Year 2013 (PAST) - Part IV
Ilang araw nalang prom na naman! Biglang napaisip si Maymay sa usapan nila ni Edward nung nakaraang taon. Sila kaya ang magka-date ngayon? Alam ni Maymay na nangako siya noon, pero iba na kasi sila. Ay mali. May iba na sila. Pero hindi, tulad ng pagkakaalam niya, may iba na si Edward kaya bakit pa? Malamang yung babae ang ka-date, diba? Naguguluhan nanaman siya.
Iniisip parin ni Maymay ang tungkol sa ka-date niya sa prom, nang bigla na nga itong inannounce ng class adviser nila. Paano na? Eh hindi naman sila nag-uusap ni Edward. Ang hiling niya? Sana nakalimutan niya na ito dahil andyan naman para sakanya si Marco.
--
Pauwi na si Maymay ng mag-isa, nang biglang may humabol at tumawag sa kanya, narinig niya kahit medyo mahina. Nilingon niya din naman agad ito."May."
"Edward?"
"I never changed my mind."
"Ha?"
"Please be my date for prom. Please?"
"Ah,yun ba? Seryoso ka? Pero diba ano --"
Hindi niya itinuloy, dahil hindi nga pala niya pinaalam na yung babae ang dahilan kung bakit hindi na sila nagkagulo. Ayaw niyang malaman na umiyak siya dahil dun.
"You promised me, remember?"
"Naaalala ko."
"Then say yes, please?"
"Okay."
"Great! Thank you. I'll pick you up."
"Sige, alis na ako."
"Wait, can I drive you home?"
"Ay hindi, may lakad pa ako."
"Let me take you there instead?"
"May naghihintay sakin. Alis na ako."
"Oh. Okay. I hope we get to talk some other time."
Naging simple nalang lahat ng kanilang mga usapan. Hanggang ganyan nalang. At yun na nga, nasagot na ang tanong ni Maymay. Si Edward parin ang ka-date niya sa prom. Hindi niya alam kung bakit nagtanong pa, pero po nangako din kasi siya.
--
Senior & Junior Promenade 2013!Sinundo ni Edward si Maymay sa bahay nila. Sobrang awkward, kahit nung nasa loob na sila ng kotse niya. Ang buong akala ni Maymay, nasa kotse din yung babae pero nagtataka siya kung bakit wala. Siguro, nauna nang sinundo ni Edward o kaya naman susunduin nila. Bahala na.
"You look beautiful as always."
"Okay. Salamat."
"It's nice that you've learned accepting compliments now."
". . . . . . . . . . . . "
"So how are you? You know what, I missed this. So much."
"Okay parin naman."
"I said, I missed this so much."
"Alin?"
"This. Us. Being with you."
"Ah. Us? Okay."
"Okay."
Wala na ring nagsalita, hanggang nakarating na sila sa venue. Hindi na inantay pa ni Maymay na pagbuksan siya ng pinto at lumabas na agad siya dito. Hindi rin nagpa-alalay habang naglalakad. Nagpaalam na siyang makikihalubilo siya sa mga kaibigan niya at si Edward naiwang mag-isa kaya napilitan narin itong makipag-usap habang sumusulyap sa bawat galaw ng date niya.
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
Fiksi PenggemarSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕