Year 2013 (PAST) - Part II
Siguradong sigurado si Maymay sa nakita ng dalawang mata niya. Si Edward nga yun at yung kaklase nila. Tumakbo si Maymay papuntang escalator para bumaba at lumabas na ng mall. Iyak siya ng iyak dahil bumalik lahat ng naramdaman niyang sakit na dulot nung ex niya.
At ngayon, si Edward pa. Mas lalong bumigat ang sakit na dinadala niya. Tinatakpan nalang ni Maymay ang bibig niya habang naglalakad dahil umuungol na siya sa kakaiyak.
--
"What in the world!? Why did you kiss me?""I want us back so bad."
"I don't love you anymore, so please, stop."
"You liked the kiss anyway. I'm in high hopes."
"Forget it. For goodness' sake, just leave."
--Sa pambihirang pagkakataon, nabangga ni Maymay si Vivoree habang tumatakbo siya.
"Uy! Ate May, sinong kasama mo? Uy sandali! Teka bakit ka umiiyak?! Hala! Bakit? Sino? Anong nangyari?!"
"Ah. Hindi. Wala. Wala to. Mauna na ako, Vive. Okay lang ako. Kaya ko to!"
"Sigurado ka ba? Ihatid na kita. Kung kailangan mo ng kausap, sabihin mo lang please. Andito ako for you."
"Hindi na. Ako nalang. Pauwi narin ako. Salamat ha, sobra. Na-appreciate ko yan. Masaya ako na andyan ka lagi para sakin. Sige, alis na ako."
"Ate May, kung ano man yan, mahal kita. Basta, andito lang ako kung kailangan mo ako. Text mo ako, please. Ingat ka."
Nag-alala si Vivoree kaya naman tinawagan niya agad si Marco. Alam niya kasing pag siya ang nagtanong, magkkwento si Maymay sakanya.
"Hey. Nakita ko si Ate May. Dito sa mall, few minutes ago lang. You need to go to her now. I think she really needs you."
"Why? Anong nangyari sakanya? Where is she now? Are you with her?"
"She was crying really hard. Wala siyang kasama and I asked her why, pero hindi niya sinabi sakin. I even presented myself na samahan siya pero she insisted. Umalis na siya. Hala, nagwoworry ako. Can you check her up?"
"Yes, I will. Salamat. Ako na bahala sa kanya."
Tinawagan din naman agad ni Marco si Maymay. Nag-aalala narin siya, buti nalang nakita siya ni Vivoree, kung hindi, hindi niya nanaman malalaman. Magaling kasi magtago si Maymay kapag nasasaktan. Kaya niyang tiisin ang sakit na parang pansarili niya lang.
"Where are you? Can I come over?"
"Marco, pauwi na ako. Hayy. The best ka talaga."
"Oy stop crying na. Grabe tumutulo na yung sipon mo kahit di ko nakikita."
"Kainis ka."
"I'm on my way na. Kita tayo sa bahay niyo."
"Ingat ka."
Dumating agad si Marco sa bahay nila. Niyakap niya lang ito ng mahigpit at hindi na kinailangan pang magsalita. Umiyak parin ng umiyak si Maymay hanggang sa napagod nalang ito.
Nagkataon namang walang tao sa bahay nila Maymay kaya ibunuhos niya lahat ng luha niya. Ayaw niya kasing nakikita siyang umiiyak ng pamilya niya. Dumeretso naman sila sa kwarto niya dahil baka dumating si Fenech at mag-alala pa ito. Dun siya nagkwento kay Marco.
"Start ka magkwento kung kaya mo na. Dito lang ako."
"Kasi ganito."
Mag-uumpisa palang magkwento ay naiiyak nanaman siya.
"Best friend kita pero may isa akong sikretong hindi ko pa nasabi sa'yo."
"Ano yun?"
"Nililigawan kasi ako ni Edward. Ilang buwan na rin."
"Don't worry, alam ko na yun. Halata naman sa kanya, gusto ko lang na maggaling sa'yo."
"Tapos, ano kasi--"
Unti-unting bumagsak ang mga luha ni Maymay. Hindi niya mapigilan, dahil nasaktan talaga siya. Niyakap siya at pinunasan ni Marco ang mga luha niya.
"Shhh. Tama na ang iyak. Stop crying na, please? Tapos ano?"
"Dalawang linggo niya akong hindi kinausap habang nasa Germany siya."
"Oh, tapos?
"Nakita ko siya kanina. Andito na pala siya wala man lang pasabi."
"Edi okay pala. Makakapag-usap na kayo."
"Hindi eh. May nakita akong kasama niyang iba."
"Iba? Babae?"
"Oo. Ang sakit sakit pala."
"Mukhang alam ko na kung sino. Badtrip! Ano pang nakita mo?"
"Magkayakap sila. At alam mo kung anong mas masakit pa dun? Naghahalikan sila, Marco. Kitang kita ng mga mata ko. Ang sakit! Ang sakit sakit talaga."
"Wtf! Seryoso?!!?!"
"Oo nga! Hindi naman ako iiyak ng ganito kung hindi eh. Alam mo ba, balak ko na sagutin siya eh. New Year's gift sana. Pero mukhang may happy new year na siya."
"Damn it! He doesn't deserve your tears! Tama na!"
"Alam mo yun? Yung sasagutin ko na kasi eh, tapos ganun pala? Hindi ko tuloy alam kung naging totoo ba talaga siya mula nung umpisa. Kaya naman pala."
"That freak! Ugh. Grabe na siya! Bagong taon na pero walang ibang ginawa kundi paiyakin ka?!"
"Kasalanan ko to eh. Napagod na siguro siya."
"No! Hindi ikaw. Please. Wag mo sisihin ang sarili mo. It's not your fault. Okay?"
"Hayyy. Buti nalang talaga lagi kang andyan para sakin. Bakit kasi nagkagusto pa ako sakanya? Mas okay na kasi kung hindi nalang. Sobrang sakit eh."
"Bakit kasi siya pa, hindi nalang ako? Hahaha"
"Sira ka talaga! Hahahaha"
"O ayan, itawa mo nalang. Hahaha Wag mo na iyakan yung mokong na yun. Andito naman ako oh! Gwapo pa!"
"Hahaha bushak ka! Salamat ha, the best ka pa rin talaga. Ibang klase. Gwapo pa! Hahaha"
"Yun oh! Yan tayo eh! Kaya naman hindi kita maiwan kahit kailan, konsintedor ka. Hahaha"
"Hayyy. Salamat talaga! Natatawa nalang tuloy ako. Payakap nga!"
"Drama nitong kaibigan ko. Halika."
Napasaya naman ni Marco si Maymay kaya medyo nabawasan narin ang sakit. Ganyan lang kasi sila. Sobrang seryoso ng usapan pero matatapos lagi sa tawanan.
Nung nasiguro ni Marco na okay na si Maymay, nagpaalam narin ito. Bago siya umuwi, nagpark muna siya sa isang convenience store dahil may bibilhin lang ito. Sa hindi kalayuan, nakita niya ang kotse ni Edward.
Nagtago siya para alamin kung sino ang kasama nito. Nung makita niya, mas lalong nadama niya ang galit dahil yung babaeng yun parin ang kasama ni Edward. Inis na inis ito kaya nagmadali na siyang umalis.
--A/N:
Ex dito, Ex doon. Kaloka po! Hahaha
LUHH! Si Marco oh.Abangers! ✌
Thanks for reading po!
Love always, Sisi. 🌻PS. Vote & Comment? Danke! 😘
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanficSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕