O N E

5.4K 131 8
                                    

Year  2017 (PRESENT) - Part 1

Ang saya-saya lang ni Maymay habang kinukuha niya ang mga bagahe niya. Halata namang nag-enjoy siya sa bakasyon niya sa Palawan na tumagal din ng isang linggo. Palabas na ng airport si Maymay at tatawagan na dapat niya ang magsusundo sa kanya na si Marco nang may nakita siyang isang lalaking pamilyar ang mukha na halos hindi niya na makilala.

Natigilan siya sa paglalakad, nagulat at natulala.

Hindi lubos makapaniwala si Maymay sa nakikita niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman dahil ang tagal na din ng lumipas na panahon na hindi sila nagkita o kahit nag-usap man lang. Hindi naman siya nakakaramdam ng galit dahil napatawad niya na ito noon pa man. Hindi din naman niya maramdaman na mahal niya pa ito, kasi sa tinagal-tagal ng panahon, nakuntento siya sa mga kaibigan niya at sa sarili niya. 

Pero sa hinaba-haba ng lumipas na panahon, bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa?

Limang taon.

Tama, limang taon na nga ang nakalipas simula nung umalis ito ng Pilipinas. Marami nang nangyari sa buhay nilang pareho at halos lahat ng mga pangyayaring yun sa buhay nila ay hindi alam ng isa't isa.

Nakita ng lalaki na tinitignan siya nito. Siguradong-sigurado naman siya sa pagkakakilala niya rito kaya tinawag niya agad.

"Maymay!"

"Aaah, Edwardo?"

"Yep. It's me! Whoa. How long has it been? Five years?"

"Oo nga eh. Grabe din ah! Kararating mo lang?"

"Can I just say this for a second? You've become even more beautiful, Maymay."

"Luhhh! Ngayon na nga lang tayo magkikita nambobola ka pa! Hahaha"

"Tsss. Nah! Maymay, you know me. I've always been sincere to you."

"Ay sows! Nako malay ko ba kung ano na ngayon? Tagal na din yun uy. Forget forget na."

"OH. I guess that's the price I have to pay for leaving."

"Uhm. So ano, kakarating mo lang? Anong sadya?"

"Yeah. Ngayon lang ulit. I have to do some business and just to fix some things here."

"Edi paano, welcome back!"

"Nahhh! Maymay! I think we barely know each other already. So you had a flight too?"

"Ah oo. Kararating ko lang din. Bakasyon."

"Where are you heading to now? Can I drop you off?"

"Ay naku, hindi na. Susunduin ako ni Marco. Parating nadin yun. Baka andito nga lang yun sa paligid eh."

"Oh, okay. That's great. How is he?"

"Hindi niya ba alam na nandito ka na? Sabagay, kung alam niya sasabihin niya naman. Tawagan ko siya, wait lang."

"No, no please. It's okay. I'll have to go ahead."

"Ayy.  Ganun? O sya, sige."

"I'll make sure to see you around."

Naguluhan bigla si Maymay sa inasal ni Edward kaya naman tinawagan niya na si Marco. Nung nasa kotse na sila ay kinuwento niya agad ito sakanya.

"Uyy nakita ko si Edward kanina."

"Ha? Seryoso? Saan?"

"Sa airport, bago ka dumating."

"Nag-usap kayo? Oh anong sabi niya bat siya bumalik?"

"Business daw. Kinumusta ka nga eh, kaso nung sabi kong susunduin mo ako at tatawagan kita para sana makapag-usap kayo, mauuna na daw siya."

"Mabuti naman."

"LUHH! Pati ba naman ikaw? Ang weirdo niyo ah? Naku, ikaw Marco sinasabi ko sa'yo talaga! Bakit? Anong hindi mo sinasabi sakin?"

"Kalma. Hindi ko alam na babalik siya dito."

"Chaaaar! Seryoso yan? Baka naman nag-aaway kayong di ko nalalaman ah!"

"So, ikaw? Anong sabi sa'yo?"

"Na gumanda daw ako! Hahahaha"

"Loko talaga yun. Paasa eh."

"SIGEE. SIGEE. Grabe ka sakin ah! Hoy, for your information sinabi niya talaga yun. Heh."

"Eto naman, joke lang. So ano pa sabi?"

"He will make sure daw to see me around, sabi niya."

"Aba. Hayyy. Bahala na."

"Ha? Bakit?"

"Ah, wala. Wala. Next topic. Kumusta sa Palawan?"

Napaisip nanaman si Maymay​ sa sagot ni Marco. At mas lalo pa siyang naguluhan dahil sa reaksyon ni Edward na tila ayaw niya ding magkita sila. Ano nga kaya ang meron sa dalawang to na hindi niya maintindihan?
--

Sa kabilang banda naman ay nakarating na si Edward sa condo unit niya. Nag-uumpisa na siyang mag-ayos ng gamit nang bigla niyang naalala ang pagkikita nila ni Maymay.

"She has always been beautiful. Hayyy. I missed​ her so much, only if she knew. Sayang, we only had a short conversation."

Pumasok din sa isip niya na baka nahalata ni Maymay na umiiwas siya kay Marco.

"I think she doesn't know. Marco didn't tell her for sure. It's better than letting her know. I really have a lot of mess to fix here. Ugh."

Hindi alam ni Edward kung saan siya magsisimula dahil ang daming niyang kailangang balikan. Ang dami niyang naiwan noon na sigurado siyang lahat ay nagbago na ngayon.

Pero masaya siya dahil nakita niya na si Maymay. Isa siya sa mga dahilan kung bakit siya bumalik. Bukod sa maraming paliwanag ang kailangan niyang sabihin, gusto niya itong makasama. Pero, dapat maayos niya muna yung gusot nila ni Marco.
--

Kinabahan naman si Marco sa nalaman niyang balita. Nakabalik na si Edward at ano mang sandali ay pwedeng matapos nadin ang pagkakaibigan nilang tatlo sa dami ng kalokohan niya. Siya lang ang nakakaalam kung anu-ano nito at natatakot siyang malaman ni Maymay ang lahat dahil alam niyang magagalit ito, at kahit si Edward.

Dinadala niya sa araw-araw ang mabigat na konsensya dahil sa mga bagay na sinabi niya o kaya naman mga bagay na hindi niya sinabi.
--

A/N:
Please take note po of every episode's time setting. Mag-iiba-iba po yan until the last part.

Thank you po for reading!
Love always, Sisi. 🌻

Back For You (MayWard) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon