KO SI MICHAEL" tawa ako ng tawa diyan haha. Thanks ate hehe.
Chapter 44 - Just stay the way you are.
Jewel’s POV
Nakaupo ako ngayon sa kama ko waiting for him of course. Nagaabang na naman akong mag online siya. Nagbabakasali lang. Pero kahit naman mag online siya hindi ko naman siya papansinin eh ayoko na. As much as possible lalayo na ako kasi ako yung nasasaktan eh.
Hindi ako martyr ayoko magpaka-martyr dahil ayokong masaktan. Mahal ko man si Harry ayoko ng lumaban dahil talo ako agad at sino ba ang masasaktan diba ako lang din?
Nakatingin lang ako sa chat box naming tas inopen ko din yung kay Camille. Offline sila pareho nakakainis. Tas ayun nag-green na yung bilog sabay pa! Talagang pinag-usapan pa na sabay sila ! Oy hindi ako bitter ah.
Nagulat nalang ako nung bigla akong chinat ni Harry.
Facebook Chat with Harry Naval:
Harry: Jewel kamusta?
Oh eto nasasaktan dahil hindi ako yung pinili ng puso mong mahalin. Chos!
Me: Ok lang naman eh ikaw?
Harry: Mabuti naman. Eto maayos pa naman.
Me: Kamuta na kayo ni Camille.
Harry: Mabuti naman.
Me: Tagal mo naman nangliligaw ka parin?
Harry: Sympre hindi naman ako nagmamadali eh basta alam kong akin na siya.
Me: Mahal mo talaga siya no?
Bakit ko ba tinatanong eh alam ko naman yung sagot na eh.
Harry: Ou sorry.
Bakit siya nagsosorry sa akin?
Me: Bakit ka naman nagsosorry sa akin. Hindi naman kita gusto no. I’m happy for you pa nga eh. Mabait kaya si Camille at bagay kayo.
Ou I lied sa kanya at may halong bitterness pero totoo naman eh Camille’s great bagay sila kahit masakit alam ko naman yung lugar ko eh.
Harry: Ahh ewan ko ba. Thanks. Kamusta pala lovelife mo?
Eto broken kasi may mahal kang iba.
Me: Haha wala ako nun.
Harry: Haha meron daw sabi ni Mary eh. Sige na ako nga nagkukwento sayo eh.
Bakit sinabi ko bang sabihin mo sa akin na may gusto ka kay Camille? Sinabi ko ba sayong ikwento sa akin yun? Hindi naman eh kasi masasaktan lang kaya ako.
Me: Wala nga. Pero dati meron haha kaso ayoko na sa kanya. Oy out na ako. Basta Harry I’m really happy for you.
Harry: I’m happy for you too. Just stay the way you are.
Harry bakit ba minahal kita ng ganito? Nasasaktan ako pero mahal kita eh. Pag ba sinabi ko sayong mahal kita mamahalin mo din kaya ako? Iiwan mo kaya si Camille para sa akin?
I turn my laptop off ayoko na kasi makipagusap kay Harry lalo lang akong nasasaktan at baka hindi ko pa magawa yung gusto kong pagmomove on.
Just stay the way you are.
BINABASA MO ANG
My Love for a Magician ~Completed
Teen FictionIt all started with a deal with her friends "Lokohin haggang ma in-love si Michael Salmonte until one day the table had already turn and she found herself in love with him and the saddest part is that he doesn't feel the same way. She left to move...