Chapter 7: Ate Tulala (PART 1)
Michael's POV
Friday na and balak namin suportahan sila Mat ngayon sa isang bar. May gig sila dun yung para bang contest din ata kasi madaming mga bands pupunta dun mamaya. Inuman na naman to!
Sila Jenny kasama namin ngayon first time ko makasama si Jenny gumimick kasi hindi siya pinapayagan ng boyfriend niya eh kung ako ang naging boyfriend niya edi lagi kaming magkasama sa ganito at papayagan ko siya no. Pero sympre tama lang din naman na wag kasi first year lang sila Jenny at babae pa dami pa naman mga sirang lalaki dito.
Ayun nagpunta na kami sa bar. Ang tagal magstart nung program kaya umupo muna kami tas kumain at naginuman muna. Nagtawanan at naginisan. Pero si Jenny halatang may problema so ako naman friendly tinabihan ko.
"Uy." sabi ko tas pinisil ko yung ilong niya. "Bawal tulala."
Hay tulala bigla ko tuloy naalala si Ate Tulala sayang talaga kahapon siya yun eh. I'm sure pero kasi naman Michael eh ano bang meron sa kanya at inahabol habol mo? Eh likod lang matandaan mo? Sus na-love at first sight ka na ba sakanya?
"Aray." sabi ni Jenny habang hawak hawak yung ilong niya. "Epal ka talaga bes."
"Sus kaw kasi nagmumukmok ka diyan. Enjoy dapat tayo!" binigyan ko siya ng isang bote ng beer. BI ako eh!
"Thanks." sabay kuha nung bote pero hindi niya to ininom hawak lang niya. "Ou nga pala bat hindi ka na bumalik kahapon? Nakita mo ba yung tita mo?" sabay tanong niya.
Ay right parang 30 minutes ata akong nawala kasi naman eh hinanap ko si Ate Tulala pero kahit anong gawin ko wala talaga siya. Nung umakyat na ulit ako wala na sila Jenny umalis na.
"Ah hindi nga eh kaya hinanap ko muna siya."
"I see kaya pala hindi ka na bumalik."
Tas narinig ko nag start na yung mga bands nakinig lang kami ni Jenny nakaupo kami dun sa table namin tas yung sila Mat na tumayo ako inaya ko siya papunta malapit sa stage so nagpunta kami dun.
Si Jenny pinipicturan sila Mat para ilagay dun sa page ng band nila ako naman wala lang nakatayo lang nagmamasid.
"Alam mo epal ka na talaga! Hindi mo ba alam na may boyfriend na ako?" sabi ng isang babae. "At mas gwapo naman siya sayo no? Ikaw hangin lang laman niyang katawan mo sa kanya hindi kaya please lumayo layo ka sa akin baka akalain ng mga tao girlfriend mo ako at eeewww kadiri malink sayo."
Sa lakas ng boses nung babae napatingin ako dun sakanila and laking gulat ko nalang kasi likod niya yun!
Likod ni Ate Tulala yun I'm sure nakita ko yun kahapon and talagang likod niya to! Obessed na ata ako sa likod ni Ate Tulala kaso likod niya yun.
"Oh really? So where's this so called boyfriend of yours?" tinanong nung lalaking nang gugulo sakanya.
So may boyfriend na pala siya. Pero bakit hindi siya makasagot ngayon? Baka naman nagsisinungaling lang siya para matantanan nung mokong na yun! Ou tama nice one Ate Tulala kaso wala ka ngang boyfriend eh nu ka ba.
Lalapit na sana ako dun para lang magpanggap na boyfriend niya para hindi siya mapahiya sa lalaking yun kaso may dumating at inakbayan siya.
"I'm her boyfriend."
Ouch. May boyfriend nga siya nagsasabi siya ng totoo. Likod palang din mukhang bagay sila ah. Good catch Ate Tulala.
Punta nalang ako sa harap nila para matapos na ang kahibangan ko kay Ate Tulala para makita ko na yung mukha niya at hindi lang ang likod niya ang maalala ko pag nagkikita kami.
Papunta na ako kaso biglang hinatak ni Jenny yung kamay ko.
"Bes picture tayo." sabi niya.
So ayun nagpicture muna kami ni Jenny tas nung babalik na ako dun sa lugar kung nansa sila Ate Tulala wala na siya naiwan nalang yung boyfriend niya. Teka bakit siya iniwan nun? Baka nagpanggap lang din to para pasave siya? Tama may pag-asa pa Michael!
Ha? Sus ka Michael erase erase yun! Out of curiousity lang kaya gusto ko siyang makita.
So naghanap hanap ako sa bar kaso hindi ko na siya makita. Baka wala na yun kasi na-trauma na! Kasi naman bakit siya andito?
Pero masaya na din ako kasi nakita ko siya...
Ou yung LIKOD lang niya ulit pero ok na yun! At least nakita ko siya at narinig ko yung boses niya ngayon may dagdag na sa mga clues ko sa kanya ang kanyang Angelic Voice
Waaaaa joke taray voice niya yun eh! :))
Hay sana bukas naman mukha na niya makita ko kasi kahapon at ngayon I'm lucky sana ipagpatuloy pa.
Sana makita ko ulit si Ate Tulala.
Sige ok lang sa akin kahit likod or marinig lang boses for now pero sana naman next time makita ko na talaga siya ng malapitan.
Ou I admit it CRUSH ko na si Ate Tulala and hindi ko alam bakit!
Hindi ko alam pero nung nakita ko siya ulit gumaan ang kalooban ko yung para bang super saya ko na kahit likod lang. Ang ganda sa kalooban kasi alam ko magkikita na kami at makikilala ko na siya ng tuluyan.
______________________________________
Enjoy this chapter. Pero next chapter po hindi po ang part 2 ng Ate Tulala! Series po ito haha. Yup series po to ng mga meet ni Michael at ni Ate Tulala. :))
Do read my story and if you've come to like it share niyo na din and comment or vode or read lng and then be a fan if gsto lng naman. :) PEACE
Meet Jenny and Michael. :)) Bitter ako dyan kay Jenny! Haha
^_____-
BINABASA MO ANG
My Love for a Magician ~Completed
Fiksi RemajaIt all started with a deal with her friends "Lokohin haggang ma in-love si Michael Salmonte until one day the table had already turn and she found herself in love with him and the saddest part is that he doesn't feel the same way. She left to move...