Year 2016 (PAST) - Part I
Halos apat na taon naring nag-iisip si Maymay kung ano na nga ba ang kalagayan ni Edward. Kumusta na kaya siya, kung anong pinagkakaabalahan niya, kung anong nagyari sa kanya - mga tanong na laging sumasagi sa isip niya. Pero, alam niya sa sarili niya na hanggang tanong na lamang siya.
Kahit minsan sa loob ng apat na taong iyon ay hindi niya napaglakasan ng loob ang sumilip man lang sa mga ganap ni Edward sa mga accounts nito dahil ang alam niya ay masasaktan lamang siya lalo. Wala siyang kaalam-alam sa lahat ng nangyayari at mga pagbabago.
Iisa lamang ang alam niya, na may iba na ito. May bago na siyang girlfriend. Hindi man niya alam kung sino, o saan, at kailan naging sila ngunit ito ang dahilan kaya naman tumigil na siya sa pag-asang magkakabalikan pa sila. Kinuwento lang ito sakanya, pero alam niyang mangyayari at mangyayari din naman yun kaya kinailangan niya tanggapin."Ano ba yan! Nagpapaalala nanaman tong si Edwardo!"
Nakita niya ang jacket na bigay nito habang nag-aayos siya ng kanyang mga lumang damit. Lilipat na kasi siya sa isang apartment malapit sa kanyang kaibigan.
Napagliitan niya na ang jacket na ito. Naalala niya pa noon kung gaano niya ito kadalas gamitin at amoyin. Naitago niya ito ng matagal na panahon.
"Hayyy. Wala na yung mabangong amoy! Sabagay, tagal na nun uy. Para namang di pa naka-move on!"
Tinabi niya muna ito pero sumagi sa isip niyang itapon narin dahil oo nga naman, tama siya, baka dahilan pa to para hindi siya maka-usad. Ang alam ni Maymay sa sarili niya na hindi niya na mahal si Edward. Maaring namimiss niya lang ang pakiramdaman kasama ito kaya siya nagiging emosyonal at napapaisip minsan.
"Hala siya, uy! Grabe bai Maymay nag-iisip ka nanaman ng mga ganyan. Tapos na yun! Okay? Juskolored."
Habang nagliligpit siya ng iba pa niyang mga gamit ay may nagdoorbell sa kanyang apartment. Agad itong nagmadali upang pagbuksan kung sino man iyon.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Marco, ang best friend niya. Matagal na din at marami na ang pinagsamahan nila. Best friend din ni Marco si Edward kaya naman kahit noong nasa Pilipinas pa siya ay magkakasama na sila.
Kahit umalis man si Edward, nanatiling matibay ang pagkakaibigan ng dalawang natira na halos araw-araw simula noon ay lagi nang magkasama.
"Maymay. Namiss kita!"
"Ay grabe siya. Clingy ah? Kahapon lang magkasama tayo. Nako mga paandar mo ah!"
"Magbihis ka. Tara kain tayo sa labas? Libre ko!"
"Teka. Ano. Sandali. Himala yata yan ah? Seryoso?"
"Daming tanong. Sige na dali."
"Anong meron muna at may pagkamabait ka?"
"Wala lang. Hindi ba pwedeng nagugutom lang ako?"
"Hayyys. Sige na nga. Walang bawian ah? Antayin mo ako at magbibihis lang ako."
"Oo seryoso. Basta pakibilisan po."
Natutuwa si Maymay sa inaasta ni Marco. Hindi kasi siya sanay na nanlilibre ito. Pasaway na kasi yun simula palang dati. Marami siyang babae pero hindi niya pinag-gagastusan, kahit mga kaibigan niya. Siguro nga, kuripot lang din talaga siya. Pwede din namang nag-iipon lang.
Naiwan si Marco sa sala at nanood na muna ng TV habang nag-aantay. Nagkalkal din ng ref para maghanap ng makakakain at kumain din ng ice cream ng saglit. Lagi din naman kasi siyang nasa apartment ni Maymay kaya sanay na sila sa ganito. Para niya nading bahay kung tutuusin.
"O, tara na?"
"Aba ginalingan ah! Ang ganda mo!"
"Echosero. Dati pa naman ah! Chaaaar!"
"Oo naman talaga.Tara?"
Pinagbuksan ni Marco si Maymay ng pintuan ng kotse niya. Oo, gentleman naman talaga siya lalo na sa mga taong tunay na nakakakilala sa pagkatao niya.
Nagpunta sila sa isang restaurant kung saan lagi silang tumatambay. Maganda kasi ang view at mahangin, hindi rin matao, kaya naman nararamdaman nila ang katahimikan ng paligid. At dahil tanghali na nga at mainit, pinili nilang magpahangin muna na unti-unting pumawi sa pagod nila hanggang makaramdam na sila ng gutom.
"Order whatever you want, lady."
"May pa-ganyan pa ngayon ah. Sosyal!"
"Oo nga kasi. Minsan lang kaya to."
"Tama, kaya lulubusin ko talaga."
Marami ngang inorder si Maymay. Inaasahan na rin ni Marco ang eksenang ganito dahil kahit payat si Maymay, sobrang takaw nito. Minsan napapaisip nalang siyang maraming bulate si Maymay sa katawan kaya naman hindi man lang ito tumataba.
"So, ano ngang meron?"
"Luhhh. Intrigera. Sabi ngang nagugutom lang ako."
"Yun na nga eh! Pag nagugutom ka at nagyaya, nagpapalibre ka naman lagi sakin ah!"
"Anong gusto mo ikaw magbayad?"
"Hala hindi uy! Dami pa naman neto. Hahaha"
"Sabi na eh."
"Pero thank you ah? Basta! Alam mo na yan!"
"Wala yun. Masaya lang kasi ako. Yun lang."
"Ayun naman pala eh! Ano? Bakit? Sino?"
"Mamaya na nga kwentuhan. Kain muna o."
"Sobrang saya mo siguro talaga no? Akalaino yun, nanlibre ka?"
"Sshhhh. Daldal eh. Kain ka nalang diyan. Marami pa o."
"Basta pag natapos ako ikukwento mo ha?"
"Oo na. Sige na. Kulit mo talaga."
Habang nagtatawanan sila ay may isang taong nakita si Maymay na hindi niya talaga inaasahang makita. Bigla siyang natigilan sa pagsubo ng pagkain niya. Si Tanner, ang kaibigan nila, na kababata rin ni Edward.
Naging dahilan si Maymay ng halos lahat ng away ni Edward, Marco at ni Tanner noon. Kaya naman, hanggang ngayon ay nahihiya parin siyang kausapin ito. Ang pakiramdaman niya kasi, nasira ang friendship dahil sakanya.
"Huyy. Tulala. Okay ka lang?"
"Oo alam ko gwapo ako pero di mo na kailangan ikatulala yun. Lagi mo na nga ako kasama. Huyy!"
Pagbibiro ni Marco, at ikinaway niya pa ang kanyang kamay sa harap ng mukha ni Maymay.
"Ah wala. Oo, pogi mo kasi eh."
Yun nalang ang nasabi niya. Ayaw niya kasing malaman ni Marco na nariyan lang si Tanner sa tabi. Minsan kasi, itong si Marco, ayaw niya marinig ang pangalan ni Tanner pag nag-uusap sila ni Maymay. Siguro, galit padin siya sa mga nagyari sa kanila noon.
"Yan ganyan dapat! Para naman ganahan ako magbayad ng mga kinain mo. Dami talaga eh."
"Oo na. Ikaw na ang pinakagwapo sa lahat. Kaloka ka."
Natapos na silang kumain at nagpasya ang dalawa na mamasyal nalang din muna. Nang paalis na sila ay biglang lumalakad papalapit si Tanner sa kanila na tila nakita niyang nakatingin si Maymay sa kanya. Nahihiya talaga si Maymay na kausapin siya kahit pa man masabing may pinagsamahan din sila, kaya naman umiwas siya ng tingin.
Agad hinatak ni Maymay si Marco para makaalis na sila. Sumusunod parin pala si Tanner na parang may gustong sabihin sa kanya, kaya naman pinapasok niya agad si Marco sa sasakyan. Nakahinga na ng malalim si Maymay nang nasa sasakyan na, pero biglang nagsalita si Marco.
"Why didn't you just tell me na nadito si Tanner?"
--
A/N:
The throwback begins here. Maraming secrets pa ang unti-unting ma-a-unfold.Thank you for reading po!
Love always, Sisi. 🌻
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕