Year 2013 (PAST) - Part V
Si Marco at Maymay ay nasa dance floor na. Nagtatawanan lang nanaman sila. Pero nung naging pang-slow dance na ang kanta, naging sweet sila.
Ngayon, naiintindihan na ni Edward. Kaya pala. Kaya pala ganun nalang ang reaksyon ni Tanner sakanila dahil ngayong siya ang nasa kalagayan na yun, sobrang sakit pala na makita mo yung mahal mong may kayakap at kasayaw na iba.
Yung pakiramdaman niyang gusto niya ring sapakin si Marco, pero alam niyang wala naman yun magagawa. Magkakagulo pa lalo sila na naranasan na rin nila noon, kay Tanner pa.
Kung paano sila ni Maymay noong nakaraang taon, yun ang nakikita niya kila Marco ngayon. Sobrang sakit pala.
--"Buang ka talaga! Hahaha"
"Ikaw ah! Kahit kailan eh. Pero, masaya ka ba talaga?"
"Oo naman! Bakit mo natanong? Sa kakatawa natin, hindi pa ba halata?"
"Aysus. Nakita kita kanina. Oh ano, deny nanaman?"
"Ano? Saan?"
"Ang drama mo nga eh. Lumuha ka pa. Nabura tuloy make-up mo kaya nagpunta ka ng CR at iniwan siya. Hahaha"
"Ay grabe siyaaa! Pati yun hindi mo pinalagpas! Pero wala lang yun. Kung anu-ano lang naman sinabi niya. Hahaha"
"Pero seryoso, okay ka na?"
"Oo naman. Okay na ako, grabe uy. Carried away lang siguro. Hahaha tsaka syempre, masaya nandito ka."
"Kikiligin na ba ako? Hahaha"
"Bwisit ka talaga, Marco. Andun na eh! Moment mo na nga eh! Hahaha"
"Hahaha ay sige, paulit nga!"
"Ay grabe! Wag na nga. Hahaha Basta alam mo na yun. Ikaw pa, buang ka."
"Oo na. Masaya rin akong kasama ka. Hep! Wag kang tatawa."
"Yes Sir. Panalo ka na!"
"So ano, pagod ka na ba? Sino pa ba gusto mo makasayaw?"
"Wala, nakakatamad sila. Chaaaar! Hahaha pero hindi na, ikaw nalang."
"Ay bad ka. Hahaha pero sige. Kahit ako, wala na din naman ako isasayaw."
"Salamat Marco, ha?"
"Hala. Ayan na naman ang nagdadrama. Wala yun. Oy, sulitin na natin to! Alam mo na?"
"Game ako. Tara!"
Nag-ikot-ikot na sumayaw ang dalawa habang nasa dancefloor sila, na akala mo may dance prod dahil may pa-twirl twirl pa. Ang saya-saya nilang tignan na naaliw lahat ng nakakakita.
Hindi napansin ni Edward na unti-unting pumatak ang kanyang mga luha. Oo, umiiyak na siya sa sobrang sakit ng nakikita niya. Nakaupo nalang siya at nakatulala. Naisip niyang bumaba para sana kausapin si Maymay pero parang masyado naman na kasi itong masaya para guluhin pa niya.
Natapos na ang sayawan at awarding ceremony na. Hindi na nakapagtataka na naging Stars of the Night yung dalawa. At hindi lang yun, dahil naging Prom King and Queen pa.
And now, let us give the dance floor to the Prom King and Queen for this year! King Marco Gallo and Queen Marydale Entrata.
"Luhh siya uy! Grabe bai! Nabuang-buang lang man tayo kanina. Tapos eto nanaman? Hahaha"
BINABASA MO ANG
Back For You (MayWard) - Completed
FanfictionSa dinami-dami ng nangyari, bumalik siya para magbaka-sakali. Ang nasayang na sandali, maulit pa kaya muli? 💕