F O R T Y O N E

1.5K 71 8
                                    

Year 2017 (PRESENT) - Part XI

Lumipas na ang isang linggo at hindi nga nagparamdam si Edward kay Maymay. Dahil dun, ibinuhos ni Maymay ang oras sa pagpapagaling. Mabilis lang siyang nakarecover dahil nag-eexercise siya palagi ng paglalakad. Naghilom na rin agad ang sugat sa paa niya.

Eh ang sugat sa puso? Naghilom na rin kaya?

Nagliligpit ng pinagkainan Fenech nang lumabas ng kwarto si Maymay. Hindi pa ito kumain dahil late na siyang gumising kaya hindi na siya nakasabay sa almusal.

"Good morning Ate. Napasarap tulog ah?"

"Oo nga bebe. Ako na diyan. Kain na."

"Luhh! Tapos na kami kumain Ate. Pero nagtira po kami ng para sa'yo."

"Naks. Sweet naman. Pero teka! parang di ko ramdam ang energy ni Aizan ngayon ah?"

"Kaaalis lang po. Eh, sinundo ni Kuya Marco."

"Ha? Bakit daw? Ay ka-grabe si Marco! Hindi man lang ako ginising. Miss ko na rin kaya siya! Busy din gaya ni Edward. Hayy!"

"Sus, Prince Edward nanaman po ang topic natin mga kababayan! Hahaha"

"Hindi uy! Sila kasi eh. Ay sabagay, mga may love life nga naman pala."

"Medyo may bitterness pagkakasabi mo Ate ah. Hahaha Kumusta na ba ang puso mo?"

"Eto ah, seryoso, hindi ko alam. Nung bakasyon natin, parang itinaas niya ako eh -- ang saya lang. Tapos eto. Hahaha Naiwan sa ere."

"Ang deep! Hahaha Tinext mo naman ba kasi Ate? Baka nagmumukmok ka diyan eh nag-aantay ka lang naman?"

"Alam mo, may kwenta ka rin kausap minsan bebe. Hahaha Di eh. Di ko tinext."

"Kaya naman pala eh. Drama pa more! Text mo na si Kuya Edward. Inform mo man lang na okay ka na. Hahaha"

"Oo na. Sige na, pagkatapos ko kumain. Ikaw ata talaga ang ate ko eh. Hahaha Salamat bebe."

Natapos na si Maymay mag-almusal pero nag-iisip parin siya ng itetext kay Edward. Pagkatapos ng lahat ng nangyari nung bakasyon nila, aminado siyang nahiya siya kaya awkward na para sakanya kahit ang isang text man lang.

Alam niya naman ang estado nila, kung tutuusin, wala naman talaga silang estado eh. Magkaibigan lang, pero sadyang ganun nalang ang turingan. Siguro nga one-sided lang.

Nagtutupi naman ng mga damit si Fenech sa sala nang may kumatok sa pintuan ng apartment nila. Agad naman niyang binuksan ito. Si Edward pala, na ikinagulat niya ng bahagya.

"Oy Kuya! Himala ah? Long time no see. Hahaha"

"Yeah. I know. So, where's Maymay?"

"Nasa kwarto niya Kuya. Wait, tawagin ko lang po. Upo ka muna."

"Okay, thank you!"

Tumakbo si Fenech papasok ng kwarto ni Maymay at hindi man lang kumatok. Nagulat pa si Maymay dahil nagtatype palang siya ng message para sana kay Edward at agad niyang tinaob ang cellphone niya. Malaking ngiti naman ni Fenech ang bumungad sakanya.

"Ate!"

"Ay bushak! Ano bebe? Oy. Ngiting-ngiti ka ah!"

"Ay nako! Mas magiging malaki pa ngiti mo sakin Ate pag nakita mo na siya!"

"Ha? Sino?"

"Kunyari pa eh! Syempre yung prinsipe mo! Hahaha Nasa labas po siya. So, ano na?"

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon