Year 2016 (PAST) - Part II
"Why didn't you just tell me na nandito si Tanner?"
"Ha? Ano. Kasi."
Nagulat si Maymay dahil mukhang seryoso talaga ito. Nakita pala ni Marco si Tanner sa side mirror ng sasakyan. Medyo kinabahan siya dahil ayaw ni Marco na may hindi sinasabi si Maymay sa kanya.
"Ehhh kasi, baka awayin mo siya?"
"Ako talaga? It's fine. Okay lang naman."
"Luhhh, sorry. Pero galit ka pa ba sa kanya?"
"No naman na. Matagal na yun. Okay na ako."
"Mabuti naman. Kaloka. So, saan na tayo?"
Kinabahan pa si Maymay pero ayos naman pala kay Marco. Madami kasing nangyari noon kaya naman maiintindihan niya kung galit parin ito, pero sinabi niya namang ayos na, kaya mabuti nalang talaga. Naglakbay na ulit sila papunta sa isang lugar na palagi din nilang pinupuntahan.
"We're here!"
"Tara!"
Nagpunta sila sa isang view deck na medyo malayo sa bayan. Lagi silang nagpupunta dito pag nagbubuhos sila ng sama ng loob o kaya naman kapag masaya silang pareho at gustong magkwentuhan. Tahimik ang lugar dahil iilan lang din ang nakakaalam.
Travel buddies din kasi si Maymay at Marco. Marami na silang lugar na napuntahan. Mahilig sila sa mga magagandang view, tulad nalang sa kung saan sila ngayon. Mas marami pa silang mas magandang pinasyalan pero ang view deck na ito ay hindi talaga nila mapagsawahan.
"Sige na. Kwento ka na kung bakit ka masaya!"
"Simple lang naman. Kasi nandito ka."
"Naks! Anong drama?"
"Hindi. Totoo nga kasi. May naalala ako kaya naisip ko namang ilibre ka."
"Ano naman yun?"
"Six years na tayong magkaibigan. Tagal nadin pala. Dalawang taon kasama sila, at apat na tayo lang dalawa."
"Weh? Totoo ba?"
"Oo nga. Hindi ako matandain sa date pero oo, six years na tayo."
"Yun lang?"
"Hala oo. Hindi ka ba masaya?"
"Grabe siya oh! Syempre masaya. Hindi mo talaga ako iniwan eh. Bilib din ako sa'yo. Pero hindi nga, yun lang?"
"Aray ha. Big deal kaya sakin tong friendship na to!"
"Ito naman. Tampo agad! Sa totoo lang, di ko alam kung paano ka pasasalamatan."
"Naku, kung alam mo lang. Tinitiis talaga kita."
"Wow ha! Sige nag-uumpisa ka nanaman!"
Natatawa nalang si Marco sa inaasta ni Maymay. Pikunin talaga kasi pero ang lakas kung mang-asar. Ang dami nang nasabi ni Maymay na hindi niya na maiintindihan.
"Shhh! Stop na. Kalma lang, okay? We should be celebrating kaya, diba?"
"Ikaw kasi eh. Sutil ka din talaga."
"Gaya ng dati? Tara?"
"Sige. Umpisahan mo!"
Eto nanaman sila sa tinatawag nilang "Throwback Sessions." Madalas nilang pagkwentuhan ang mga nangyari sa kanila noon, na madalas tinatawanan nalang nila ngayon.
Inaalala nila yung araw na sobrang kulit lang talaga nila. Lahat ng gawin ni Maymay ay ginagaya nung dalawa. Para silang triplets. Kabisado din nila lahat ng expression niya kaya naman tawang-tawa lang din sila sa panggagaya.
Habang nagkukwentuhan ay bigla silang natahimik pareho dahil may itinanong si Maymay.
"Kumusta na ba si Edward?"
At tulad ng inaasahan niyang sagot ni Marco,
"Next topic, please." Sabi nito.
Palagi nalang yan ang sagot ni Marco kay Maymay sa tuwing nagtatanong siya tungkol kay Edward. Yun din minsan ang pinagtataka niya dahil super close din naman yung dalawa. Isa pa, ayaw ni Marco na naglilihim si Maymay sakanya pero siya naman tong misteryoso.
Simula nung umalis si Edward papuntang Germany, hindi na kailanman nagkwento si Marco tungkol sa kanya. Hindi niya alam kung nag-uusap sila o hindi, pero hindi niya na kinuwestyon ang desisyon ni Marco na wag nalang siya pag-usapan. Hindi din niya alam ang dahilan kung bakit ganun nalang kung umiwas siya sa mga tanong niya.
Ito rin ang dahilan kung bakit walang alam si Maymay na kahit ano tungkol kay Edward simula nung umalis ito. Wala naman kasing ibang nakakaalam dahil silang dalawa lang ang pinakamatalik nitong kaibigan. Si Marco ang nagkwento sa kanya na may iba na siya, at yun ang pinakahuling balitang nalaman niya. Sa kung tutuusin, matagal na ang balitang yun. Maaaring kasal na si Edward ngayon, o may anak, o kung ano man.
Kung ano pa man, masaya naman sila ni Marco. Kinaya nila ang apat na taong wala siya. Malaki ang tiwala niya kay Marco kaya naman lagi siya andyan para din sa kanya.
"Ano pa nga ba? Ikaw talaga. Hanggang ngayon hindi mo parin siya makwento sakin."
"Kulit talaga eh. Sabing next topic."
"Pero thank you sa araw na to. Masaya ako."
"So, paano ba yan, happy anniversary?"
"Happy anniversary! Jowa lang ang peg! Lakas maka-relationship goals. Hahaha"
"Naman! Ay teka may regalo ako sa'yo!"
"Hala uy! Ako nanaman yan? Gumastos ka nanaman! Hindi man ako prepared. Wala akong gift sa'yo!"
"Okay lang yun. Matagal nadin naman dapat to."
"May pa-ganito pa talaga? Grabe bai!"
"It's okay. Thank you gift ko yan."
"Salamat talaga, uy!"
Iniabot ni Marco ang kwintas na regalo niya kay Maymay. Hindi narin bago ang pagbibigay nito ng regalo sakanya. Sadyang hindi lang sanay si Maymay hanggang ngayon ay nahihiya parin siya kapag may binibigay sakanya.
"Mag-girlfriend ka na kaya? Para naman di sakin nasasayang mga pera mo. Imbes sa chic ka magregalo eh."
"Chic ka naman ah! Hahaha"
"Bushaaaaaaak! Nako sinasabi ko sa'yo di ko tatanggapin to!"
"Haynako. Darating din tayo dyan."
"Nagbago ka na talaga. Beri good! Dati pinagsasabay mo pa mga chix mo eh!"
"Oh. Past is past na nga eh."
"Thank you talaga. The best ka parin!"
Nagkwentuhan nalang din ang dalawa hanggang sa gumabi na nga at nagdinner pa na gastos ulit ni Marco. Ihinatid din niya si Maymay pabalik sa apartment niya.
Sadyang masaya lang silang dalawa. Sa loob ng anim na taon, naging solid parin ang samahan nila. May mga tampuhan at asaran minsan, pero agad namang maaayos bago man matapos ang isang buong araw.
Sayang nga lang at umalis si Edward. Mas masaya siguro kung magkakasama parin sila. Ano na nga kayang nangyari sa kanya?
--
A/N:
Ano nga kayang mga away na naganap? Kilalanin natin si Maymay, Tanner, Edward at Marco noong mga unang taon. Tara at magbalik-tanaw sa nakaraan. Chaaaar!Thank you for reading po!
All the love, Sisi. 🌻
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕