Ok puro Alyssa and Michael na ang nangyari hehe nakalimutan ko na yung sidestory nito. Harry + Jewel + Patrick = ? Sila muna ngayon tutal matatapos na to kaya kanila muna ang two chapters.
Jewel's Point of View
Nakaupo ako ngayon sa desk ko nagfafacebook ano pa ba? Iniintay siyang mag online. Ang saya saya ko talaga pag kausap ko siya, super saya promise. Tuwing kausap ko siya hindi nawawala yung ngiti sa mukha ko.
Ou minsan inis ako sa kanya sino bang hindi maiinis sa isang napakasungit na lalaki? Sino ha? Suplado pa minsan! Pag wala sa mood hindi ako kakausapin. >.<
Pero over all masaya parin ako sa kanya, hindi ko man masabi sa kanya na gusto ko siya ok na kaysa masira yung friendship namin.
Ayun ol na siya! Nagpromise siya na papakita niya yung mga drawings niya sa akin hehe excited ako!
Facebook Chat with Harry Naval:
Me: Uy.
Harry: Uy Jewel.
Me: Tapos ka na?
Harry: Ou teka tag kita ah.
oh tatag niya ako yehey hehe. masaya na ako? ou naman!
Ayun tinag niya ako tas nakita ko may nakatag na iba? Sino yung Camille Carr? Sino yun?
Harry: Kita mo na?
Jewel: Ou. Ganda
Harry: May sasabihin ako sayo Jewel secret lang natin ah.
Oh? Aamin na ba siya?
Jewel: Ano yun?
Harry: Ikaw ang una kong sasabihan nito.
Ano ba to paexcite masyado pwede bang ituloy na niya?
Harry: I think I'm beginning to like......
Omo aamin na siya aamin na!!!!!!!! Anong sasabihin ko the feeling is mutual? Hindi ko alam!
Harry: I think I'm beginning to like someone.
Parang gumuho yung mundo ko nung nakita ko yun sa screen ng laptop ko parang gusto kong ibalibag ang laptop ko! (wag mahal yan sige ka)
Jewel: Sino naman ikaw ah.
Deep inside ang sakit, bakit sa akin niya sinabi? Hindi ba siya marunong makiramdam? Ang sakit kasi gusto ko siya tas malalaman ko nalang may gusto siyang iba! Ang sakit!
Harry: Yung nakatag din sa drawing.
Ouch. Nakatag din ako dun Harry pwede ako nalang?
Jewel: Camille Carr? Sino ba yun? Ikaw ah.
Harry: Kaschool mate natin siya. Masaya siyang kausap, ang ganan ng loob ko sa kanya para bang ewan basta gusto ko siya.
Ouch talaga eh ang sakit hindi ba ako masayang kausap? Boring ba talaga ako pagdating sa kanya? Hindi ba magaan ang loob niya sa akin? Kasi sa akin super gaan ng loob ko at super saya ko kapag kausap ko siya.
Jewel: So nililigawan mo na ba?
Please Harry sagutin mo ng maayos makiramdam ka naman kahit ngayon lang Harry.
Harry: Balak ko.
With that gumuho na ang mundo ko nadurog na ang puso ko. Ang sakit sobrang sakit pano nalang pag naging sila na kakayanin ko pa ba?
BINABASA MO ANG
My Love for a Magician ~Completed
Novela JuvenilIt all started with a deal with her friends "Lokohin haggang ma in-love si Michael Salmonte until one day the table had already turn and she found herself in love with him and the saddest part is that he doesn't feel the same way. She left to move...