Chapter 8: The Piano
Alyssa's POV
"Aly! Wake up."
"Hmm??"
"Tita's back."
Nung narinig ko yun bigla nalang akong nagising at dumilat! Asan ba ako?
Ay ou nga pala kayla Eunice ako natulog! Tumingin ako kay Eunice na para bang kinakabahan for me.
"Uy wake up! Your mom called already and she's home." sabay sabi ni Eunice
Oh right hindi pala ako nagpaalam kahapon sa kanya. Well kahit anong gimick ko naman hindi na ako nagpapaalam kasi sympre wala na naman siyang pakielam sa akin since that horrible day.
Minsan nalang siya umuwi simula din kasi nung horrible day na yun binaon ni mom ang sarili niya sa work and she never really go home anymore minsan nalang just to check. Pero bakit ata napauwi siya ngayon?
Tumayo na ako and nagayos. Hindi na ako kumain kasi lagot na ako for sure.
"Thanks Eunice." sabi ko at lumabas nalang ako sa bahay nila buti nalang walking distance lang ang bahay nila ayun yung pinagtataka ko eh bakit hindi nalang ako umuwi kanina eh ang lapit lapit lang naman? May sapak din yung ulo ko eh.
Nung nakarating na ako sa bahay nakita ko si Mang Berto naglilinis ng sasakyan. Siguro pumasok na si Mary ay ou nga pala may pasok lagot talaga ako nito. Pumasok na ako at nakasalubong ko si Yaya Joy nagiintay sa foyer.
Lumapit siya sa akin alalang alala siya. "Buti naman dumating ka na." sabi niya.
"Si mom andito ngayon?"
"Nansa living room, siya kumain ka na ba hija?"
"Hindi pa po. Pahanda nalang ng toast pati hot choco." nagsmile naman ako kay Yaya Joy.
Tas papunta na ako sa living room nakita ko si mom malapit sa piano. Parang nagrereminisce siya. Ang tagal ng hindi nagagalaw nung piano pero monthly naman siyang pinapatune.
"Mom." sabi ko nung malapit na ako sa kanya.
Bigla siyang lumayo sa piano. "Saan ka nanggaling?"
"Kayla Eunice po." sagot ko well totoo naman eh
"I heard you didn't attend your classes yesterday. And I also heard that you went to a bar with Eunice and William again."
Wow ang bilis naman nalaman ni mom yun. Sino kaya nagsabi na hindi ako pumasok? Si Mary? Nah baka naman sila Yaya Joy pero hindi din naman alam yun nila eh.
"I'm sorry mom won't happen again." ayun nalang nasabi ko kaysa naman makipagtalo pa ako sa kanya diba?
"You always say that Alyssa when will you realize that you're not a kid anymore?"
Ugh I know I'm not a kid kaya nga nag babar eh at nagcucutting eh.
"I'm sorry. I'm trying my best to be a grown woman." sagot ko sa kanya well true naman ah nagaaral ako oh yes nagcucut ako pero I maintain naman yung grades ko unlike others.
"So I expect that you'll get high grades this semester? And especially this period?"
Wow eto na naman kami sasabak na naman ako sa pag-aaral para lang mapatunayan sa kanya. As you can see hindi kami close ng mom ko we've grown apart dati nung elementary super close kami niyan pero mas close kami ni daddy laso wala siya eh nansa New York na siya iniwan na din niya ako kasama si mom.
"Yes mom."
"Good wag ka ng mag cucut ng class. Don't you feel ashamed? Your uncle is the vice president of your school and you're cutting classes."
Yup my tito is yung vice president ng school. Sinabi yun dati ni Mary sa mga classmates namin ayaw nila maniwala kaya pinabayaan nalang namin hindi naman yun mahalaga eh. Pero well nakakahiya nga talaga kay Tito if hindi ako magaayos pero kasi naman eh.
"I'm sorry. I'm gonna take a shower na mom papasok pa ako." sinabi ko tas naglakad na ako paakyat. Nakita ko naman na si mom na nakatingin parin dun sa piano tas hinawakan niya yung picture frame na nandun sa taas nung piano.
After kong maligo bumaba na ako para kumain na ako tas nakita ko wala na si mom sa living room kaya pumunta ulit ako dun at napatingin sa piano. Umupo ako dun and inopen ko yung case and hinawakan ko lang yung mga keys hindi ko maigalaw yung kamay ko para iplay hinawakan ko lang siya.
"Ang tagal ng panahon since may narinig ako sa bahay na to na nagtutugtog ng pianong yan." sabi ni Yaya Joy.
Napatingin naman ako kay Yaya Joy. "5 years." sinabi ko. "Namimiss mo ba tong piano yaya?" tanong ko.
"Sympre naman. Play ka nga anak."
Tinignan ko yung piano pero hindi ko kaya itong ipatugtog nagpromise na ako dati. "Sorry ya hindi ko kaya."
"Sana dumating yung araw na matugtog mo na niyan kasi pag dumating yung araw na yun ayun ang pinakamasayang araw ko."
Nagsmile nalang ako kasi alam ko kahit kelan hindi ko to matutugtog. Hindi ko talaga kaya. Tumayo na ako then I looked at the picture frame and kinuha ko ito.
"Hi my knight in shining armor."
I smiled and put the picture frame down. Hindi ko akalain na 5 years na ang nakalipas. Dati our house was full of joy matatawag mo talaga tong HOME pero ngayon for me it's just a HOUSE. Yung piano never ng nagalaw since that day. No one dared to touch it kasi alam nila na it's our only reminder of him.
"Halika ka na at kumain ka na anak."
Nag-smile ako at umalis na sa piano at pumunta na sa dining room at kumain na. After nun umalis na ako and pumasok na.
It's Saturday so 3 subjects lang. And namiss ko na yung 2 subjects kaya ang aking papasukan nalang is PE and makikita ko na naman si Sir Ronald and pinaka-gwapong PE teacher sa balat ng lupa haha.
Habang nansa car ako tinignan ko yung phone ko for messages or missed calls and pagkakita ko ang dami ng text sakin ni Gabriel?
Gabriel???
[From: Gabriel Jhonson]
Sino ba si Robi Dominguez?
Ayun yung lahat ng text niya kung hindi yan
[From: Gabriel Jhonson]
Pst.. naaalala mo pa ba ako?
Hindi ko magawang replyan si Gabriel dahil sa nagawa ko kagabi! Nakakahiya talaga yun! Ang lakas ng loob ko para sabihin na kamukha niya si Robi Dominguez eh mali naman pala. Ayaw ko na talaga sana talaga mabura na yun sa isipan niya kaya next week ko na siya itetext ulit. :)
Yeah may balak pa akong itext siya sayang naman yun! Pero for now kakalimutan ko muna yung incident na ROBI DOMINGUEZ na yun.
_______________________________________
Chapter 8 is done. Do read it. :)) This chapter is a mystery? haha joke lang madrama dapat to eh dapat may sampalan effect kaso wag nalang next time nalang. remember niyo tong chapter na to sa mga susunod ito ay napakahalaga. :)
do read it and share nyo na din. yung nansa right is yung hulaan nyo haha. :)) peace
^_______-
BINABASA MO ANG
My Love for a Magician ~Completed
Dla nastolatkówIt all started with a deal with her friends "Lokohin haggang ma in-love si Michael Salmonte until one day the table had already turn and she found herself in love with him and the saddest part is that he doesn't feel the same way. She left to move...